4

1058 Words
Mess@ge Arnelie Versoza iyon pong profile ay girl na naka-facemask sa f**b if interested. For only 299, buy 1 take 1 (Kygan, Atalanta, Garette, Andeng, Apolinario, Abelardo, Emilio, and Claudia). Chapter Four "Siguro naman ay may isang salita ka, Sue?" ani ko sa babae pagkatapos ipakita rito ang larawang kuha ko. Napairap ang babae, halatang hindi masaya na nagawa ko ang dare. "Whatever!" ani nito at inis na nag-walkout. Nagkatinginan kami ni Ever. Nag-high five. Satisfying makita iyong defeat sa mukha ni Sue. Bully pa more, akala n'ya ba'y weakling ako? Sadyang nagbabagong buhay lang ako dahil sa laki ng utang na loob ko kay Ate Kady. "Tara na, Ever! Libre kitang fishball at kikiam. Madami pa akong pera," pagyayabang ko rito. "Sige, sabi mo iyan!" kinuha ko na ang bag ko pati na ang libro. Tapos na ang klase at uwian naman na. Hinintay lang naman naming makauwi ang iba bago ko kinausap si Sue kanina. Panalo ako sa pustahan namin. Pero kung bully-hin pa rin niya ako, pasensyahan na lang talaga. Ipapaliwanag ko na lang kay Ate Kady kung bakit masusuong na naman ako sa gulo. Paglabas ng university ay agad kaming lumapit sa tropa namin ni Ever na nagtitinda ng fishball. "Bili na mga buraot!" ani ni Manong. "May dagdag bang fishball kung sa 'yo kami bibili?" "Lintik talaga! Dagdagan n'yo na Lang ang sauce. Magkano na nga lang tubo ko ay binuburaot n'yo pa itong tinda ko." "Dahil marami naman akong pera, i-go na natin ang sauce!" tag-isang baso kami ni Everlyn. Si Gaga porke alam na may pera ako ay mahigit 40 ang kinuha. Sinamahan ng kwek-kwek ang baso niya. 30 lang sa akin, iyon lang naman ang kaya kong ubusin. Bumili rin ako ng palamig para sa aming dalawa. Noon hindi naman ako kumakain ng mga ganito. Masyado akong in-humble ng buhay. Maraming realization kaya natauhan. Habang naglalakad kami ay sige ang kain ko. Pero pansin ko na tinitipid ni Ever ang kanya. "Ang dami mong kinuha tapos parang ayaw mo namang kainin," puna ko rito. "Hindi naman sa ayaw. Kakainin ko rin ito mamaya. Ulam ko. For sure, tutong na naman ang tirang kanin sa bahay tapos Wala pang ulam." "Ubusin mo na iyan. Sa bahay ka na lang mag-dinner," ani ko rito. "Totoo?" "Oo nga! Kainin mo na iyan," saktong may humintong sasakyan sa tapat namin. Nagkatinginan kami ni Everlyn. "Puting van ba iyan?" kabadong ani ni Ever. "Bobo, gray na van iyan," sa nerbiyos ata'y naging colorblind na. Nang bumukas ang bintana sa passenger seat ay halos napaiktad ako sa labis na gulat. Putangina! Iyong elemento narito. "Erina, pinasusundo ka ng parents mo at ng Ate Kady mo." Alam kong ramdam ni Ever ang panlalamig ng kamay ko. "P-o?" ani ko. "Sakay na." "Sa 'yo po?" ani ko na hindi pa rin maproseso ang sinabi nito. Ang nasa utak ko... iyong lalaking may malaking t**i. Parang biglang sumakit ulit ang pepe ko. Tengene! "Sa car, Erina. Sakay na!" ani ng lalaki na seryosong-seryoso lang. Nagkatinginan kami ni Ever. Saka niya ako hinila palapit sa pinto. Binuksan niya iyon at halos itulak ako pasakay. Nang pareho na kaming nakaupo ay nanlalamig pa rin ako sa kaba. "Huwag kang pahalata!" bulong ni Ever sa akin. "Kausapin mo... casual lang dapat." "Kygan---" "Kuya Kygan, Erina," pagtatama ng lalaki sa tawag ko rito. "K-uya, anong ginagawa ni Ate Kady rito? Bakit po biglaan ang dating niya?" madalas kasi'y nagme-message iyon sa akin sa tuwing pupunta siya rito. "Nais niya kayong makausap. Lahat kayo. Kaya pinasundo ka na niya dahil hindi rin siya magtatagal dito," sagot ng lalaki. Hindi niya ako nakilala? Kasi iyong kaba ko ay dahil sa takot na makilala niya ako, eh. "Ano po kaya ang nais niyang pag-usapan, k-uya?" ang hirap palang tawaging Kuya ang lalaking nakakuha ng aking puri. Ang weird at parang hindi katanggap-tanggap. 18 na ako, malapit nang mag-19. Hindi na minor, pero bata pa kumpara sa edad ng lalaki na nasa 30+ na. 32 or 33 na ata ito. "Doon na lang sa inyo, Erina. Wala akong karapatang i-disclose ngayon ang pakay ng ate mo." "K," ani ko. Hindi napigilang mapaingos dahil hindi nakuha ang sagot na nais. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Parang gusto ng lumabas at tumakbo palayo. Habang seryosong nagmamaneho ang lalaki ay pasimpleng ko itong tinitignan. Bakit parang bigla kong na appreciate ang itsura ng lalaking ito? Bakit parang bigla'y ang gwapo-gwapo na niya sa paningin ko? Hindi ko naiwasang kagatin ang labi ko. Tengene! Parang ang sarap... No! Hindi parang... kasi masarap talaga ito. Pasimpleng kinurot ako ni Ever. "Ang sarap ng balls!" ani kong bulalas dahil sa gulat. "Excuse me?" ani ng lalaki na napatingin pa sa salamin ng sasakyan. "Balls... Fishball..." pakiramdam ko'y lulubog na ako sa kahihiyan. Nakakahiya iyon. Anong balls ang masarap? Balls n'ya. Pero sa sitwasyon na ito... fishball muna. "Ah, okay," ani ng lalaki na nagpatuloy sa pagmamaneho. Pagdating namin sa bahay ay agad akong bumaba. Nagulat pa ako na inabutan ang pamilya ko na umiiyak sa balcony. "Anyare?!" agad na ani ko. Nag-panic at wala sa sariling ipinasa sa katabi ang basong may fishball pa... kay Kygan ko ibinigay. Lumapit ako kay nanay. Nang umupo ako sa tabi nito'y nakita ko pang kinakain na ni Kygan ang fishball ko. "Erina, wala na ang kuya mo." Grabe ang iyak ng aking ina. Para naman akong nanlamig sa narinig. "A-no?" bulalas ko na parang biglang nanlambot. "W-ala na ang kuya mo. Tinapos ng kuya mo ang buhay niya," iyak ni nanay. Nasapo ko ang dibdib ko dahil parang may pumiga roon. "Erina..." tawag ni Ate Kady sa akin. "I'm so sorry, Erina." Umiling ako. Wala naman itong kasalanan. Wala itong dapat ihingi ng tawad. Si Kuya Evan pa nga ang may pinakamalaking kasalanan dito na hindi na nito napagbayarang mabuti dahil tinapos na nito ang buhay niya. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Masakit pa rin sa akin, kuya ko iyon eh. Nag-iyakan ang pamilya ko sa masamang balita na natanggap. Pero wala namang may ibang kasalanan kung 'di si Kuya lang... kami na rin. Kasama kami sa may kasalanan kung bakit humantong si Kuya sa gano'n. Kung sana lang ay na kontento kami sa simpleng buhay na iyon. Hindi sana naghangad ng sobra-sobra si Kuya para maibigay lang ang gusto namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD