Chapter 1

1717 Words
Hades Point of view “Son, I have surprised for you,” nakangiting pahayag ni Daddy ng buksan ko ang pintuan ng kotse, kararating ko lang galing school at hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ay ito kaagad ang bungad niya sa akin ramdam ko ang matinding excitement sa tinig nito. “What is it Dad?” Walang gana kong tanong sa kan’ya habang nakahawak ang kanang kamay ko sa handle ng aking bag na nakasukbit sa kanang balikat ko, hindi man lang naapektuhan ang magandang mood nito bagkus tila lalo pa itong nasabik sa surpresa na sinasabi niya para sa akin. Bumaba ako ng sasakyan ngunit nanatili pa ring seryoso ang aking mukha, simula ng maghiwalay ang aking mga magulang at iwan kami ni mommy ng dahil lang sa ibang lalaki ay tuluyan ng nawalan na ako ng gana sa mundo. Kahit kailan ay hindi ko na nagawang ngumiti pa at mas gusto ko na lang ang mapag-isa, mabuti na yung masanay ako na walang kasama para hindi ko na muli pang maranasan ang abandunahin tulad ng ginawa ng aking ina. Hindi pinahintulutan ni Daddy na makapasok ako sa loob ng bahay at kaagad niya akong sinalubong. “I’m sure, magugustuhan mo ang surpresa ko sa’yo, come on, open the door, son.” Nakangiting utos niya sa akin sa masiglang tinig. Tinatamad na lumapit ako sa pintuan at pinihit ang doorknob, natigilan ako ng bumukas ang pintuan at tumambad sa aking harapan ang isang nakangiti na ginang na may karga na batang babae na sa tingin ko ay nasa isang taon pa lamang ito. Saglit akong natulala ng ngumiti siya sa akin at pilit akong inaabot ng maliit nitong mga kamay. Sa edad na sampung taon ay nakaramdam ako ng kakaiba para sa batang babae, pakiramdam ko ay may kung anong damdamin ang nagbibigkis sa aming dalawa. Wala sa sariling humakbang ako palapit sa kan’ya at inabot ang maliit at cute nitong mga kamay. Nakikita ko ang pagnanais ng bata na mahawakan niya ako, isa lang ang ibig sabihin nun, gusto rin niya ako. “Who is she, Dad?” Tanong ko sa aking ama ng hindi tinatanggal ang tingin sa mukha ng batang babae. “Siya si Steffany, anak ni Tita Marie mo, your step sister.” Masayang sagot sa akin ni Daddy. “She’s not my sister, but She’s mine, right Dad? Seryoso kong sabi na siyang ikinatigil nito maging si Tita Marie ay natigilan at hindi makapaniwala na tumingin sa akin. “Answer me, Dad, She’s mine, right?” Muli kong tanong bago lumingon sa direksyon ng aking ama. Unti-unting naglaho ang mga ngiti sa labi nito habang nanatiling seryoso na nakatitig sa aking mga mata. “O-of course, son, She’s yours.” Ang pagtatapos nito sa usapan na siyang ikinangiti ko, marahil ay nauunawaan ng aking ama kung ano ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito. Hindi maikakaila ang pagiging mag-ama naming dalawa, dahil bukod sa magkamukha kami ay iisa lang din ang aming ugali kaya tanging siya lang ang nakakaunawa sa akin. ————————————- “Yaya! Bakit hinahayaan mong umiyak si Princess?” Galit kong sigaw sa katulong na nag-aalaga sa aking prinsesa, nasa pintuan pa lang ako ay naririnig ko na ang iyak ni Steffany. “Sorry, Señorito, hinahanap kasi ni Steffany ang Mommy niya, eh, nag-aaway kasi ngayon si Ma’am Marie at ang Daddy mo.” Natataranta na paliwanag nito sa akin. Napapansin ko na madalas na ang pag-aaway ng mga ito at wala akong ideya kung ano ang pinag-aawayan nila. “Nasaan si Tita Marie?” Nagtataka kong tanong sa kanya. “Nasa kwarto po sila ng Daddy mo.” Lumapit ako kay Steffany at kinuha ko ito mula sa kanyang yaya, nang nasa mga bisig ko na ito ay yumakap naman siya sa aking leeg na wari mo ay naglalambing at saglit itong huminto sa pag-iyak. “Stop crying my princess, I’m here now.” Masuyo kong bulong sa tapat ng kanyang tainga bago ko hinalikan ang matambok nitong pisngi. “Ya- where’s mommy? Humihikbi nitong tanong sa akin, napangiti ako at nanggigigil na niyakap ito ng mahigpit. Ang cute kasi nito at ang lambing pa ng boses. “I will call your mommy, so dun ka muna kay Yaya, okay?” Malambing kong saad, tumango naman ito sa akin bago tahimik na lumapit sa kanyang yaya. Limang taon na ang lumipas simula ng dumating sila dito sa bahay, mula noon ay nagkaroon ng buhay ang malungkot na bahay na ito. Sa edad na kinse ay tanging kay Steffany lang ang aking atensyon, pagkagaling ko sa school ay ito kaagad ang hinahanap ng aking mga mata. Natatakot ang mga katulong sa akin kapag once na umiyak si Steffany, dahil sa lahat ng ayaw ko ay ang makitang umiiyak ito. Kapag nakita ko itong may sugat o kahit kaunti na galos ay kaagad kong sinisesante ang Yaya nito kaya maingat ang lahat ng kasambahay pagdating kay Steffany. Iniwan ko na ito at umakyat ako ng hagdan upang puntahan si Tita Marie sa kwarto nila ngunit nahinto ako sa akmang pagkatok sa pintuan ng marinig ko ang pag-aaway ng dalawa. “Hindi ko na kayang makisama sa’yo! Nasasakal na ako sa bahay na ito! Ngayon din ay aalis kami ng anak ko, maghiwalay na tayo!” Galit na sigaw ni Tita Marie sa aking ama. Kinabahan akong bigla at pakiramdam ko ay binalot ng kilabot ang puso ko dahil sa pangamba na mawawala sa akin si Steffany, at hindi ako papayag na ilayo nito sa akin si Steffany ko. Biglang bumukas ang pintuan at lumabas si tita Marie na may bitbit na bag, namumula ang magkabilang pisngi nito at halatang kagagaling lang niya sa pag-iyak. “Sige lumayas ka! Sumama ka sa lalaki mo! Pareho lang kayong lahat, malandi!” Galit na sigaw ng aking ama habang nakasunod sa likuran ng aking stepmother at patuloy itong pinagtatabuyan. Mabilis ang mga hakbang na bumaba ito ng hagdan at lumapit kay Steffany, kinuha nito ang bata mula sa kanyang Yaya bago dinampot ang maleta nito. Nataranta akong bigla at hindi na ako nakapag-isip pa ng tama, mabilis akong tumakbo patungo sa loob ng kwarto ng aking ama at nagmamadaling kinuha ang baril na nakatago sa loob ng drawer nito. “Bang!” Natigil si Tita Marie sa paghakbang ng akma na itong lalabas ng pintuan ng marinig niya ang putok ng baril. Halos ang lahat ay nasindak sa aking ginawa at hindi makagalaw sa kanilang mga kinatatayuan. “You can leave, but not with my Steffany.” Seryoso kong sabi habang nakatutok ang baril kay Tita Marie, nakita ko na namumutla na ang mukha nito at bahagyang nanginginig ang katawan dahil sa matinding takot habang nakatitig sa akin. “Hades, bitawan mo yan!” Malakas na saway sa akin ng aking Ama ngunit hindi ako nakinig sa kanya bagkus ay seryosong tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. “No, Dad! Steffany is mine, you are free to leave this house but you must leave Steffany by my side or I will kill you." Babala ko sa kanila na siyang ikinalaki ng mga mata nilang lahat. Natigilan ang aking ama at seryoso tumitig sa aking mga mata, marahil ay nakikita niya ang determinasyon sa aking mukha at alam niya ang ugali ko na kung ano ang nais ko ay iyon ang nasusunod. “Kunin mo si Steffany!” Matigas kong utos sa Yaya, natataranta naman itong lumapit sa mag-ina at sapilitan nitong kinuha ang bata mula kay tita Marie, kaya umiyak ng malakas ang batang si Steffany at pilit na inaabot ang ina. “H-hindi! Huwag ang anak ko! Huwag mong kunin sa akin ang anak ko!” Malakas na sigaw nito habang naghi-hysterical. Nang makuha ng katulong ang bata ay sinenyasan ko itong lumapit sa akin na mabilis namang tumalima. “Ipasok mo si princess sa kwarto ko.” Mariin kong utos sa katulong habang karga si Steffany na walang tigil sa pag-iyak. “Son, hindi mo kailangan na gawin ito, mag-usap tayo.” Mahinahon na sabi sa akin ni Daddy. “Alisin n’yo sa bahay na ito ang babaeng iyan dahil hanggat nandito siya ay nanganganib na mawala sa akin si Steffany.” Seryoso kong pahayag na hindi pinansin ang sinasabi ng aking ama. Pagkatapos sabihin iyon ay tinalikuran ko na ang mga ito at tinungo ang aking kwarto kung nasaan si Steffany. “Luis! Ibalik mo sa akin ang anak ko! Kausapin mo si Hades kailangan kong makuha ang anak ko!” Patuloy na pakiusap ni tita Marie sa pagitan ng pag-iyak nito. “I’m sorry, Marie, pero wala na akong magagawa.” Seryosong sagot ng aking ama bago niya ito tinalikuran. Hindi maikakaila na nasa panig ko ang aking ama dahil tulad ng ipinangako niya sa akin ay kailanman ay hindi ako nito iiwan o ipagpapalit kahit na kanino. Ganun ako kamahal ng aking ama kaya lahat ng gusto ko ay binibigay nito. “Idedemanda ko kayo! Babawiin ko ang anak ko! Mga demonyo kayo!” Narinig kong sigaw nito habang patuloy itong umiiyak, pilit siyang hinihila ng mga tauhan ni Daddy palabas ng bahay. Hindi ako nakadama ng anumang takot sa banta nito dahil gagawin ko ang lahat manatili lang si Steffany sa aking tabi. Pagdating ko sa loob ng kwarto ay kaagad kong kinuha si Princess mula sa kanyang Yaya, mabilis naman itong lumabas kaya kaagad kong inilock ang pintuan ng kwarto. Hinagilap ko ang aking bag na gamit ko sa pagpasok sa school at kinuha ang malaking candy na hugis puso at ibinigay sa umiiyak na si Steffany. “Stop crying, Princess, Kuya will never leave you, okay?” Ani ko sa malambing na tinig bago iniabot ang candy sa kanya kaya tumigil ito sa pag-iyak. Umupo ako sa rocking chair at pinadapa ko ito sa aking katawan bago sinimulang ugain ito gamit ang aking mga paa habang masuyong hinahaplos ang likod nito. Napangiti ako ng makita ko na mahimbing na itong natutulog sa aking dibdib, napakaganda talaga ni Princess kay amo ng kanyang mukha at labis akong naaakit na pagmasdan ang mahahaba niyang pilik mata. Isang masuyong halik ang iginawad ko sa ulo nito bago ko ipinikit ang aking mga mata.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD