Ang lahat ay labis na nasindak dahil sa bilis ng mga pangyayari, pagkatapos barilin sa ulo si Baltimore ay balewala itong sinipa ni Hades kaya bumagsak ang katawan nito sa sahig. Tila hari na naglakad ito patungo sa unahan ng bulwagan habang bitbit ang baril sa kanang kamay nito. Kahit isa ay walang gumagalaw sa kanilang mga kinauupuan dahil sa takot na baka sila naman ang pagbalingan nito. Habang seryosong naglalakad ay biglang umangat ang kamay ng binata. “Bang!” “Ahhhh!” Halos mapatalon si Steffany sa kanyang kinatatayuan ng walang pakundangan na binaril ni Hades ang tagapagsalita na nakatayo sa kanyang harapan. Matindi ang galit niya sa emcee dahil sa pagbibigay ng presyo nito kay Steffany na para bang isang gamit kung ipagduldulan sa mga lalaking naghahangad sa katawan ng kanyang mah

