Pag mulat ko alas 7 na pala ng gabi ng lingunin ko kung may bakas ba na dumating si zach ni gusot wala man lang, Bumangon ako at hinanap sya sa lahat ng sulok ng bahay ni anino wala man lang Zach.
Asan na kaya yun trinay kong tawagan ang cellphone nya pero cannot be reach nag asikaso na ako mag luto at pagkatapos naligo na din ako , pero alas 8:30 na wala pa din zach nagulat ako ng may nag doorbell siguro sya na yun.
"Zach ikaw na ba ya- naputol ang ngiti ko at napalitan ng takot.
"Sino kayo, isasara kuna sana ang pinto ng nagpumilit sila pumasok at ilabas ako nagpumiglas pa ako ng may tinakip sila sa akin na panyo narinig ko pa ang huli nilang sinabi bago ako mawalan ng malay.
"G*go ka dude patay tayo nyan ba't mo ginamitan ng ganyan.
"Wag ka ng maingay Alex sasapakin kita ikaw trevor tumulong ka naman
"Tsk!!!
Nagising ako sa maingay na bangayan ng mga kumidnap sa akin at nag tatalo talo sila di ko maintindihan kung bakit takot sila sa amo nila at ganyan sila mag salitaan.
"Alex pag hindi ka tumigil kakatakot sakin ikaw ang gagamitan ko netong panyo.
"Dude naman kase ang utos lang satin dalhin ng maayos hindi gamitan ng ganyan paano kung hindi na yan magising edi lahat tayo patay trevor ikaw na tumawag ka Z.
"Ok!!
"Subukan nyo babarilin ko kayong dalawa.
Tuluyan na nga akong bumangon at nakikiusap na pakawalan na nila ako pero parang mali ata ng nasali sa usapan ang asawa ko dahil pinagtatawanan lamang nila ako.
"Mga kuya kung pera man ang habol nyo sakin wala ako nun hindi ako mayaman at wala na akong mga magulang please lang pakawalan nyo na ako di ako mag susumbong sa pulis.
"Alam mo miss wag ka samin mag makaawa kundi sa boss namin mamaya.
"Oo nga miss balita namin mayaman ang asawa mo diba!
"May asawa ako pero hindi sya mayaman kuripot yun tska, nag iisip pa ako ng sasabihin sa kanila dahil parang di sila na niniwala.
"Tska bugnotin yung unggoy na yun kaya wala yun pera.
Rinig na rinig ko ang tawanan nila na animo'y wala ng bukas wagas kung makatawa.
"Anong nakakatawa mga kuya? naka piring kase ako kaya di ko sila makita.
"Tawagin mo kaming mga pogi panget samin ang kuya para kaming matanda nyan.
"Pakawalan nyo na ako baka inaantay na ako ng asawa ko lagot sakin un di man lang nag ttxt ang unggoy na yun.
Nagtawanan ulit sila at naririndi na ako ng bigla ng huminto ang sinasakyan namin at pinababa nila ako at may humawak sa kamay ko hila hiila ako, Ang pinag tataka ko lang di nila ako sinasaktan.
"If you still want to live, take that hand away from my wife.
Tama ba ako ng rinig asawa ko ba yun?
"Lagot!! sabi nung makulit sa kanila.
"So possesive! sabi naman ng isa.
"Relax inalalayan ko lang baka kase madapa,
Depensa nung nag hawak sa kamay ko sa tingin ko sya rin yung nag takip sa ilong ko na panyo.
"Get out!!!
"Ganyan ka ba mag pasalamat samin dude,nakangising pahayag ng humahawak sa kamay ko.
"Tara na Simon baka hindi tayo bayaran nyan pepektusan ka namin trevor tara na.
At yun na nga nag sialisan na ang mga kumidnap sakin humarap ako sa lalaking nasa harap ko nakita ko na nakangiti sya lumapit ako sa kanya at Pakkk!!!!
"Para san yun?
"Tar*ntad*o ka pala e sino ba ang matino na ipakidnap ang asawa ahh, galit kung bulyaw sa kanya.
"I'm sorry gusto lang kita i surprise!
Napatingin ako sa paligid sa at nanlaki ang aking mata bat may ganto bag ang daming tao.
nasagot ang mga bakit sa aking isipan ng lumuhod sya sa harapan ko.
"Love Alam kong mahirap para sayo na tanggapin ako dahil sa ginawa ko sayo pero hinding hindi ako nag sisisi na kinidnap kita.
Simula palang ng una kitang nakita alam ko na ikaw na ang para sa akin Di ka na naalis sa isip ko matagal na kitang binabantayan
Totoo ba ang pinag sasabi nya matagal na nya akong kilala at sinusubaybayan kaya pala pakiramdam ko dati na laging may sumusunod sa akin.
"Love Sana tanggapin mo ang pagmamahal ko sayo oo minadali kita na ikasal sa akin dahil gusto ko na hindi kana makawala pa sa tabi ko kaya ngayon hihingi ako ng pagkakataon na itama ang pagkidnap sayo.
Nagtawanan ang mga tao may mga kumukuha pa ng video at may mga naiiyak na din katulad ko.
"April Magbanua WILL YOU MERRY ME AGAIN?
Nagsisigawanan na ang mga tao sa paligid at sinasabi ang yes pero di ako maka pag decide naguguluhan ako ang dami kong gusto itanong sa kanya na diko pa matanong tanong dahil sa sobrang bc nya ano ba dapat ang isagot ko.
Tumingin ako sa kanya at kita ko ang katanungan sa kanyang mga mata at malapit na din syang umiyak, my god wag kang umiyak di pa nga ako nakaka sagot baka mag hiwalay agad tayo nyan uso pa naman ngayon hiwalayan katulad ng mga umiiyak sa araw ng kasal.
Say yes!! Say yes !!!Say yes!!!sigaw ng mga taong nandito.
"Tumayo kana jan.
"Di ka pa nga sumasagot hindi ako aalis dito hangga't dika sumasagot.
"Paano kung hindi ako sumagot di ka pa rin aalis jan?
"Oo
"Pwes Sinasagot na kita.
"Hindi pa ri- wait tama ba ang narinig ko? tumayo sya at nakaharap na sya sakin ngayon.
"Bahala ka jan ayuko na ulitin, nakangisi kong sabi.
"Love ano nga gusto ko ulit marinig please, lumuhod uli sya.
"YES!! ZACH MADRIGAL Sinasagot na kita,
"YES!!!!!!! WOAHHH!!!!,sigaw nya sinuot nya sakin ang singsing at hinalikan ako ng mabilis sa labi at kinarga alam nyo na yun yung idawn zulueta nya ako charot. Rinig na rinig ko rin ang hiyawan ng mga tao sa paligid at pagbigay bati nila samin.
"Congrats dude april!
Tumingin ako sa tatlong dumating sila yung kanina na kumidnap saakin.
"Di man lang ba kami ipapakilala sa magandang soon to be Madrigal again.
"Tsk corny!!
"Shup up trevor.
"Wag kayong panira ng moment mga g*ng*ng,
Love sya nga pala mga kaibigan ko, di pa nga sya tapos mag salita ng inagaw agad ang kamay ko ng makulit sa kanila.
"Alex nga pala A.K A pogi.
"Trevor, cute sana neto tipid namn mag salita.
"Simon, yung humawak sa kamay ko.
"Ok enough Love sit down kayong tatlo kumain na rin kayo.
"Ayun ang hinihintay ko kanina pa, Alex
"Patay gutom, Trevor.
"Sige dude kami ng bahla sa sarili namin.
Kumain na kami at ang mga taong inimbitahan nya pinasalo kuna din ang mga staff at mga nag hahanda ng pagkain gusto ko kase na kahit kumakain kami kumakain din sila. natahimik ako ng hinawakan nya ang kamay ko.
"Love thank u dahil binigyan muko ng pAgkakataon na pakasalan ka ng maayos kahit kasal na tayo.
"Hoy! itigil nyo na yan sobra na kaming nilalanggam sainyong dalawa, at ikaw naman Zach kelan kapa natuto sa mga sweet words na ganyan,
Natahimik sya ng binatukan sya ni trevor kita ko na titig na titig sakin si Simon na para bang may gusto syang sabihin. Hanggang sa natapos na ang ganapan at nakauwi na rin kami dito sa loob ng kwarto namin nag linis muna ako bago lumabas sa kusina kita ko na nakaupo sya at may pinggan, lumapit ako sa kanya at niyakap nya ako.
"Gutom ka paba?
"Hindi gusto ko lang kainin ang niluto mo sorry kung di ako naka pag paalam sayo kanina dahil gusto kita i surpresa.
Tumingin ako sa kanya at nag katinginan kami hanggang sa naramdaman ko nalang na lumapat ang labi nya sa labi ko.
My God ako pa ata ang makakain neto lord bigyan nyo ako ng lakas enebeeee.