THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE -2

1220 Words
“Cheska, alas-siyete na ng hapon hindi ka pa ba tapos?” tanong sa 'kin ni Bea habang nakataas ang kabila niyang kilay. “Kailangan ko lang itong taposin dahil kailangan ito ni Sir, Luke, bukas saka, matatapos na rin naman ako rito,” tugon ko sa babae. “Ganoon ba? Sige na at mauuna na ako sa ‘yo, Cheska,” paalam sa akin ni Bea. “Sige ingat ka, bestfriend,” paalala ko sa aking kaibigan. Agad naman siyang umalis sa aking harapan. Mga ilang minuto pa ay tuluyan na akong natapos. Dali-dali akong tumayo at kinuha ang aking bag. Malalaki ang aking hakbang papalabas ng building. Pagdating sa sakayan ng taxi ay agad namang may humimpil sa aking harapan. Nagmamadali akong pumasok sa loob at binigay ko sa taxi driver kung saan ako bababa. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa bahay ng matiwasay. Naabutan ko pa nga si Mama na nanonood ng tv. “Cheska, nandito ka na pala? Tama lang ang dating mo dahil kakain na tayo,” sabi ni Mama sa akin. Agad naman akong lumapit dito para magmano upang gumalang. Hanggang sa yayain na ako nito sa kusina. Mabilis kaming dumulog sa hapagkainan. At nagsimula na nga kaming kumain. Nang matapos kaming kumain ay agad na akong pumanhik sa aking kwarto. Mabilis lang akong nag-shower. Pagkatapos ay pinatuyo ko ang aking buhok. Hanggang sa magdesisyon na akong mahiga sa kama. Malalim na lamang akong nag-isip. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko matanggap mga rules sa akin ni Sir, Luke. Pati palda ko ay pinag-iinitan nito. Ang sarap pasakan ng panty sa bibig ng lalaking iyon. Nakakasura talaga! Mayamaya pa’y tuluyan na akong nakatulog. Mag-alas singko na ako magising, dahil sa alarm clock, kaya naman nagmadali na akong bumangon dahil baka ma-late pa ako lalo at pinag-iinitan ako ng boss ko. Taranta akong nag-aasikaso. At nang natapos na rin akong maligo at magbihis ay nagmamadali na akong lumabas ng silid ko. Agad akong nagpaalam sa akin Ina. Inabot pa nga nito sa akin ang baon kong pagkain lalo at hindi ako kumain ng umagahan. Paglabas ng kabahayan ay agad akong nagtungo sa sasakyan. May humimpil namang taxi sa harapan ko. Nagmamadaling pumasok ako sa loob ng sasakyan at nagpahatid sa aking pinagtatrabahuhan. Laking tuwa ko dahil hindi masyadong trapik kaya mabilis lang akong nakarating sa aking patutungugan. “Good morning Cheska,” pagbati sa akin ni Bea. “Morning!” tugon kong may magandang ngiti. Hanggang sa simulan ko na ang aking mga gawain.. Kailagan kung tapusin itong mga pipirmahan deed of sale ni Mr. Devera at itong certificate completion alam kong kailangan din ito. Nagmamadaling in-staple ko ang huling kopya at inilgay sa long envelope. Jusko po dahil ang bilis ng oras dahil mag-uuwian na naman. Tumayo ako at naghandang umuwi na. Naglalakad ako palabas ng opisina nang makita ko ang isang katrabaho ko. “Pauwi ka na Cheska?” tanong nito sa akin. “Oo,” maikling sagot ko. “Tamang-tama pakihabol naman nitong cellphone ni Sir luke, naiwan kasi niya kanina,” pahayag nito. “Ha? Bakit ako?” react ko rito. “Dahil ikaw lang ang nakita kung palabas ng gusaling ito,” turan nito sa akin. “Ikaw na lang. Alam mo naman na bad trip ‘yun sa akin ‘di ba?” asar na sabi ko. “Kaya nga mas mabuting ikaw ang magdala para naman gumanda ang record mo kay Sir Luke, ‘di ba?” Nag-isip ako sa sinabi nito may point nga ito. “Sige-sige akin na nga,” sabi ko rito at inabot sa akin ang cellphone. Nagmamadali akong umalis sa harap nito. Naabutan ko naman si Sir Luke sa may reception sa ibaba at may kausap na may edad na lalaki. Papalapit na sana ako rito nang may lumapit ditong isang babaeng morena. Ang maganda ng mukha nito at tumaas din ang kilay ko nang bigla na lang yakapin ng babae at halikan si sir Luke. Napaawang ang labi ko sa nasaksihang eksena. “I miss you, Luke. Kanina pa ako tumatawag sa cellphone mo,” anas ng babae habang may malungkot na mukha. Hindi ko mapigilan ang pag-angat ng kilay ko. “I’m really sorry, Dianne. Ngunit hindi ko alam kung na saan ang cellphone ko,” sagot ng lalaki habang panay ang iling ng ulo. Marahan na lamang akong napahinga. Parang nagsisi tuloy ako na Ibalik dito ang cellphone ni Sir Luke. Ngunit nandito na ako, kaya hindi ko na kailangan umurong pa. “Sir Luke, excuse me.” Sabay na tumingin sila sa akin. Ang babae naman ay nakataas ang kilay. Tingnan pa nga ako nito mula ulo hanggang paa. “Sino ka?!” pasinghal na tanong ng babae sa akin. “Ibabalik ko lang ang cellphone mo, Sir Luke. Nainwan mo po,” tuloy na litanya ko. Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Sir at hapitin ako sa beywang ko. “Siya ang magiging asawa ko---" Hindi ako makapagsalita. Awang lang ang aking bibig. Parang nanuyo rin ang lalamunan ko. Joke ba iyon? Mag-aasawa na ako? Hindi ko inaasan ang sinabing iyon ni Sir Luke at sobra akong nagulat. “Luke, hindi magandang biro iyan. That’s not funny!” palatak ni Dianne. “This is not a joke, May, It’s the truth.” Pagkatapos ay tumitig si Luke nang husto sa akin at ngumiti ng matamis. “Right, sweetie?” malambing na tanong nito sa akin. Tila lalong umurong ang aking dila at tanging napatitig lang sa gwapong mukha ng boss ko ang nagawa ko habang malakas ang kabog ng aking dibdib. “Hindi ako papayag! How dare you do this to me, Luke?!” Iiling-iling pa ito habang umaatras. Pagkatapos nagmamadaling umalis sa harap namin. Nasundan ko na lang ng tingin ang babae. Ako naman ay hindi ako makapaniwala sa nangyari para lang itong isang panaginip ko. Ganitong-ganito talaga na may lalapit sa aking lalaki at sasabihin na mag-asawa kami. My gosh! Ayaw ko nang magising. Mayamaya pa’y bigla akong binitawan ni Luke at basta na lang umalis sa amin. Kaya ang aking panaginip ay biglang lumagapak sa lupa. “Sir Luke, itong cellphone mo po. Kuhanin mo na at nang makauwi na ako,” anas ko sa lalaki habang hindi pa ito nakakalayo. Lumingon ito sa akin at masama akong tingin bagay na aking pinagtataka. Ngayon ay nauunawaan ko na, dahil ginamit lang ako ni Sir Luke para layuan siya ng babaeng iyon. “Itapon mo. Dahil hindi ko iyan kailangan!” “Pero sayang naman po ito?” “Eh, ‘di sa ‘yo, Miss Cheska!” masungit na sabi nito. Napatitig ako sa mukha ng lalaking Demonyo. Ang sarap nitong sipain. Ngunit ang cellphone na ito ay sayang kung itatapon ko lang. Magsasalita pa sana ako nang magsinyas ito na huwag akong maingay dahil may tumatawag sa cellphone nito. “Ma’am,” narinig kong anas ng lalaki. “Ngayon na ba, Ma?” Narinig kong tanong ng lalaki. Tumingin pa nga sa akin si Sir Luke. Medyo nailang ako dahil sa mapanuring tingin nito sa akin. Medyo kinabahan tuloy ako ng wala sa oras. Para kasing may ibig sabihin ang lalaki sa titig nito. “Okay! Okay, Ma. Dadalhin ko siya riyan---” anas ng lalaki sa kausap nito sa cellphone nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD