BLACK MAGIC

1362 Words
Cindy’s POV Naputol ang pagtitig ko sa kanya nang marinig ang pagbanggit ni Mitch sa pangalan ko. “Ito nga pala ang kaibigan kong si Cindy. Magkaklase kaming dalawa.” “Hi, po, Tita Barbara,” malambing kong usal dito at kinawayan siya. Tumaas ang isang kilay nito bago ngumiti ng matamis sa akin at niyakap ako. “Maupo kayo at kukuha ako ng maiinom.” Pumasok ng kusina si Tita Barbara, nagkaroon ako ng pagkakataon na libutin ang buong sulok ng bahay nito. May dreamcatcher sa pintuan, may patay na butterfly sa garapon, at bulaklak na buhay sa vase. Lumapit ako kay Mitchell. “Nangkukulam ba ang Auntie mo?” bulong ko dito. “Hindi!” mariin na tanggi nito. “Witchcraft ang tawag sa kanya dahil gumagamit siya ng itim na mahika, pero hindi siya kailanman nangkulam. Tumutulong siyang manggayuma gamit ang itim na mahika para mag-cast ng spell. Hindi lang gayuma, nanghuhula rin at may mga charms siyang pampasuwerte raw.” Parang wala namang pinagkaiba yun. Pinaganda niya lang. “Mabuti at napadalaw ka, iha. Minsan kailangan pa kitang pilitin para lamang tayo ay magkita,” paglabas bigla ni Tita Barbara habang hawak ang tray papunta sa amin. “Ay! Ako po ang pumilit sa kanyang makilala ka. Kinukuwento ka sa akin lagi ni Mitchell, magaling ka raw mag-cast ng spell sa isang tao?” tanong ko, kabaliktaran ang mga sinabi ko sa sinabi sa akin ng kaibigan ko na ngayon ay nakasimangot akong tinignan. “Marunong ako, hindi magaling. Nag-aaral pa rin, kadalasan nagkakamali ngunit epektibo naman kung minsan.” Wala akong nasabi bagkus ay pilit na ngumiti na lamang. Hindi pa rin naniniwala sa kakayahan nito, lalo pa at nakuwento sa akin ni Mitchell na wala naman sa lahi nila ang paggamit ng itim na mahika, bukod tanging si Tita Barbara lamang ang gumagawa nito sa angkan nila matapos siyang iwan ng asawa nito at sumama sa ibang babae. “May gustong lalaki si Cindy sa school namin. Isang lalaki na napakaimposibling magkagusto sa kanya kaya siya narito, lumalapit sa inyo,” sabat ni Mitch na kanina pang tahimik. Sinasakyan na lamang ako. Lihim kong tinignan ng masama si Mitchell. Hindi ko alam na seryoso siya na talagang sasabihin ito sa tita niya. Bukod roon ay alam kong gusto lang nito akong pagtripan. “Maaari ko bang makita?” “Nasa school po, hindi ko siya madadala dito kasi hindi kami close,” mabilis kong sagot. “Baliw! Litrato,” bulong ni Mitch at tumawa. Nahihiya akong tumawa at binuksan ang phone ko ‘tsaka pinakita kay Tita barbara ang litrato ni Lachlan. “May itsura, hindi nakakapagtaka at nagustuhan mo siya,” komento nito sa kalmadong boses. Ang kilos niya ay polido at para bang kontrolado. “Matalino, mabait, masipag, at… perfect. Walang kapintasan, tita,” dagdag ko pa na matamis ang ngiti sa labi. “Perfect?” pagak itong tumawa. “Walang perpekto, iha. Maski ako ay nagkakamali pa rin hanggang ngayon,” nawala ang ngiti sa labi ko. “Oo naman po. Alam ko po yun,” labag sa loob kong pagsang-ayon. Muli niyang pinagmasdan ang litrato, ngayon ay mas matagal at seryoso. “Gusto mo ba talaga?” umangat ang tingin niya sa amin. Marahan akong napalunok at wala sa sariling tumango. Hindi ako naniniwala kahit masyado akong naakit sa mga mahika at mala-fairytale na love story sa libro. Ngunit may parte sa akin na umaasang totoo ang mahika, lalo na at lumaki ako sa pagpapantasya. “Sigurado ka?” ulit niya. “Ang gagawin ko ay maaring maaaring matupad, ngunit makasama sayo. Depende sa takbo ng magiging relasyon niyo. Handa ka ba sa anumang mangyari?” Bigla akong kinabahan sa tanong niya at pagiging seryoso nito malayo sa malapad na ngiting sumalubong sa amin ni Mitch kanina lang. Napabaling ako sa kaibigan ko na walang kainteres-interes sa mukha at nagkakape lang habang tahimik na nakikinig. Hindi ko alam pero may kung ano sa pakiramdam ko na hinahatak ako sa kanyang maniwala, kahit imposibli. LUMIPAT KAMI NG inuupuan at pumasok sa isang kuwarto na maliit at may isang bintana lamang na siyang nagbibigay ng magandang tanawin sa labas. Nasa harap namin ni Mitch ang tita niya na abala sa pagpili ng maliit na bote, kasing liit ng daliri ko. Ang daming maliliit na bottle sa malaking box niya, may iba’t-ibang kulay. Ngunit isa lamang ang kinuha niya, yun ay ang kulay pula. “Ito ang love potion,” paalam niya sa akin. “Ah. Yan po pala,” pagtango ko na lang at kunwaring namangha. Nakita ko ang pagpipigil ni Mitch ng tawa sa gilid ko. Lalo na at alam niyang pilit na lamang ang reaksyon na aking pinapakita. “Ito ang gagamitin mo upang tuluyan kanang mapansin ng lalaking iniibig mo.” Napahawak ako sa labi ko gamit ang hintuturo ng daliri ko at muling tinignan ang box. “Ano naman po ang gamit ng ibang kulay na yan?” Tinuro ko ang maliliit na natirang bote. “Lahat ng ito ay level ng emosyon na maaaring maramdaman ng taong makakainom nito. Ang kulay kahel ay pagnanasa, ang dilaw naman ay pagkakaibigan, ang puti ay pampatagal ng galit. Itong pula ang siyang magpapaibig kay Lachlan upang tuluyan mo na siyang mabihag at iyong mapasakamay.” Parang mas gusto ko yung pagnanasa. Napahagikhik ako sa sariling iniisip. “Kailangan ko lang ay ipainom yan sa kanya?” May matanong lang kay Tita Barbara kahit obvious naman. Eh, ganito naman talaga ang proseso kapag nanggagayuma, halos lahat alam yan. “Malapit na ang araw ng mga puso, wala itong epektibo kung hindi mo sasabayan ng maitim na mahika.” “Ano po ang gagawin ko?” May isang buwan pa bago ang mag-araw ng mga puso. May kinuha siyang papel na itim at ballpen na puti ang ink ‘tsaka iyun inusog papunta sa akin. “Isulat mo riyan ang iyong pagpapahayag ng damdamin sa binata na nais mong mapaibig. Gabi-gabi bago ka matulog ay babasahin mo ito, sa ilalim naman ng unan mo ay ilagay mo ang litrato niya sa pagtulog mo. Yan ang orasyon na iyung gagawin bago ang araw ng mga puso, pagkatapos nun at dumating na ang takdang oras, sa araw ng mga puso ay haluin mo ito sa kanyang maiinom o pagkain.” Binigay nito ang maliit na bottle na kulay pula na siya namang tinanggap ko. Narinig ko ang paghikab ni Mitch dahilan para blangko siyang tignan ng kanyang tiyahin. Agad nitong sinara ang kanyang bibig para ipakita na siya ay interesado sa nangyayari kahit ang totoo ay hindi. “Yun lang po ang gagawin ko?” paninigurado ko. “Oo. Wala ng iba, basta sundin mo ang proseso ng maayos at walang problemang mangyayari. Ngunit ito ang tatandaan mo, kailangang handa ka sa anumang resulta na magaganap.” KALAUNAN MATAPOS ang mahabang pag-uusap ay umalis na rin kami dahil baka abutin kami ng dilim sa daan pauwi. Kasalukuyang binabaybay namin ni Mitch ang makahoy at madahon na bundok. “Galing mong umarte, parang totoong interesado ka,” tukso nito at tinulak pa ako ng balikat niya. “O baka nga talagang interesado ka?” napahagikhik ito na may panunuksong tingin sa akin. “Alam mo naman na talagang mahilig ako sa magic at spell.” “Pero hindi ka naniniwala sa kanya, hindi ba?” Tama siya, hindi nga ako naniniwala. Mahirap naman kasing paniwalaan lalo na at alam ko na ang nagdala sa kanya para maging spell caster o witchcraft ay dahil sa paghihiwalay nila ng asawa nito. She was depressed after her husband abandoned her. “Kaya ikaw na ang bahalang magtapon niyan na love potion na yan. Feeling ko katas lang naman ng strawberry yan, eh,” biro nito at tumawa. Naputol lang ang tawa nito nang matapilok at dumaing sa sakit. “Halaaaa, baka ginagamitan ka ng black magic ni Tita Barbara. Ingat din sa pagsasalita, Mitch,” oras ko naman para biruin at pagtawanan siya. Pagak lang itong tumawa na tila talagang sarado ang isip na paniwalaan ang kakayahan ng kanyang tita. Walang takot niya akong tinignan tsaka nauna na sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD