"Damn, why does it have to be on your birthday?" Hindi maiwasan ni Keaton na matawa habang pinapanood si Lukas na magbihis. Gusot na gusot ang mukha nito tapos nagdadabog pa. "And who the f**k celebrates the death of someone, anyway?" muli na namang reklamo ni Lukas. Death anniversary kasi ng Lolo Marthias nito at nagkataon pang birthday rin iyon ni Keaton. "Hayaan mo na kasi, Lukas." Tumayo siya at lumapit dito. "And it's not like we did not celebrate my birthday. We did. Remember your birthday surprise earlier?" Party poppers saka birthday cake ang gumising kay Keaton nang umagang iyon. Everything was organized by Lukas. Ito rin daw ang nag-bake ng cake. Medyo palpak nga lang dahil hindi masyadong naluto ang loob, pero sobrang na-appreciate ni Keaton ang ginawa nito, especially consi

