Chapter 7

3432 Words
Papatayin na sana ni Ciel ang ilaw sa kwarto nila ni Keaton nang may kumatok sa pinto. Si Lukas iyon. "Bakit, p're?" inaantok na tanong nito sa kabanda. Samantalang, itinuon ni Keaton ang tingin sa doorway upang panoorin kung ano ang nagaganap. "Keaton is sleeping with me tonight." Hindi makatingin si Lukas kay Ciel. Nakapasok pa nga ang mga kamay nito sa bulsa ng suot ng hoodie. Bigla namang nawala ang antok ni Ciel. “Ano kamo?” paulit nito nito pero sa hilatsa ng mukha, halata namang naintindihan ang sinabi at gusto lang mang-asar. Humugot ng malalim na hininga si Lukas saka sinalubong ang tingin ng kabanda. "Sa kwarto ko matutulog si Keaton ngayong gabi." "Teka, teka, teka,” sabat ni Keaton na nakahiga sa kama niya at may nakakabit ng earphones sa tenga. Inalis nito ang nasa kaliwa. “Ba’t naririnig ko pangalan ko?” “Sa kwarto ka raw ni Lukas matutulog,” nakangising kantiyaw ni Ciel. “Magbabakbakan yata kayo ngayong gabi.” Naningkit ang mga mata ni Keaton. “Tse!” Napakamot ng ulo si Lukas. "Hay, pwede bang wag nang maraming satsat." Pumasok ito sa kwarto saka hinawakan si Keaton sa braso. "Tara na. Doon ka sa kwarto ko." "Ano bang drama mo, Lukas--whoa!" Napairit si Keaton nang bigla siyang pangkuin ni Lukas na parang sako ng bigas. "Ibaba mo nga ako, Lukas! Ibaba mo ako." Pero nagtaingang-kawali ang lalaki. Tuloy-tuloy itong lumabas sa kwarto. Si Ciel naman ay ngingisi-ngisi pa rin. “In-denial pa kasi, gusto rin naman palang matikman si Keaton,” sabi pa nito saka sinara na ang pinto. Nang makapasok sila, maingat na nilapag si Keaton sa kama ni Lukas. "Ano na naman ba, Lukas?" angil niya sa lalaki. Nanonood kasi siya ng K-Drama at nasa parteng exciting na siya. “And I’m not doing it again with you. Jusko naman, maawa ka sa akin!” Kakayari lang din kasi nila kanina bago siya naligo. Hinubad muna ni Lukas ang suot na hoodie. Wala pala itong suot na pang-loob at tanging boxer short na lang ang suot. "Sinabi ko na di ba? Dito ka matutulog sa kwarto ko?" tugon nito habang sinasabit ang jacket sa likod ng pinto. "At bakit naman, aber?" "Because why not?” "Ewan ko sa iyo, Lukas." Tumayo siya. "Seriously, ang labo mo. Literally, few days ago, diring-diri ka sa akin. Tapos ngayon, jusko, halos halayin mo na ako. What the f**k is wrong with you?" Lumakad siya patungo sa pinto, and of course, pinigilan siya ni Lukas. "Where do you think you're going, baby?" Ngumisi ito. "Hey, I just met you, and this is crazy! So please let me through, before I kill you!" pag-awit niya sa saliw ng kantang Call Me, Maybe. Tinawanan siya nito. "Gusto ko iyang ad-libs mo, ha?" "At hindi ko gusto itong inarte mo, kaya please lang, padaanin mo na ako." Hinawakan niya ang doorknob pero maagap siyang pinigilan ni Lukas. "Lukas, ano ba? Hindi na kasi ako nakikipagbiruan!" "Hindi rin naman ako nakikipaglokohan." At muli na naman siya nitong kinarga saka inihiga sa kama. "Dito ka sa tabi ko matutulog, sa ayaw at sa gusto mo." Humiga rin ito at saka siya niyakap. Di pa nga nakuntento, pinatong din ang hita sa mga binti niya. "Lukas kasi!" Lukas faked a snore. Pumikit din ito. "Parang tanga naman. Kapag ako napikon, iitlugan kita." "Subukan mo lang, ipapakain ko ito sa iyo." "Pwede bang tigilan mo na? Nakakairita na talaga!" singhal niya. Natahimik naman ang lalaki. Maya-maya, bumuntonghininga ito sabay sabi ng, "Sorry." "Sorry your ass. Tabi nga!" Malakas niyang tinabig ang mga braso nito saka bumangon. Tuloy-tuloy siyang nagtungo sa pintuan. “I just want to make up with you, Keaton.” Natigilan siya saka muling napaharap sa lalaki. Nakaiwas ito ng tingin. “Ano?” Bumuntonghininga ito saka napakamot ng ulo. “You see, I’ve been a jerk to you ever since that night. Ngayong araw, napag-isip-isip ko rin na maling-mali talaga ang ginagawa ko sayo.” Tinaasan niya ito ng kilay. Lumapit si Lukas sa kanya saka hinawakan ang kamay niya. “Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano ba ako hihingi ng tawad sayo. I’m really bad at this.” May ilang segundong namagitan sa kanila. To his surprise, bigla itong lumuhod. "Do whatever you want to me, Keaton. Duraan mo ako, saktan mo ako, bahala ka. Gusto ko lang makabawi sa panggagago ko sa iyo." Napakurap-kurap siya. What the hell is going on? Nagbibiro ba si Lukas? Pero mukhang seryoso ito. To test him, mahina niyang sinipa ang tiyan nito. Lukas didn't even flinch. "Is that all? Ilabas mo na ang galit mo sa akin," sabi pa nito. Tumaas ang isa niyang kilay. "What the hell is wrong with you, Lukas?" "Wala. Gusto ko nga lang humingi ng paumanhin." At bigla itong yumukod at hinawakan ang paa niya. "f**k you, tigilan mo nga!" Mabilis nitong nilayo ang paa dahil hahalikan nito. "Tumayo ka na nga dyan! Para kang tanga!" Bumuntonghininga ito saka sumunod. "Wala ba talaga akong pwedeng gawin para makabawi sa iyo? Sigurado akong may galit ka sa akin." Ano bang ginawa ni Dean dito at may paganito pang nalalaman? Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Muli itong bumuga ng hangin saka tumayo. "Okay, ganito na lang," kampanteng anito. "I'll be your slave from now on. Gawin mo akong utusan, parausan. Bahala ka na. Susundin ko ang utos mo. Basta wag lang yung salaula, ha? Baka pakainin mo ako ng tae." Napaikot siya ng mga mata saka sinipa ang alak-alakan nito. Napaigik naman ito. "Ewan ko sa iyo! Ano bang drama mo, Lukas? Bipolar ka ba?" Natigilan ito at yumuko. Parang lumungkot ang mukha nito. "May ipagtatapat ako sa iyo, Keaton. Pero wag mo sanang ipagkakalat, ha?" Tumaas ang isa niyang kilay. "What is it?" Sa halip na sumagot, binuksan ni Lukas ang closet at naglabas ng isang bote ng gamot. Inabot nito iyon sa kanya. "Ano ito?" Nagtatakang tanong niya. "That's a..." Umiwas ito ng tingin. "... mood stabilizer." Gulat siyang napatingin dito. "A what?" "Mood stabilizer. Pang-control ng mood ko." Humugot ito nang malalim na hininga. "Because you see, tama ka. May bipolar nga ako.” - For the entire week, pagplaplano para sa music video ng Dare You to Move ang inatupag ng grupo. Bukod sa gay couple na gagampanan nina Keaton at Lukas, napagkasunduan din nila na mapupunta kay Dean ang kwento for PLHIV, kay Isaac ang transgender, at kay Ciel ang asexuality. Pati ang new look nila, napagkasunduan na rin. Keaton bleached his hair and maintained his current medium fringe. Of course, he liked it. Matagal na kasi niyang gustong magpa-blonde. Hindi lang talaga niya afford. Pero si Lukas talaga ang the best ang look sa amin, isip niya habang pinapanood ang main rapper nila na ayusan ng stylish nila. Lukas was sporting an auburn color tapos nakapusod ang buhok nito. Ang sexy niya, kainis, dugtong pa niya. Nasa harapan niya ang sandalan ng inuupuang monobloc, at pinatong niya roon ang baba. Natigilan siya nang biglang may umakbay sa kanya. “Keaton, naglalaway ka na masyado kay Lukas,” kantiyaw sa kanya ni Dean. Napamulagat tuloy siya. “The hell, Dean?” Inirapan niya ito. Humagikhik ang lalaki saka mahinang kinurot ang pisngi niya. “Excited ka na ba sa scene n’yo ni Lukas?” tanong nito. Napagkasunduan din nilang unang iso-shoot ang eksena nilang dalawa. Sa penthouse lang din kasi nila iyon gaganapin. “Luh?” Inirapan niya ito. “Kinakabahan pa nga ako e.” “Ba’t naman?” “E kasi baka bigla na namang uminit ang ulo ni Lukas. Tapos bigla ulit maging homophobic.” Napanguso siya. Nitong nakakaraang araw naman, mabait sa kanya ang lalaki, pero hindi pa rin siya mapanatag. Lalo pa ngayong alam na niyang bipolar patient pala ito. “Hindi iyan. Trust me. Magiging mabait na siya.” In a cue, the director called their attention. Magsisimula na raw silang mag-shoot.  Dean excused himself. Sa second floor kasi ito maglalagi, kasama ang iba pa nilang bandmate. Samantalang, lumapit na si Keaton sa direktor nilang si Direk Acosta, na isang batikang direktor at kailan lang din ay nag-produce ng isang successful gay romance TV series. “Okay, Keaton, Lukas,” panimula nito. “Ang una nating eksenang iso-shoot ay ang kitchen scene. Wala naman kayo masyadong gagawin. I just want to see the intimacy between you. Especially on you, Lukas.” Tinuro nito ang main rapper nila. Lukas smiled. “Sure, Direk!” Tapos, hinigit nito palapit si Keaton. “Right, baby?” Napamulagat si Keaton. “The hell, Lukas?” bulalas pa niya saka lumayo rito. “Kilabutan ka nga!” Eksaherada niyang kiniskis ang mga braso para ipakitang kinikilabutan siya. Tumawa lang ang lalaki. “Ito naman, hindi mabiro.” Umiling-iling ito. “Masanay ka na dahil buong maghapon natin itong gagawin.” “Pero dapat gawin mo lang kapag may camera. Otherwise, ang creepy mo.” Umismid ito. “Arte naman nito.” Winasiwas ni Direk ang kamay. “Anyway, simulan na natin. Remember, ha? Show intimacy.” Direk motioned them to follow him. Lumapit ito sa kitchen counter. Then, he instructed Keaton to sit on it.  “At ikaw naman, Lukas, ang gagawin mo lang ay lalapit sa kanya at ilalapit nang slight ang labi sa kanya,” sabi naman nito kay Lukas. “And make sure you keep eye contact. That’s the most important one.” Tapos, lumapit naman si Direk sa mga assistant nito para magbigay ng instruction. While they were waiting, Lukas spoke. “Gets mo ang instruction ni Direk?” “Yes. Nakaupo lang ako dito. Tapos, ikaw ang lalapit tapos lalapit mo konti labi mo sa akin.” “And maintain eye contact. Especially that. Iyan ang pinakaimportante.” Then, he smiled. “Can we try it?” “Ha--” Agad siyang napalayo nang bigla nitong inilapit ang mukha sa kanya. “Hold up, Lukas! Dahan-dahan ka nga!” Tumawa nang malakas ang lalaki. “Ito naman, ang OA.” “OA ka dyan! Nakakabigla ka kaya!” “Okay. Sige. Let’s try it again.” This time, Lukas allowed him to prepare himself mentally before they tried it. Pumikit siya at humugot nang malalim na hininga. “Game.” Then, he opened his eyes and almost flinched when he noticed Lukas stared at him intently. Seryoso ang mukha nito, but unlike his usual fierce and intimidating one, this one had a different feel.  It was appreciative. Napalunok siya. At muli iyong ginawa nang bahagyang ilapit nito ang mukha sa kanya. He got the impression that Lukas would kiss him, so he pulled himself away as a reflex. But Lukas stopped him from moving away with his hand. Tapos, idinikit nito ang noo sa noo niya at pumikit. Sa ikatlong pagkakataon, napalunok na naman si Keaton. Kasabay niyon ay ang pagdagundong ng puso niya. What’s the meaning of this, Lukas? Gusto niyang isigaw pero walang boses na lumabas sa bibig niya dala ng pagkatorete. Lukas grabbed his hands and put it on his nape. Tapos, saka lang nito nilayo ang mukha sa kanya. “Why…” Lukas traced Keaton’s lips with his finger. “Why are you so beautiful?” Napakurap-kurap si Keaton. “What?” Pero umiling lang ito. Tapos, idinukdok nito ang mukha sa kaliwang balikat niya saka siya niyakap. “Thank you, Keaton,” bulong pa nito kasabay ng paghigpit ng yakap nito.  Keaton was even more confused yet he did not bother to demand for more explanation. Because right that moment, for whatever reason, he could feel Lukas’s vulnerability. And it was latching an invisible string on him, opting him to pull himself even closer to him. Kaya sa huli, inilubog ni Keaton ang mukha niya sa balikat nito. Then, he heard Lukas’s soft sob.  Why… bakit ganito ang nararamdaman ko? Tanong niya sa sarili habang napapakurap-kurap. May namumuong luha sa mga mata. He could feel Lukas’s sadness, and he was absorbing it. They did not know how long they lasted in that position. Kung hindi lang biglang sumigaw ng, “Cut!” si Direk, hindi nila maalalang nagso-shoot nga pala. Taranta silang napalayo sa isa’t isa. Everyone clapped while they were wiping their tears. “Impressive! Impressive!” puri ni Direk habang papalapit sa kanila. “I can’t believe you two are just practicing. Buti na lang pala, naisip ko kayong pakuhanan agad.” Nagsalitan ang tingin nito sa kanila. “Tell me, paano ninyo naisip ang ad-libs na iyan, ha? Ang galing!” Nagkatinginan sina Lukas at Keaton. Unang napansin ni Keaton ay ang pamumula ng mga mata ng kapareha nila. And it got him distracted na tipong nawala agad sa isip niya ang tanong ng director nito. “Wala lang, Direk. May pinanood kasi kaming film kagabi. Doon namin nakuha iyon. Right, Keaton?” Lukas looked at him to ask for confirmation. Agad siyang tumango kahit ba alam niyang nagsisinungaling lang si Lukas. “Gano’n ba? Pero sana hindi natin kuhang-kuha ang eksena. Because I’m telling you, ang ganda talaga ng scene! Sobrang raw ng emotion ninyong dalawa.” Humalukipkip ito. “Tell me, wala ba kayong planong mag-artista? I think both of you have potential in it. Lalo na ikaw!” Tinuro nito si Lukas. “May pinsan kang artista, di ba?” Mahinang tumawa si Lukas. “Wala ho akong hilig sa pag-arte. But I might consider. For now, let’s focus on this video.” “Tama ka naman dyan. But if you changed your mind, just tell me, okay? I would like to work with you someday.” Tinalikuran na sila ni Direk at muling hinarap ang mga assistant para magbigay ng bagong instruction. Lukas looked at Keaton, and said, “What?” when he noticed him staring. Umiling lang si Keaton. Hindi kasi siya sigurado sa sasabihin. He wanted to know what he felt earlier, but he was afraid Lukas might misinterpret it. Samantalang, mahinang kinurot ni Lukas ang pisngi niya saka nilapit ang bibig sa tenga niya. “But I meant what I said earlier, Keaton. Thank you for saving me,” bulong nito saka siya iniwanan. And now he felt even more confused. Saved him? From what? - So this is why it is called bipolar. Kasi dalawang episode -- manic and depressive episode. Tumango-tango na lamang si Keaton nang matapos niyang basahin ang isang article online tungkol sa bipolar disorder. Nasa terrace siya noon at nakaupo sa terrace chair habang ang apat niyang kagrupo ay nasa sala at nagkakatuwan sa paglalaro ng Mobile Legend. Palihim niyang ibinaling ang tingin kay Lukas. Iba ang aura nito ngayon. Makulit ito. Ang lakas pa nga ng boses nito habang nakikipag-trashtalkan sa mga kalaro. Pero ang talagang pinagtaka niya ay ang pagiging cooperative nito kanina while they were shooting the scene. For a homophobic, that’s a really huge suprise. Kahit ba ilang beses na silang nagtalik, hindi pa rin talaga buo ang tiwala niya sa lalaki. Umiling-iling na lamang siya saka itinuon ang itinuon ang atensyon sa notebook na nasa harapan niya.  Hmmm… ano bang magandang idugtong dito? Ngumuso pa siya habang nag-iisip ng isusulat. Hay, kantahin ko na nga lang muna. He cleared his throat and sang the chorus. Pumikit rin siya at pilit na ninamnam ang senaryong nagsilbing inspirasyon niya sa kanta. Naalala pa niya lahat pero hindi niya maramdaman ang emosyon gaya ng dati. He wanted to feel connected with that moment. Bumuntonghininga siya saka napakamot ng ulo. Bakit ba ganoon? Dapat yata talaga tinapos ko na to dati pa. Di ko na tuloy ma-feel. Naputol ang pag-iisip niya ng biglang magtayuan sa mga lalaki sa loob. “Tang ina, hindi pa tayo nagwo-workout,” natatawang sabi ni Isaac. “Tara, gym muna!” Sumunod sina Ciel at Dean. “Pass muna ako,” sabi naman ni Lukas. “Napagod ako sa shooting kanina.” “Napagod daw.” Ngumisi si Dean saka ibinaling ang tingin kay Keaton. Samantalang, napamulagat naman si Keaton. Alam niya ang nais ipakahulugan ng leader nila. Inirapan tuloy niya ito. Tinaas ni Lukas ang middle finger nito. “Umalis na nga kayong tatlo. Kung ano-ano pang sasabihin, hindi na lang mag-gym.” Nagtawanan ang tatlo. “Sige na. Bigyan na natin sila ng privacy.” Ngingisi-ngisi pa si Isaac nang sinabi iyon. Lukas scoffed. Napaikot naman ng mga mata si Keaton. Nang lumabas na ang tatlo, ibinaling ni Lukas ang tingin sa kanya. “Hey, bakit ka ba nandyan?” tanong nito habang palapit. “Dito ka na lang kaya sa loob at baka magkasakit ka pa dyan.” Pasado alas nueve na rin kasi noon. “Nah, it’s fine.” Winasiwas niya ang kanang kamay. “I like it here. Ganda kasi ng view.” Then, he watched the city lights. Tumigil si Lukas sa tabi niya. “Hilig mo pala ang ganitong view?” tanong nito habang nakatingin din sa tinitingnan niya. “Not necessarily. Pero anything na distant kasi, masarap sa paningin ko.” “Basically, horizon? Skyline, ganoon?” “Yeah.” Bigla nitong kinanta ang Skyline Pigeon. Nandidilat ang mga matang napatingin siya rito. “Why the f**k, Lukas?” Tumawa ito. “Hey, chill. Nagbibiro lang ako. I know, I can’t sing.” Umiling-iling ito. “Hindi iyon. It’s just…” Napanguso siya. Naalala kasi niya bigla ang nangyari noong nagkaroon ng hysteria ang lalaki matapos silang magtalik sa kauna-unahang pagkakataon. He sang that song to calm Lukas down, after all. Bumuntonghininga si Lukas. “Sorry.” “What? Para saan?” nagtatakang aniya. Nagkibit-balikat ito. “For everything, I guess. Sabi ko naman sa iyo, marami akong atraso sa iyo.” Hay, nako. Ito na naman tayo. “Di ba, sabi ko naman sa iyo, kalimutan mo na? Basta huwag mo lang uulitin, I’m good.” Yet at the back of his mind, he still doubted he could trust Lukas. After all, he had a similar experience with someone. Mental health patient din na madalas siyang saktan. Tapos, mangangakong hindi na uulitin, only to repeat it some time later. Napakamot ito ng ulo. “Pero kasi, nakukunsensya ako. I’ve been nothing but a jerk to you. May kasalanan ka, that’s true, pero hindi naman sapat iyon para tarantaduhin kita nang sobra.” Umiling-iling ito. “Gusto kong bumawi sa iyo. Parang di yata matatahimik ang kunsensya ko hanggang sa hindi ako nakakabawi.” Bumuntonghininga si Keaton. Ilang araw nang sorry nang sorry sa kanya si Lukas. He was getting tired of it. Ibinaling niya ang tingin sa notebook. Then, an idea popped in his head. “How about tulungan mo akong tapusin ito?” Inabot niya ang notebook dito. “I’ve been trying to write this song since high school pa ako pero hindi ko pa rin matapos, e. You write songs din naman, di ba?” Kinuha nito ang notebook sa kanya. Then, he read the lyrics out loud. Once done, tumingala ito na para bang nag-isip. “Hindi ganito ang style ng lyrics ko pero tingnan ko kung matutulungan kita. Kunin ko lang gitara ko.” Pumasok ito sa loob. Habang naghihintay, tiningnan ulit ni Keaton ang city lights.  Mabilis ding nakabalik si Lukas. Tapos, inokyupa nito ang kaharap niyang upuan. “May chords ka na ba nito?” Umiling siya. “Hindi naman ako marunong maggitara.” “Hindi ka nagpaturo kay Ciel?” “Ayaw ako turuan, e. Nakakatamad daw.” Kumunot ang noo nito. “Ano bang klase yang best friend mo?” Umiling-iling ito. “Sige, kantahin mo tapos tingnan ko kung magagawan ko.” So he did. How’d you feel when our lips met for the first time? Did you see the sparks fly around? As the wind goes stronger, with roaring thunder We’re just standing on the pavement Kissing each other Under the rain Saglit na nag-isip si Lukas saka sinimulang i-strum ang gitara. Sa gulat niya, sumakto agad iyon sa tono ng kanta. Tumingin ito sa kanya at sinenyasan na sabayan iyon. He did. Tama nga siya. Lapat na lapat. “Nice! Apir tayo, Keaton!” Nag-high five sila. “Galing mo talaga kumanta.” “Thanks.”  “Alam mo, gusto ko itong tono pati pagkaka-deliver mo. Nai-imagine ko yung pagre-reminisce mo doon sa eksena na first kiss under the rain.” Niyakap nito ang gitara. “Tell me, paano mo ito naisip?” Napanguso siya bigla. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin. Pero naisip din niya na hindi naman na yata sikreto iyon sa grupo nila, kaya sinabi rin niya. “You’re aware na ex ko si Ciel, hindi ba?” Nang mandilat ang mga mata nito, Keaton realized he wasn’t. “Totoo ba?” dugtong pa nga nito. “Yeah. Naging kami. Pero di rin naman kami nagtagal. Mga six weeks lang yata.” “Tang ina. Paano nangyari?” Kumurap-kurap pa ito at mukhang hindi talaga makapaniwala. “Paano kami nag-break? O paano naging kami?” “Paano kayo nauwi sa ganito? Mag-ex kayo pero f**k buddy rin? It doesn’t feel right.” Naningkit ang mga mata niya. Hindi niya gets kung ano ang nais talaga nitong sabihin. “Well, sabihin na lang nating mas nanaig pa rin yung matagal na kaming magkababata kaya parang wala na lang sa amin na may nakaraan kami? But anyway, that’s not the agenda here kundi ang sinusulat kong kanta. Help me now.” “Ah, sabi ko nga.” Tumitig sa kawalan si Lukas habang mahinang ini-strum ang gitara. Maya-maya, biglang kumunot ang noo nito. “So, you’re trying to write a song about your first kiss with Ciel?” “Yup.” “And your first kiss happened while you are under the rain?” “Uh, yes?” “At kaya ka ba nahihirapan ay dahil naka-move on ka na sa kanya?” Natigilan siya. Hindi niya iyon naisip noon pero pakiramdam niya’y tama si Lukas. “Hmm… I guess? Siguro kaya hindi ko matapos e dahil nga doon? Dahil wala na ring lingering attachment ang first kiss ko sa kanya.” Lukas puckered his lips to the left while thinking. “This is just an idea, Keaton. Baka sakaling makatulong sa iyong matapos itong kanta.” “Idea? What is it?” Kinagat naman nito ang labi na parang nag-alangan. “You know I’ll do everything para makabawi sa iyo, right? And since gusto mong tulungan kitang matapos itong kanta, I’m proposing na… na…” Bumuga ito nang malakas na hangin. Tapos, sinalubong nito ang tingin niya. “Kalimutan mo na ang tungkol sa first kiss na iyon. Instead, let’s recreate it in a way you’ll feel the magic that will inspire you to finish this song.” Mabilis at halos hindi na humihingang sabi nito. At namula ito pagkatapos. Puta, ang cute naman nito mag-blush. Hindi niya maiwasang mapangiti. But not until it dawned into him what Lukas just said. Kumunot ang noo niya. “Teka, anong sabi mo?” naguguluhang aniya. Lumunok ang lalaki. “For this goddamn song, let’s… let’s…” Lalong namula ang mukha nito. “Let’s date for real.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD