It was just a joke. Mabilis ding binawi ni Lukas ang sinabi nito. The boys booed him in response. As for Keaton, nakahinga pa siya nang maluwag. Feeling kasi niya, sasabog na ang ulo niya sa mga bilis ng mga pangyayari.
However, it did not mean he was fine with the joke. It was uncalled for, and which was why he ignored Lukas for the whole night.
Nanonood ng K-Drama si Keaton sa phone niya sa sala nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya sa sofa. When he checked who it was, agad na kumunot ang noo niya.
“Hey, ba’t di ka pa natutulog?” tanong ni Lukas. Nakasuot ito ng pulang silk robe at satin na short, and Keaton won’t deny he looked sexy on it. Nakadagdag pa sa appeal nito ang mamasa-masang buhok na sinuklay patungo sa likod ng ulo. Pero dahil mainit pa rin ang ulo niya, inirapan niya ito saka nag-focus sa panonood.
Napakamot naman ng ulo si Lukas. “Galit ka pa rin ba sa ginawa ko kanina?” Nang hindi siya sumagot, inakbayan siya nito. “Hoy, sorry na kasi! Binibiro lang naman kita.”
“Ewan ko sayo!” Tumalak siya saka tumayo.
Mabilis na humarang si Lukas sa dinadaanan niya. “Hey, let’s talk.”
“We have nothing to talk about, Lukas. And please lang, wag ka ngang ngumuso. Mukha kang tanga.” Nilampasan niya ito.
Agad siyang niyakap ni Lukas patalikod para pigilang umalis. “Sorry na kasi. Binibiro lang kita. Ito naman, ang bitter.”
Padabog siyang humarap dito. “Wow, ha? Hindi ba pwedeng nakakapika kasi ang mga biro mo?”
“E ano ba kasing kinakagalit mo?”
“Kinakagalit ko? Tinatanong mo?” Huminga siya nang malalim saka binulsa ang phone. “Para kasing pinaglalaruan mo lang ako!”
Natigilan ito. “What? Pinaglalaruan?”
“You’re taking advantage of my sexuality, Lukas. Iyan ang kinakabwisit ko,” angil niya. “Okay, I get it. Bakla ako. Okay, type kita. But who granted you the right to toy with my feelings?”
Napakurap-kurap ito. “Toy with your feelings? May feelings ka na ba sa akin?” Ngumisi ito. “Ikaw, ha? Na-in love ka na pala sa akin.”
Sa inis niya, tinadyakan niya ang alak-alakan nito. “That’s not the point here!” singhal niya. “Hindi komo nagbago ka na, pwede mo na akong asar-asarin nang wala sa hulog. Gaya niyan kanina, bigla ka nag-confess sa kanila. What are you trying to achieve through that? Sige nga, sabihin mo?”
“Gusto lang naman kitang asarin. Bawal ba?”
“And of all things, bakit confession pa ang naisip mo?”
“Kasi… gusto kitang makitang mag-blush?”
“Dahil…?”
“Ang cute mo?”
“Tapos?”
Napakamot ito ng ulo. “Teka, ano ba kasing punto mo? Linawin mo na kasi. Sumasakit na ulo ko sa iyo.”
“Ang gusto ko lang naman sabihin, wala sa hulog ang mga biro mo. Tulad niyan, kaninang hapon, sabi mo, mas bagay sakin mag-blouse. Tapos ngayong gabi, may bigla ka pang confession.” Umiling-iling siya. “In case you haven’t realized it, hindi pa tayo gano’n ka-close. Bago pa lang talaga tayo nagiging magkaibigan dahil recently mo pa lang binuksan ang isip mo sa akin. Tell me, appropriate bang gawin mong biro ang insecurities ko gayong obvious naman na hindi pa ako masyadong comfortable sa iyo? You’re crossing the line here, Lukas!”
Tinalikuran na niya ito saka mabibigat ang mga paang umakyat sa second floor. Pagpasok niya sa kwarto, padabog niyang sinara ang pinto. Napakislot tuloy si Ciel sa gulat. Nakatalikod kasi ito habang naglalaro sa computer table.
“Huy, problema mo?” nagtatakang tanong nito matapos ibaba ang headset.
He looked at him, and bit his lips. A few seconds later, he broke down. Napaupo pa nga siya sa sahig.
Tarantang iniwan ni Ciel ang nilalaro saka siya dinaluhan. Inalalayan pa siya nito paupo sa kama niya.
“Anong nangyari sa yo, Keaton?” sabi nito habang pinupunasan ang luha niya.
“I don’t know. I guess, I’m just too stressed out,” tugon niya sa pagitan ng mga hikbi. “Nakadagdag pa kasi itong si Lukas. Di ko maintindihan ang takbo ng utak.”
“Oh? Ano na namang ginawa niya?” Napakamot ito ng ulo. “Parang kanina pa kayo nag-aaway, ha? Dahil ba sa biro niya kanina?”
Umiling siya. “Hindi naman. He’s just too unpredictable, especially recently. From homophobic, biglang sobrang friendly. Tapos, emotional. Tapos, biglang sobrang kulit.” Niyakap niya ang mga binti. “This pattern is so familiar to me.” Dinukdok niya ang mukha sa mga tuhod.
Samantalang, matama naman siyang tiningnan ni Ciel. Maya-maya, bumuntonghininga ito saka siya niyakap.
“Naalala mo na naman si Tita Mel?” Mama niya ang tinutukoy nito.
Keaton did not respond, yet he could tell by the way Ciel gave him a comforting back rub that he already knew the answer. Huminga siya nang malalim kasabay ng pag-alala niya sa nakaraan niya.
Lumaki siyang walang ama. Pinagtulungan siyang itaguyod ng kanyang mama at ng ate nito. His Aunt Norma was an amazing guardian. Tinuring siya nitong parang sariling anak. His mom, however, was a so-so. She has a very unpredictable mood. She could be the sweetest mom in the world or the worst one you can find in hell. Madalas siyang mapagbuhatan nito ng mga kamay. Pero sa sandaling kumalma, hihingi ito nang tawad at mangangakong hindi na uulitin pa ang ginawa. Yet the cycle repeated that Keaton abhorred her until she took her own life six years ago.
And now, all Keaton could feel was regret. His mom was never formally diagnosed, dahil na rin sa kahirapan ng buhay nila, pero ang sabi ng tita niya, nagbago raw ito mula nang ipanganak siya. Para raw post-partum depression na hindi nawala.
Nagtaas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha. Lumayo naman si Ciel sa kanya. Keaton could tell by the way his best friend looked at him that he’s worried.
“Sorry,” bulong niya. “Naabala ko yata paglalaro mo.”
“Ano ka ba? Kailan ka ba naging abala sakin?” Ngumiti ito saka kinurot ang pisngi niya. “Tandaan mo, nangako ako kay Tita Mel na aalagaan kitang mabuti, di ba?”
Napangiti tuloy siya sa sinabi nito. Even if Ciel was really cringey, Keaton would still cite him as his favorite living person. Bakit naman hindi? Mula pagkabata, hindi na sila mapaghiwalay. Ciel had always wanted to have a younger brother, and it was actualized the moment they became friends.
“So, ano bang nangyari kasi sa inyo ni Lukas?” pagbubukas ulit nito ng topic. “May maitutulong ba ako? Gusto mo bang pagsabihan ko siya?”
Umiling siya. “I don’t think that will work. Gano’n lang talaga si Lukas.” Saglit siyang pumikit. He was tempted to tell Ciel about Lukas’s condition, but he knew he had no rights to disclose it. Besides, may usapan siya at ayaw niyang suwayin iyon.
“But to tell you the truth, I’m worried,” sabi niyang muli pagkadilat.
“Kasi?”
“Unpredictable siya. Alam mo naman, di ba? Although he was civil naman around me, still, hindi siya nag-aabala na itago ang homophobia niya.”
“At natatakot kang uulitin niya?”
Tumango siya. “Yes. After all, ang bilis masyado ng pangyayari. It was so surreal. Parang hindi totoo. And I fear na baka sa susunod na mga araw o linggo, babalik na naman siya sa dati niyang ginagawa.” And I’ll be disappointed.
“Sabagay. Hindi rin naman kita masisisi kung bakit ka ganyan mag-isip. May experience ka na rin kasi kay Tita Mel.”
Muli siyang tumango. A few seconds of silence, he asked Ciel to continue playing.
“Sure kang okay ka na?” nag-aalala pa rin nitong tanong. “Hindi naman online game yung nilalaro ko. Ise-save ko lang kung kailangan mo talaga--”
“No, it’s okay, Ciel,” putol niya. “Sabi ko naman sayo, di ba, wag mo kong i-prioritize lagi. May sarili kang buhay. At ayokong umikot iyon sa akin. It’s nice of you na nga na sinamahan mo ako mag-audition kahit ba konti na lang, marino ka na.”
Training na lang kasi ang kulang ni Ciel bago siya maging ganap na marino. Kaso, nang malaman nitong plano niyang mag-audition sa Starquest, sumama ito, at ang matanggap, pinagpaliban ang pag-akyat sa barko. Hanggang sa hindi na nito naituloy dahil sa pagkapanalo nila.
Napakamot naman ito ng ulo. “Alam mo naman na hindi kita maiiwan, di ba?”
“Sus! Kunwari ka pa. Aminin mo na lang kasing gusto mo rin talagang mag-pursue ng showbiz career. Ayaw mo lang aminin kasi di ka confident.”
“Sige na nga. Tsaka tapos naman na iyon. Ito na tayo, pasikat na,” pagsang-ayon naman nito. “Sige, lalaro na ako ulit. Ikaw, matulog ka na para mawala stress mo kay Lukas. Bukas, kakausapin ko siya.”
“Huy! Wag!” Umiling pa siya. “Don’t tell him about this.”
“Bakit naman?”
“Hayaan mo siyang ma-figure out kung anong mali sa kanya. That way, mapapatunyan kong sincere talaga siyang nagbago na siya.”
“Sure ka, ha? Baka bukas, umiyak ka na naman kasi balik homophobic na naman si Gago?”
Iling na lang ang sinagot niya saka sinenyasan niya itong maglaro na.
“Okay!” Hinagkan nito ang noo niya saka nito muling binalikan ang nilalaro.
Samantalang, humiga naman si Keaton at pinanood ito. Matagal na niyang inamin sa sarili na napaka-ideal na boyfriend ni Ciel. He had everything, after all. Looks, talent, attitude. Kaunti na lang nga, iisipin na niyang hindi ito totoo. Na produkto lang ito ng imahinasyon niya.
And that was why it sucked that he fell out of love.
Napawi ang ngiti niya. Kasunod niyon ay nakaramdam siya ng lungkot nang maalala niya kung paano umiyak si Ciel matapos siyang makipag-break. Lumuhod pa talaga ito at nagmakaawa, pero pinanindigan niya ang desisyon. Kamuntikan na nga silang magkasira dahil doon. Mabuti na lang, nagkabati rin sila matapos ang mahigit anim na buwang hindi pagkikita.
Tumihaya siya at pumikit. He still cannot express with words about what he really felt back then. Ni hindi nga niya naipaliwanag nang maayos kung bakit siya nakipaghiwalay. He won’t be surprised if Ciel still cannot understand it either.
But there was one thing he was sure of: he’s a terrible boyfriend, and he never deserved the love of this guy who had given him nothing but the affection and comfort he knew he was deprived of.