LUMAD Kami ay kasalukuyang narito sa pamilihan upang mangsiyasat ng ibang tao at mga mangangalakal hinggil kina Liway at Haleya. Subalit ang lahat ng taong aming siniyasat ay walang ano mang nababatid tungkol sa inilalarawan naming imahe nila Liway at Haleya. Hindi naglaon ay isang matandang babaeng timawa ang siyang nagtungo rito sa aking kinatatayuan upang ito ay mag-usal sa akin ng salita. "Ang iyo bang hinahanap ay iyong uripon na mayroon kaagapay na marikit na Baing binukot?" siyang narinig kong tanong ng isang matandang babae sa akin. Tila siya ay isang mangangalakal at isa sa mga taong nagbabaligya (nagbebenta) rito sa pamilihan. Subalit pawang pagkunot lamang ng noo ang aking nagawa pagka't tila kamangha-mangha na kanyang nabatid ang tunay na katayuan ni Haleya. "Paano niyo ho n

