Kabanata XIX: Ang Paglisan ng Panaohin

1004 Words

LUMAD Kami ay kasalukuyang narito sa labas ng balay upang aming matunghayan ang nalalapit na paglisan ng aking pinsang si Bandi at ng kanyang kabiyak na si Mayumi. Ako ay nakatanaw lamang sa kanila habang katalastasan nila ang aking baba, hindi naglaon ay nagbaling na rin ng tingin sa akin si Bandi na siyang naging dahilan upang ito ay magtungo sa aking kinatatayuan. "Kami ay lilisan na, aking pinsan," saad nito sa akin no'ng sandaling ito ay makadatal na sa aking tabi. Ako ay bahagyang ngumiti bago ko ito tuluyang tapikin sa kanyang balikat. "Kung ano man ang suliraning iyong kinahaharap at pakatatandaan mong ako ay narito lamang," turan nito na siyang ikinakunot ng aking noo, pagka't tila mayroong laman at ibig ipahiwatig ang kanyang mga sinambit. Gayunpaman ay tumango na lamang ako a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD