LONG TIME NO SEE, LENNETH (2.2)

1483 Words
Tahimik ang opisina ni Kenneth at ayaw nitong magpa-istorbo. Hindi rin nito pinagsasagot ang mga tanong ng kanyang mga empleyado, kahit nang pumasok siya upang tanungin kung ano ang gusto nitong kainin ay wala itong sinabi. Pagsapit ng alas tres ay tinawag siya ni Kenneth sa opisina nito, may gusto raw itong sabihing importante sa kanya. Wala siyang maisip na mahalagang sasabihin nito sa kanya maliban na lamang kung na-realize na nitong mali ang ginagawa nilang dalawa. If he will tell her to cut thier unknow affair, then so be it. "Sir?" saad niya pagkakatok niya sa pinto. "Come in." Narinig niyang turan nito. Nang pumasok siya sa loob ng opisina nito ay mas lalong lumakas ang hinala niya dahil sa nabungaran niyang kaseryosohan sa mukha nito. Mukhang desisido na talaga ang lalaki na tigilan na nila ang kalokohan nilang dalawa. 'Well, in that case, sino ba naman ako para tumutol. Ayoko namang magmukhang desperada at pilitin pa ito sa bagay na ayaw na nitong gawin.' "Lenneth, are you listening to me?" salubong ang kilay na tanong nito sa kanya. 'Bakit ba kasi pino-problema ko ang bagay na iyon?' Napakurap naman siya at tila napapahiyang yumuko "S-Sorry Sir, may naalala lang ako. Ano nga ba 'yung sinasabi mo?" Marahas na nagbuntong-hininga si Kenneth at seryosong tumingin sa kanya. "Look at me, I want you to listen carefully and focus on me while I'm talking." "Okay Sir," sagot niya na at matamang tumingin sa lalaki. "I'm going to London, my father called me and he wants me to handle our business there. May aasikasuhin lang naman ako doon and after that babalik ako rito," aniya. Hindi siya agad nakahuma sa sinabi ng binata. Kung aalis ito ibig bang sasabihin mawawalan siya ng trabaho? O sasabihin nitong isasama siya nito mangibang-bansa? Kung tama ang pangalawa ay ora-mismo niyang tatanggihan ito, hindi niya kayang lumayo kay Hance nang ganoon katagal! Kapag ang unang option naman ay hindi niya rin kakayanin dahil tiyak na sa oras na malaman ni Hance na wala na siyang trabaho ay pipilitin siya nitong magtrabaho sa kompanya nito which is she don't want to happen. "Someone will be in charge here at tatayong bagong CEO ng kompanya pansamantala. You will be working for him and he will be your new Boss while I'm not here," pagpapatuloy nito sa pagsasalita. Nagliwanag ang mukha niya nang marinig ang sinabi ng lalaki, ibig lang sabihin ay hindi siya matatanggal sa trabaho. Lihim siyang nakahinga ng maluwag, ang akala niya at wala na siyang ibang choice kun'di ang sumama rito sa London. Ipapaliwanang na lang niya kay Hance ng maayos ang pag-alis niya, kung sakali. Ngunit iba pala ang gustong iparating ni Kenneth at mas lalong okay sa kanya iyon, ibig sabihin mananatili siyang sekretarya sa kompanyang ito ngunit iba lang ang magiging amo niya. Sana lang mabait din ang papalit kay Kenneth. "I want you to behave yourself, Lenneth, huwag ka nang magsusuot ng mga damit na masyadong maikli at mapang-akit. Sana hindi mangyari ang nangyari sa atin sa inyo ng bago mong--" "Teka nga," maagap na putol niya sa sinasabi nito. Itinaas niya ang isa niyang kamay para patigilin ito sa pagsasalita."Anong karapatan mong pagsabihan ako sa mga bagay na gusto kong suotin at gawin? Hindi kita boyfriend para pagsabihan ako at pagbawalan." "Lenneth, I'm just concern about you. Gusto mo bang pag-usapan ka ng mga empleyado rito?" mariing wika ni Kenneth. "So what if they talk about me? May bago ba doon? Sa tingin mo hindi nila ako pinag-uusapan ngayon sa tuwing ipapatawag mo ako at papasok ako dito sa opisina mo?" nakahalukipkip na turan niya. "Mr. Villa--" tumigil siya sa pagsasalita at huminga muna ng malalim bago nagpatuloy. "Sir, sa tingin ko naman wala ka nang pakialam kung anuman ang mamagitan sa amin ng magiging Boss ko. As long as I do my job, everything will be okay, besides, you already knew me when it comes to business and pleasure," Lenneth said as she smiles seductively. Nagdilim ang mukha ni Kenneth, hindi niya akalaing ganito ang sasabihin ng dalaga sa kanya. Ang gusto niya lang naman mangyari ay umakto itong desente sa harap ng kanyang pinsan, ngunit parang mali pa yatang pagsabihan niya ito. Lihim siyang napailing, paano kapag nakilala na ni Lenneth ang taong papalit sa kanya? Ganyan pa rin kaya ang magiging reaksyon ng dalaga? "Really, we'll see about that," nakangisi niyang turan sa dalaga. Tinitigan ni Lenneth ang nakatiim-bagang na si Kenneth. Nginitian niya ito ng sobrang tamis at saka nagsalita. "Huwag mo akong hamunin, Mr. Villanueva. Alam mong kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko as long as he will agree on my terms and conditions," mapanuksong wika niya. Muntik na siyang mapasigaw sa sobrang gulat nang malakas na ibinagsak ni Kenneth ang mga kamay nito sa mesa at nanlilisik ang matang tumingin sa kanya. Kunot-noong nilabanan niya ang masamang tingin nito sa kanya. Bakit may pakiramdam siyang may iba itong motibo kaya ganoon na lang ang galit nito sa kanya? Wala naman kasi talaga itong karapatang pangunahan siya sa mga gagawin niya dahil kung tutuusin ay 'playmate' niya lang ito at hindi nobyo. Hindi nga siya magawang kontrolin ng nobyo niya, ito pa kayang kasalo niya lang sa mga oras na nabuburyo siya? Magsasalita pa sana ang binata ngunit hindi na nito nagawa nang makarinig na sila ng katok mula sa pinto. Huminga ng malalim si Kenneth at nagbuntong-hininga ng malalim. Sa ganoong paraan ay tila nahimasmasan na ito at nawala na ang galit na kanina lang ay nakabalandra sa mukha nito. "I think it's him. Let him in," mababa ang boses na wika ni Kenneth. Tahimik na sinunod ni Lenneth ang binata. Ang totoo, wala naman talaga sa plano niya ang makipaglaro sa bago niyang Boss ngunit dahil pinangunahan siya nito at minamanduhan sa mga kailangan niyang gawin ay namuo ang inis sa loob niya. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang pinapakialaman ang buhay niya. Nakahanda na ang isang matamis na ngiti sa labi niya nang buksan niya ang pinto ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang tumambad sa harapan niya ang pamilyar na mukha na hinding-hindi niya makakalimutan. Two Years ago. . . Nanlalabo ang mga mata ni Lenneth at pilit hinahabol ang kanyang nobyo. Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa niyang mali at nagawa siya nitong saktan at ipagpalit. "Ace, tell me what have I done para gawin mo sa 'kin ito? Ibinigay ko sa 'yo lahat! Hindi ko maintindihan kung bakit . . ." Hindi niya natapos ang sasabihin dahil itinulak siya ng babaeng kasama nito. "Will you leave him alone? He hates you and dumped you already, accept it b***h!" mataray nitong saad sa kanya. "Shut the f*ck up!" Sigaw niya sa dalaga at sinampal ito ng ubod-lakas. "How dare you!"Nanggagalaiting lalapitan sana siya ng babae ngunit pinigilan ito ni Ace. "Lenneth, I'm not happy with you anymore. Ayaw kitang lokohin kaya mas mabuti pang maghiwalay na tayo. I found someone who can make me happy, I hope that you can find someone else too," seryoso nitong saad sa kanya. Napailing si Lenneth at hindi matanggap ang sinasabi nito. "You're lying!" "No, I'm not! I don't love you anymore and I'm done with you! Tanggapin mo na ang katotohanang wala na tayo!" sigaw sa kanya ni Ace. Sa unang pagkakataon nagawa nitong pagtaasan siya ng boses. Ni minsan sa loob ng mahabang panahon nilang magkasintahan ay hindi siya nito sinigawan man lang. Anong nangyari at bigla na lang itong nagbago? Dahil nga ba sa hindi na ito masaya sa piling niya? Nagsawa na ba ito sa kanya at naghanap na ng bagong mamahalin at magpapainit dito gabi-gabi? Naikuyom ni Lenneth ang kanyang kamao at walang alinlangang sinuntok ito sa mukha. Narinig niya ang sigaw ng ina ni Ace ngunit hindi siya nagpapigil dito at pinagsusuntok si Ace sa dibdib. "I hate you! I hate you so much! Ibinigay ko sa 'yo ang lahat pero nagawa mo pa rin akong gaguhin! Kinakamuhian kitang hayop ka!" Naghuhuramentadong sigaw ni Lenneth habang patuloy sa pagbayo sa dibdib ni Ace. "Nangako ka sa akin, Ace! Nangako kang pakakasalan mo ako at magsasama tayo hanggang sa pagtandan natin! Tapos sasabihin mong hindi ka na masaya sa akin at nakahanap ka na bago mong mamahalin?! Damn you, Ace. Mamatay ka na sana!" galit na sigaw ni Lenneth. "Lenneth--" Nilapitan siya ni Nanay Esing para pakalmahin ngunit agad siyang lumayo rito. Puno ng hinanakit na tiningnan niya ang matandang nagsilbing pangalawa niyan ina. "Hija, let's go, he doesn't deserve you." naramdaman niya ang paghawak sa kanya ng kanyang ina. Inakay siya ng kanyang ina at walang lingon-likod na nilisan nila ang lugar na iyon. 'Isinusumpa kong darating ang araw na mare-realize mi kung ano ang sinayang mo, Ace Villanueva!' puno ng galit na wika ni Lenneth sa kanyang isip. "Long time no see, Lenneth."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD