Ni isang lecture nung araw na iyon ay wala akong maintindihan dahil sa sinabi ni Priam. Ba't kasi may pa sorry-sorry pa eh. Alam naman niyang wala siyang mali na ginawa.
At ang isa pang nakapag-pagulat sa akin ay kung bakit siya nandito sa school. Nang makita ko ang logo ng SSC sa may polo nito ay talagang nanlaki ang mga mata ko at nasagot ang katanungan ko kung bakit siya nandirito. Masyadong tinitingala ang mga SSC ng mga katulad namin dahil mas higit sila. Mga matatalino daw ang mga SSC. Magaling sa lahat ng bagay.
Isa na rin siguro sa mga rason kung bakit kahit nasa iisang paaralan kami ay madalang lang namin makikita ang isa't-isa dahil malayo ang building nila kaysa sa building namin. Napa-pagitnaan ng canteen ang building namin kaya siguro nagkita kami doon. And I am also having the feels na siya yung inutusan ni Ma'am Aspen na magdala ng test papers papunta sa room namin dahil malapit sa SSC building ang office niya.
'Kaya pala kahit saan ako pumunta, makikita ko pa rin siya.'
Tapos sa harap pa ni Carol? Hindi talaga ako tinigilan ni Carol hanggang sa umuwi kami. Tanong nang tanong kung siya na ba yung Priam na sinabi ko sa kanya noon. So wala naman akong choice kundi sabihin sa kanya ang lahat. Lahat ng nangyari, kung paano kami nagkita at hanggang sa insidenteng nananiginip ako.
"Ang chaka mo! Ngayon mo lang sinabi sa akin. Sasama ako sa'yo pag bumalik ka ulit doon sa shop," excited na sabi nito at lumundag-lundag pa.
Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung pwede bang magdala ako ng kasama. Atsaka baka importante ang sasabihin ni Priam at tanging ako lang ang pwedeng maka-kaalam. Hindi naman ako maka-hindi dahil baka balak lang ni Carol na tumingin sa shop kaya isinawalang-bahala ko nalang ang sinabi niya.
* * * * *
Kasalukuyan kami ngayong naglalakad papuntang gym dahil time na para mag-join sa mga school clubs. Lahat ng students pati na ang mga SSC ay kailangan may sasalihang club.
Medyo malayo ang gym at dadaan ka pa sa field para makapunta doon kaya naman nang ilibot ko ang paningin ko ay puno na ito ng mga students na papunta din doon.
Magka-kasama kami nina Rhea, Laina at Carol. Balak ni Rhea at Laina na sumali sa Glee Club dahil mahilig at magaling silang kumanta. Balak namang sumali ni Carol sa Theatre Club dahil maliban sa pag-piano, mahilig din itong um-acting.
Samantalang ako hindi ko pa alam kung saang club ako sasali. Sa Arts Club ba? Pero wala akong talent doon. Sasama nalang ba ako kina Rhea at Laina sa Glee Club? Pero baka alisin lang din nila ako dahil sintado ako. Sa Theatre Club? But I sucked at acting.
Hindi ko namalayang napalalim na pala ang iniisip ko at hindi ko nakita ang nakausling bato sa field.
"Oh s**t!"
Nauna ang pwet ko nang mapaupo ako sa damuhan kaya feeling ko sasakit ito mamaya. Nakita kong napahinto sa paglalakad sila Rhea at nag-aalalang hinanap ako. Nang makita ako ay kaagad silang tumakbo papalapit sa akin. Bago paman nila ako mahawakan upang itayo ay may humawak sa mga balikat ko at pilit akong itinayo.
"You should be more careful. And atleast tumingin ka sa dinadaanan mo."
To be honest, hindi ko na narinig ang mga sinasabi niya. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na t***k ng puso ko. Nakatingin lang ito sa akin at naghihintay ng sagot.
Tila sinusuri nito ang mukha ko kung makatingin. His intimidating eyes are roaming around my face. And I don't know where did I get the courage to look back to him. Patuloy pa rin sa pagtibok ang puso ko at tila mauubusan na ako ng hangin sa pagpigil ng hininga ko.
"A-Ahemm!"
Agad akong lumayo sa kanya nang marinig ang pekeng ubo ni Laina. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya kaya binaling ko nalang sa daan ang paningin ko at nagsimulang maglakad. Sumabay din sila sa akin pati na rin si Priam.
"So ikaw pala si Priam?" rinig kong tanong ni Carol.
"Yes," maikling sagot nito. Kahit kailan talaga ambisyoso sumagot ng mga tanong ang taong ito.
"Alam mo palagi kang kinukuwento sa amin ni Cron!" sigaw naman ni Rhea.
What the heck? Kahit kailan hindi ko kinuwento sa kanila si Priam. Mga pahamak na mga kaibigan ito oh!
"Luh! Wag kang maniwala sa kanila Priam!" awat kong sabi ngunit huli na nang makita kong nakangisi ito sa akin.
"Kailan ka pala babalik doon sa shop, gurl?" tanong naman ni Carol. Napatingin sa akin si Priam at naghihintay ng sagot ko.
Natigilan naman ako.
"T-This Saturday y-yata," sagot ko.
Napangiti naman si Priam sa sagot ko at agad kong ibinaling sa daan ang tingin ko.
'Pakshet. Ba't ako kinikilig.'
"B-Bilisan niyo nga diyan!"
Sigaw ko sa kanila at naunang maglakad. Humagikgik naman sila Carol na sumunod sa akin at alam ko na kung ano ang inisisip nila.
Nang makarating sa gym ay pumunta na kami sa assigned seat namin. Humiwalay naman sa amin si Priam dahil magkaiba ang upuan ng SSC kaysa sa amin na ordinary student lang.
Lahat ng mga students ay nakaupo sa bleachers dahil nasa gitna ang mga booth ng bawat clubs. Umayos naman kami ng upo nang pumunta na sa gitna ng entablado ang Principal namin.
Pagkatapos ng speech nito ay agad nitong in-announce na open na ang booths for members. Nagsitayuan na ang ibang mga students pati na rin sila Laina pero nanatili akong nakaupo.
Tumingin sa akin si Carol nang mapansing hindi pa ako tumayo.
"Gurl, tayo na. Magpa-register na tayo," aya nito sa akin pero inilingan ko lang siya.
"M-mauna na muna kayo. Ang sikip pa naman at pag-iisipan ko muna kung saan ako s-sasali," nauutal kong sabi at ngumiti sa kanila.
"Are you sure?" nag-aalalang tanong niya pa.
Ngumiti ako sa kanya para ipakitang ayos lang ako."Oo naman. Ano ka ba. Mauna na kayo. Susunod ako."
"Sige. Basta hihintayin ka namin ah," tumango ako sa kanya at agad din naman silang umalis.
Napabuntung-hininga ako. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng gym at nakitang halos lahat ng estudyante ay papunta sa kani-kanilang napu-pusuang booth.
'Papunta sa kanilang mga talento.'
Ako nalang ang naiwan mula dito sa bleachers na inu-upuan ko. Halos lahat ay nakapila na sa mga booths. Tuwing may program lang na ganito nagkaka-halubilo ang mga SSC at ang mga kagaya namin. Minsan may mga programs sila na exclusive lang for SSC's at hindi kami invited. Invited lang kami maging audience.
Nagta-talo pa rin ang isipan ko kung saan club ako sasali. Sa School Pub ba or sa sasama nalang ako kay Carol sa Theatre Club kahit maging propsmen lang ako. Para naman kahit hindi ako um-acting makakapag-participate pa rin ako.
I was lost in my own thoughts when I noticed a presence. Umupo ito sa tabi ko. Tiningnan ko ito para masinghalan kung bakit ito sumusulpot sa kung saan. Pero naitikom ko din ang bibig ko nang makilala kung sino ang umupo sa tabi ko.
Naka de-kwatro ito at prenteng naka sandal sa sementong upuan ng bleachers.
"Naka register ka na?" tanong ko at tumingin naman ito sa akin.
"Hindi na kailangan. Member na ako last year,"simple nitong sagot.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Edi wow. Sana all," sagot ko naman para asarin ito.
Hindi naman ako nabigo dahil pikon itong tumingin sa akin. Nginiti-an ko naman siya para sabihing nanalo ako.
"I heard required daw sumali sa club. May sinalihan ka na? Sa tingin ko wala pa," para itong baliw na magta-tanong tapos siya din naman ang sasagot.
Natahimik ako saka lang ito tumingin sa akin.
"Sa School Pub mo balak sumali no?" tanong nito.
Nagta-takang tiningnan ko siya. How did he know?
Tila nabasa naman niya ang mukha ko at huminga ng malalim. Parang ayaw nitong sabihin ang kung ano mang balak nitong sabihin.
"Laina told me," he said. "You're good at writing." he continued while looking straight at me.
Umiwas naman ako ng tingin dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin. 'Nakaka-hipnotismo.'
I sighed. "But I'm not yet good enough. Hindi rin nila ako kukunin. Masyadong mataas ang kanilang standards."
"That doesn't mean that you will give up on writing. Hindi naman dahil lang sa standards gagalingan mo. You can do more," he said while looking at the front.
"Alam mo ang arte mo talaga! Wag ka ngang mag-english. Nandito tayo sa Pilipinas huy. Mag-tagalog ka," sabi ko sa kanya atsaka tumawa. Inis naman itong tumingin sa akin pero ginantihan ko rin ito ng belat.
Ngunit bago pa man ako magpa-party dito dahil nainis ko naman siya ay bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinigit pababa. Papunta sa mga booths.
"Huy! Hayop ka. Ano'ng ginagawa mo? Bitawan mo nga ako."
Pilit kong kinukuha ang kamay ko mula sa kamay niya pero sadyang mahigpit ang pagkaka-hawak niya dito kaya hinayaan ko nalang siya.
Huminto kami sa booth ng School Pub at gulat akong tumingin sa kanya. Nakatingin na din ito sa akin.
"Hi Priam! Magre-register ka?" pabebeng ngiti ng editor na si Satiya.
Yes, si Satiya. Yung chismosa. Editor pa naman ng School Pub pero chismosa. Nagka-kalat mg fake news.
Napairap ako at nakita iyon ni Priam pero ngumisi lang ang loko.
"Ah, no. Sinamahan ko lang si Cron. Gusto niyang mag-register eh. Nahihiya lang," pagpa-paliwanag nito.
Like duh? Kailan pa ako nahiya sa babaeng 'to? Siya pa nga dapat ang mahiya eh. Nagpakalat ba naman ng fake news. Di ko lang knows if nalaman na ni Priam yung pinakalat nitong balita tungkol sa amin. At lalong hinding-hindi ako mahihiya dahil hindi naman nakalabas ang pwet ko.
Tiningnan ko nang masama si Priam pero parang wala lang ito sa kanya. Patuloy lang sila sa pag-uusap na tila wala ako dito at hindi nila kasama.
"Ayaw yata ni Cron eh," maarteng sabi ni Satiya dahilan ng pag-irap ko.
"Ako nalang ang magre-register sa kaniya. Susulat lang ako dito sa log book?" tanong ni Priam.
"Hoy alam mo ba whole name ko? Ako na nga magsulat diyan. Landi-landi niyo eh."
Akmang kukunin ko na sa kamay ni Priam ang ballpen nang binalik na niya ito kay Satiya.
"Alam ko kaya tara na. Hinihintay ka na nila Carol."
Walang pasabi nitong kinuha ang kamay ko at hinigit na naman ulit. Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman ang buong pangalan ko eh hindi naman kami magkaklase.
"Stalker ka no? Ang dami mong alam tungkol sa akin."
"Bahala ka diyan. Arte-arte mo pa eh. Gusto mo rin namang sumali doon," binatukan ko nga.
Tumigil ito sa paglalakad kaya inunahan ko ito. Napangiti ako dahil sa ginawa niya. I really appreciate his effort.
"Pero may qualification test daw," pahabol nitong sabi nakapag-pawala ng ngiti ko.
Naabutan niya ako at humarap sa akin. Hindi ko siya hinarap at itinuon lang sa mga paa ko ang aking paningin.
Nagulat ako nang iniharap niya ang mukha ko sa kanya gamit ang kamay niyang nakatukod sa baba ko.
"Kung hindi ka ma-qualify open ang Arts Club para sa'yo," nakangiti nitong sabi. Lumitaw ang maliit nitong dimples sa may gilid ng labi nito na ngayon ko lang nakita. Lumabas rin ang mapuputing ngipin nito na sponsored yata ng Colgate.
Muli ko na namang sinaway nag puso ko sa pagtibok ng malakas. Grabe talaga ang dating ng lalaking ito sa akin. 'Maka mamatay.'
* * * * *
Nanginginig ang mga kamay kong ipinasa kay Satiya ang qualification test ko. Today is Friday at ngayon na malalaman kung makapasa ba ako sa standards nila through sa qualification test na pinagawa nila sa akin.
Sinimangutan ako nito. "Just wait, we will announce all those who passed later."
Umupo naman ako sa isa sa mga upuan dito sa loob ng office nila. Maliban sa akin may sampu pang kumuha ng qualification test. I am convincing myself that if ever I will not pass this qualification test I won't give up my dream to be a writer. I am convincing myself that my dream will not stop here.
Kaya nang marinig ko ang pangalan ko sa mga listahan ng hindi pumasa ay medyo hindi na ako nabigla pa. I was rejected.
'I'll do better.'
Bago pa man ako makalabas ng office ay pinigilan ako ni Satiya. Nakangiti itong tumingin sa akin.
"Honestly Cron the words you used in the test are too plain. Too simple and too blant. So sad that you don't possess the standards we are looking for a member. We want a member who can play with words. Those who can easily manipulate readers through the powers of words. Not someone who can dim the reputation of our beloved publication."