It was the hardest escape I've ever did. Without the people who truly loves me, I'm pretty sure na nakakulong pa rin ako sa kwarto kong iyon. Manang met us at near our subdivision gate. "Bilisan mo at baka mapansin na nila na wala ka. Una't huling pagkakataon ito na kukunsintihin ko ang ginawa mo, Justina dahil alam kong maling-mali ang ama mo. Mag punta ka sa Tita Yolan mo. Doon ka muna pansamantala." Niyakap ko ng napakahigpit si Manang. I tried so hard not to cry in front of her. I can't afford to see her old eyes hurting because of me. She's been here by my side since I was born and ito lang ang pagkakataong nakita ko sa mga mata niya ang sobrang lungkot. Ayoko 'yun. "Saan ang bahay ng Tiya mo? Hatid kita roon." Nginitian ko ng bahagya si Tylus. True enough, hindi nga niya ako iniw

