'Who are you?' That's what I wanted to shout in this man's face ngunit hindi ko magawa dahil sa busal na nasa bibig ko. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina ko pa sana siya napatay. I can feel my anger boiling inside me at lalong lumalala iyon tuwing nakikita ko ang walang laban na si Tylus sa harapan ko. Tumawa ang lalaki at lumuhod sa harapan ko. "Based on your reaction, anak ka nga ng hepe. Ibang klase, akala ko ay walang kwenta ang mga tauhan ko." Pumiglas ako nang subukan niyang hawakan ang pisngi ko. I glared at him but he just laughed and mocked me. "Tapang, ah? Akala mo naman may ibubuga." The universe knows how badly I want to shout and spit at him ngunit dahil sa tali sa bibig ko ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung anong kailangan nila at bakit tila tuwang-tuwa silang m

