Instead of going home straight that night, dumaan na muna ako sa isang convenient store at bumili ng kape at tumambay saglit doon para mawala kahit papaano ang amoy ng alak at sigarilyo sa katawan ko. I didn't smoked pero may iilang naninigarilyo sa bar na siyang kumapit sa damit ko. Natatakot ako sa magiging reaction ni daddy kapag nalaman niyang pumupunta ako sa mga ganoong lugar. "Wait, where?" Inilayo ko sa tainga ang cellphone dahil sa biglaang sigaw ni Tita. "In the convenience store near the club, 'Ta. Pick me up, please?" Wala naman talaga akong balak na papuntahin siya rito at sunduin ako kaso, naisip ko na kung mag-isa akong uuwi, nang hindi nagpapasundo kay Kuya Phillip, daddy will question me. I know him. Gusto niyang palagi akong hatid-sundo ni Kuya Phillip no matter how ol

