Paanong hindi ko naisip iyon? From the beginning up until before I met Pedro, buong puso akong naniniwala na si Deputy ang master mind sa pagpatay kay mommy tapos ganito? Ito ang ibubunyag ni Pedro sa akin? The hell? Sinipa ko ang maliit na bato na nasa dadaanan ko kasabay ng bahagyang paghimas sa mga braso ko. Here I am again, in a dark place, alone and hindi alam kung ano amg gagawin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Basta ang alam ko, hindi ko mapigilang maglakad sa kawalan. Isang kotseng humaharurot ang nagbigay ng panandaliang liwanag sa kalsada na agad din namang nawala. Life really works in a mysterious way. Noon, hindi ko problema ang mga ganitong bagay. All I want is time from my parents na hirap pa nilang ibigay but now, everything has c

