Chapter One: Death

3843 Words
Having a wealthy life is fun, they say. Luxury cars, bags, refrigerator na puno ng pagkain, maids, drivers, air conditioned rooms, and a big, big house. Iyan ang definition ng karamihan kapag binaggit ang salitang 'mayaman'. Little did they know, all those things are nothing if you have a complete and happy family. All those luxurious things, walang wala ang mga iyon basta ramdam mo ang pagmamahal ng pamilya mo. Aanhin mo ang lahat ng iyon kung ang mga pamilya mo ay hindi mo naman maramdaman sa tabi mo? Me? I have all those things except the happy family. "Justina!" Dali-dali akong tumayo mula sa dresser ko saka mabilis na tumakbo palabas ng kwarto. "Coming!" Sigaw ko ng matanaw ang driver namin na naghihintay sa labas katabi ang aming range rover velar. "Mukhang late nanaman kayo, ma’am ah?" Tumawa ako sa komento ni Kuya Phillip, our longest driver. Pinagbukasan niya ako ng pintuan kaya naman agad akong pumasok doon. "Oo nga po, kuya. Tinanghali po kasi ako ng gising" sagot ko habang papasok sa sasakyan. Ng makaupo na ng maayos ay sinarado na ni kuya ang pintuan saka umikot papunta sa kabilang side. Papunta ako ngayon sa hospital para daanan si mommy. May dinner party kaming pupuntahan mamaya at ngayon ay maghahanap kami ng damit sa isang family friend na stylist. Kaarawan kasi ng matalik na kaibigan ni daddy at naimbitahan ang pamilya namin. "Ano meron, kuya?" Nakakapagtaka na traffic dito sa rotonda. Dapat ay tuloy-tuloy lang ang daloy ng trapiko ngunit ngayon ay halos hindi na gumalaw ang mga sasakyan. Pinindot ni kuya ang intercom sa sasakyan. Naka direkta iyon sa nga body guard na nasa unahan namin at mayroon ding nakasunod sa sasakyan namin. "Anong meron?" Tanong ni Kuya Phillip. "May aksidente yata. May natatanaw akong ambulansiya eh" tumango nalang ako at nagcellphone nalang. Pahinto-hinto ang andar ng sasakyan at nahihilo ako kaya naman itinigil ko ang pag cecellphone. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nandito at nakaipit sa gitna ng traffic. "Kuya, malala po ba ang aksidente? Baka magalit si mommy kapag mas lalo tayong nalate" "Malala po yata ma'am eh" pilit niyang tinitingala ang leeg niya. Natatanaw na namin ng kaunti ang aksidente at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si mommy na nandoon at puno ng dugo ang damit. Nasa gitna ng rotonda ang aksidente. Mukhang bumangga ang isang kotseng itim sa statue na nasa gitna ng rotonda dahil may basag ang statue at may isang pulang kotse na nakadikit doon sa itim. "Mommy!" Sigaw ko ng matapat ang sasakyan namin sa kanila. Her white blouse is now full of blood and busy siya sa paggagamot sa isang batang lalaki na puno ng dugo ang mukha. Tingin ko ay may sugat ito sa ulo kaya ganoon. Lumingon sa amin si mommy at mukhang nagulat pa siya na makita akong nandoon. "Wait for me sa hospital. Maya-maya lang ay babalik na rin ako roon!" Sigaw niya. Hindi na ako sumagot dahil baka maistorbo ko pa ang pag gagamot niya. Laking ginhawa ko ng makalagpas na kami sa napakatinding traffic na iyon. Ngayon ko lang nakitang mag gamot ng ganoon si mommy at hindi ko maiwasang mamangha. Siya ang dahilan kung bakit gusto kong maging doctor. That's why I'm planning to take BS Biology pagdating ko ng college. "You can eat your lunch muna kuya. Pupunta na lang ako sa office ni mommy at doon maghihintay" Dumiretso ako sa elevator paakyat sa main building ng hospital. Lahat ng madaanan kong staff ay bumabati sa akin kaya medyo nagtagal ako sa pagpasok sa office ni mommy. Mommy is a surgeon dito sa hospital na pag-aari rin ng pamilya namin. This hospital was built by my great grand father and it was passed on until it reached my mom. My dad, however, doesn't like this hospital. He's more on politics and according to him, he dreamt on becoming the nation's president that's why he took criminology before. I don't get it. Kailangan bang militar o police ka muna para maging president? My dad's logic is confusing. I will never forget that day where mom made me wait for four hours! I understand her though. That day, an accident occurred and as a doctor, ginawa lamang niya ang work niya. I messaged my dad that night and asking if the party will continue and he said yes, but it's okay if me and my mom can't attend. I went home tired and slept early then Since then, my parents became so distant. We barely see each other sa house. Sa morning, pagkagising ko ay wala na sila and sa gabi, matutulog nalang ako, hindi pa sila nakakauwi. It's been three years now and yet, walang nagbago. My dad is now the Chief of Police of our town and he will give his speech later. My mom, however, is still the same but got so busy to the point na hindi na siya nakakaattend ng mga gatherings. Even my birthday. "Congrats to your father!" Ngumiti ako sa professor ko na tatawa-tawa pa. He's old and chubby but he's good with his work. "Thank you po" after I said that, he left. "Papasok ka mamayang hapon?" My classmate asked. I don't have a friend. I mean the real friend. Yes, I talk to everyone but I don't have someone who I can call anytime and talk about anything. They call me friendly and approachable but little did they know, those talks and chikas are only for a show. They only talking to me whan they need something or when they are running out of topic to chika. But that's okay. That's fine. "Nope. I need to get ready para sa event mamayang gabi eh" ngumiti ako. Nagkibit balikat lang siya at saka umalis. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang nilapitan niya ang mga kaibigan niya at nagsimula na silang tumawa. It looks like they're talking about me but I don't care. I-chismis na nila lahat ng tungkol sa akin pero hindi ko iyon hahayaang makaapekto sa akin. Chismosas are people who seek attention and the more na bibigyan mo sila noon, the more na mag iingay sila. Like how you continuously roll an empty can. The more na ginagalaw mo at the more na pinaglalaanan mo ng atensyon, the more na lilikha sila ng ingay. Morning classes are boring except science. I love science. History subject never fails to put me into sleep. Lahat ng nakakasalubong at nakakakita sa aking mga teacher ay binabati ang aking ama. It's the talk of the town. Everyone loves and adore him. "Justina?" Naglalakad ako papunta sana sa parking ng school ng bigla akong tawagin ng isang matandang babae. May bitbit siyang ice cooler. I know her. She's the famous old lady vendor. She's selling foods and other stuff like charm bracelets, necklaces, etc. Tumawa siya pagkatapos ng ilang segundong pagtitig sa akin. "Ikaw nga! Iyong anak noong police na pogi, ano?" "Opo, ako nga po." I laughed a bit. Nagulat ako ng lumapit ang matanda sa akin at biglang hinawakan ang mga kamay ko. "Kamusta ang nanay mo, iha? Alam mo bang kapitbahay nila ako noon diyan sa kabilang baranggay. Nakita kong lumaki iyong si Yuna at masasabi kong talagang mabait iyon..." nagpatuloy ang matanda sa mga kwento niya tungkol kay Mommy. I laugh when she laughs. Sinulyapan ko si Kuya Phillip at umiling nang magtangka siyang lalapit, iniisip siguro na kailangan ko ng tulong. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nakatayo ng matanda sa gitna ng hallway. Students are now eyeing us and their eyes are full of curiosity. "Osiya baka naaabala na kita" ngumiti lang ako sa matanda. "Pakisabi nalang sa nanay mo na nakita mo ako. Ising ang ngalan ko, Justina. Baka hindi mo ako kilala, haha" nagmano ako kay Lola Ising bago siya tumalikod at nagsimula ulit maglakad papasok sa loob ng school. Aniya ay may ihahatid siyang order ng isang teacher na tanghalian. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng mawala na sa paningin ko si Lola Ising. "Naglunch kana po?" "Hindi pa, Ma'am Justina. Sa bahay na lang at ng makatipid kahit papaano" Kuya Phillip laughed. Mabilis akong sumakay sa kotse at saka inilapag ang bag sa tabi. Even though nakaupo lang ako sa classroom ng kalahating araw ay pakiramdam ko pagod na pagod ako. "Kinausap ka po ni Lola Ising?" "Yeah" inaantok kong usal. "She asked me to send her regards kay mommy. And nagkwento lang din po siya ng buhay nila noon" Hindi na nagsalita pa si kuya Phillip hanggang sa makarating kami sa bahay. Mabilis akong umakyat sa kwarto ko para magbihis ng pambahay. Mommy will be home any minute now at hihintayin kong tawagin ako ng maid para sa pag aayos. Si mommy ang uunahin dahil iyon lagi ang ginagawa ng stylist namin. He said that my feature is softer than mommy at madali lang akong ayusan. Dumapa ako sa kama at inilibot ang tingin sa buong kwarto. My room is painted with white color. From the curtains, bedsheets and pillowcases, and even the carpet are color pink. Beside the window on the right side is my study table. The walls have pictures hanging, notes, and I even have a floating bookshelf. On the opposite side of my study table is the vanity table. It has a strip light that I turn on at night. Beside it is a mini bookshelf and the tv. Under the tv is another small cabinet where I put all my other stuffs. Sa kaliwang banda ng kama ay makikita ang isang pinto na papunta sa walk-in closet at banyo. My room accent is a combination of white and pink. I think I need to change it na cause I've been using this colors since elementary. A knock on my door woke some senses in me. Agad akong tumayo at inayos ang nagusot kong t-shirt saka dumiretso sa pinto. "Tawag na po kayo ni ma'am Yuna" ani Marya, isa sa mga kasambahay namin. Sumunod ako sa kaniya matapos isarado ang pinto ng kwarto ko. Dumiretso kami sa kaliwang bahagi ng hallway para makapunta sa room ni mommy. Dinaanan pa namin ang engrandeng hagdanan bago nakapunta sa unang kwarto sa kaliwang bahagi ng second floor, ang kwarto nina mommy. "Hi, mom" hinalikan ko sa pisnge si mommy na nakaupo na sa harap ng vanity. Tinanguan ko nalang ang stylist na si Clark na abala sa pag lalatag ng mga gamit pang make up. Kapansin-pansin ang makikintab na palettes at mga lipsticks. Marami rin siyang dalang iba't-ibang uri ng brushes. "Nasaan na ang gown ng prinsesa?" Maarte at malambot na boses ang bumasag sa katahimikan. Sinulyapan ako ni Clark habang inaayos ang buhok ni mommy upang walang humarang sa mukha niya. "Nasa kwarto ko. Ipapakuha ko ba?" "Hay naku hindi na. Puntahan nalang kita roon pag magbibihis ka na" tumango nalang ako at inabala ang sarili sa pag sscroll sa social medias. Kumunot ang noo ko nang mapansin na halos iisa ang pinag uusapan ng mga schoolmates ko. They're even using a certain hashtag. I clicked the hashtag and then there, I saw how they bully a girl from our school. I don't know her but base on her uniform, she's from my batch. There are photos of her, some are from bars! "She's a w***e, I told you!" I read their comments and rants about this girl. They didn't mention her name, though. "Her angelic face deceived us! Flirt!" "What are you saying, dear?" Napatingin ako bigla kay mommy na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin mula sa salamin. Tumuwid ako ng upo at binitiwan na ang cellphone ko. "Nothing, my. Binabasa ko lang po ang mga comments ng mga schoolmstes ko sa social media. They're bullying a girl from our batch po kase" Tumango lang si mommy at hindi na nagsalita pa. Pagkatapos na pagkatapos niya ay ako na agad ang inasikaso ni Clark. "Ano gusto mo, bebe? Nakalugay or what?" Nagkatinginan kami ni Clark sa reflection ng salamin. His eyebrows are up. "Anything you want, Clarky" his face lit up. He's happy. "Kaya gustong-gusto kitang ayusan, eh! Hinahayaan mo lang ako sa kung anong gusto kong gawin sa'yo!" Maarte niyang hinampas ang braso ko. Tumawa lang ako at pinanood nalang siyang pumili ng make-up. "Dahil malambot naman ang feature ng mukha mo, light make-up lang ang gagawin" I told him that my dress is color champagne that's why he chose an eyeshadow color that will compliment the dress. Even the lipstick is nude. He did a waterfalls braid on my hair and he even wants to add some flowers! Mabuti nalang at napigilan ko. "Baka matalbugan ko ang mga tao roon, Clark. What you did is already great. Ayokong may umiyak dahil sa magandang ayos ko" we both laughed at my own joke. I thanked him and waved goodbye pagkasakay ko sa kotse. Mom is beside me and as usual, kuya Phillip is the driver. After an hour, nandito na kami sa harap ng isang malaking hotel dito sa Pasay. Across the busy highway is the majestic manila bay shining through the light provided by the massive moon. I almost forgot na may oarty nga pala kaming pupuntahan dahil sa kakatitig sa buwan. It's larger than usual. Maybe because fullmoon ngayon? I don't know. Sumunod ako kay mommy at agad na tumabi sa kaniya. Binati kami ng mga ushers na nakatayo sa gilid. May isang sumama sa amin at siya ang nagpatiuna sa daan. Pumasok kami sa isang kwarto at doon, makikita ang maraming tao at ang maliliwanag na ilaw sa paligid. May mga mesang nakakalat at mga palakad lakad na mga waiter na may dalang inumin o pagkain. Agad na umikot ang paningin ko, trying to find dad. "Yana?" Napabaling ako sa kaliwa nang biglang may tumawag kay mommy. It's her friend...yata. Dahil usapang business ang pinagkakaabalahan nila, nagpasya akong maglakad-lakad nalang muna. Nag paalam ako kay mommy pero hindi siya sumagot dahil abala sa kausap. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at ginawa nalang ang gusto. "Justina!" A schoolmate suddenly approached me. She's the daughter of the mayor. "Where's tita Yana?" Luminga-linga siya. Tumalikod ako at humarap sa pinanggalingan ko. Itinuro ko kung nasaan si mommy na kausap parin iyong babae kanina. "Oh! Congrats sa daddy mo. He deserves it!" Nagpasalamat ako saka nagpaalam na may pupuntahan kahit na wala naman. Hindi ko alam kung bakit bigla aking kinausap noon dahil sa school ay hindi naman talaga kami nag uusap. Mabilis akong lumiko pa kaliwa nang mapansin ang isang pintuan doon. Nahihipan ng malakas na hangin ang kurtina sa gilid nito. "Excuse me" bulong ko nang maharang ng isang matandang lalaki ang daraanan. Sa pag iwas ko ay siya namang pasalubong ng isa pang lalaki na tingin ko ay kaedad ko lamang. He's carrying a bunch of alcoholic drinks with his one hand at dahil nagkasalubong kami, sabay-sabay na natumba ang mga iyon at napanganga ako ng maramdaman ang basa damit ko. The champagne off shoulder skater dress is now tainted. Kahit ang nude stiletto ko ay basa. "Sorry po! Sorry!" Hindi malaman ng waiter na natamaan ko kung anong gagawin. Halos lahat na ng mga taong malapit sa amin ay nanonood na at kuryoso sa nangyayari. Hindi ko masabing ayos lang dahil hindi naman talaga ayos but judging from his looks, mukhang matinding sermon ang mangyayari sa kaniya mula sa boss niya. I forced a smile and assured him that it's fine. Even if it's not. "Justina?" Mabilis na lakad ang ginawa ni daddy palapit sa akin. Tinignan niya ang damit ko hanggang sapatos pagkatapos ay lumipat ang tingin niya sa mga basag na baso at ang basang sahig. "What happened?" "Sorry po, sir. Kasalanan ko po at nabangga ko si ma'am" tinitigan ko ang lalaki. Nakayuko siya at nanginginig ang kamay. He's scared. Why would he? I already assured him na it's fine kaya bakit pa siya matatakot? "It's okay. Paki linis nalang ang kalat at baka may mabubog pa" ani daddy bago bumaling muli sa akin. Tinitigan niyang muli ang damit ko saka bumuntong hininga. "The program will start any minute now. May dala ka bang extrang damit?" Umiling ako. "Wala po. But this one's fine. Hindi naman po gaanong mahahalata kapag natuyo na. I'll just go outside para mahangin at mas mabilis matuyo" tumitig pa ng ilang sandali si daddy sa akin bago tumango. Mabilis kong tinungo ang daan palabas. There's a fountain with peeing cherub on top. Sa ibaba ay may maliliit na bulaklak na may iba't-ibang kulay ang nakapaikot, sumusunod sa hugis ng fountain. May mga benches rin sa paligid. Umupo ako sa isa sa mga iyon at tumingala. Kitang kita ang liwanag ng buwan na siyang dahilan kung bakit naaaninag ko ngayon ang mga bulaklak kahit na madilim. I almost trembled as the north wind blew. My hair danced with the rhythm of the wind. Ilang minuto pa akong nakatayo roon at nagpasya na lamang na bumalik sa loob ng mapansin na nag sisiupuan na ang mga tao. Agad kong hinanap si mommy at nakita kong nakaupo siya sa bandang harap kaya naman agad akong nagtungo roon. "Where have you been? And what happened to your dress?" Bulong niya nang makaupo na ako sa tabi niya. May mga kasama kami sa table na mga naglalakihang tao rin. Kilala ko ang mag asawang doctor din dahil nakikita ko sila minsan sa hospital tuwing binibisita ko si mommy. "I went outside, mom. Natapunan ng drinks ang damit ko kanina but okay na ngayon. Tuyo na po" hindi na siya nakapag salita pa kahit na halatang may gusto pa siyang sabihin dahil nagsalita na ang emcee. He introduced some important people. Hindi na ako nakinig dahil hindi naman ako interesado. Pumapalakpak lang sa tuwing pumapalakpak si mommy at nakikitawa nalang din sa tuwing tumatawa siya, kahit na hindi ko alam kung anong nakakatawa. After some what-knots blubbering, he finally introduced my dad as the new Chief of Police of our town. I almost shouted 'daddy ko 'yan' but I stopped myself. Baka itakwil ako kapag ginawa ko iyon. I clapped hard instead. To the point na mamula na ang kamay ko sa sobrang palakpak. "Thank you, thank you" daddy bowed a bit. He's all smile and I can see happiness through his eyes. He really love his job. His job where all of his time is consumed by signing papers, meetings, and public speeches but no time for family bondings. "First of all, I would like to thank my family," he looked at us, "for always supporting me and for never complaining about my time consuming work, haha" they all laughed, I didn't. "I'm sorry if I'm almost always absent sa mga family events na'tin..." tinignan ko si mommy na nakangiti habang nakatitig kay daddy. But her smile is fake. I know it 'cause I've already seen her real smile and that's when I told her I want to be a doctor like her. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga sinasabi ni daddy ngayon. Most of the people who's watching us will say na we are the perfect family everyone dreamt of but we're not. Mommy and daddy are always arguing every night and I would always silently listen to them and cry. Hindi ko alam kung anong gagawin sa tuwing nag aaway sila, just like this night. "It's for my work, Yana!" Pagod kong tinignan si daddy na nag sisimula ng mag taas ng boses. Magkaharap sila ngayon ni mommy sa gitna ng engrandeng hagdanan ng aming bahay habang ako ay nandito pa sa ibaba, nakatingala sa kanila. "Palagi ka nalang wala! I already told you na i-clear ang schedule mo bukas dahil nag yaya si Justina na mag out of town! Is it that hard to do?" Last week, I got my grades and it's all A's. I asked mommy if we could hang out as a whole family dahil hindi ko na maalala kung kailan kami huling lumabas. She said yes because I did great at school. Nabaling ang tingin ni daddy sa akin. Nagkatinginan kami. Biglang lumambot ang mga tingin niya saka bumuntong hininga. I hope he change his mind. Sana sumama siya sa amin bukas. Hindi kami bibiguin ni daddy. Hindi niya ako bibiguin. My world crumbled when daddy shook his head. "I'm sure Justina will understand. 'Di ba, baby?" He even made his voice sweet like he's talking to a toddler! Mabilis akong nag martsa paakyat. "Enjoy, dad" bulong ko nang matapat sa kanila saka tinakbo ang natitirang hakbang. Pabagsak kong isinara ang pinto ng kwarto ko at halos isubsob ko ang mukha sa unan. My tears are like waterfalls that has no end. Naririnig ko pa ring nag aaway si mommy at daddy. Hindi ko alam kung magkaka ayos ba sila ngayonh gabi. Madalas ay ganoon. Msg aawsy sila pero mag aayos din ulit. Hindi ko alam kung pakitang tao lang nila iyon o hindi. Ewan. "I'll be back tomorrow afternoon. Take care. Call me when you need something, okay?" Napaupo ako sa kama ng marinig ang pag papaalam ni daddy. Hindi ko narinig na sumagot si mommy pero sigurado akong sa kaniya nag paalam si dad. Kanino pa ba mag papaalam bukod sa akin at kay mommy? Wala na. Inabot ako ng hating gabi sa kaiisip. Ayoko sa trabaho ni daddy dahil nauubusan siya ng oras sa amin. Dati ay nagagawa pa niya akong sunduin sa school pero ngayon ay halos hindi na kami magkita rito sa bahay! Humikab ako nang maalimpungatan dahil sa uhaw. Bumaba ako sa kusina at kumuha ng inumin sa ref. Tahimik ang buong paligid dahil tulog na ang lahat. Daddy texted me. Nagsabi lang siya na aalis at babalik din bukas, gaya ng sinabi niya kay mommy kanina. Hindi ko na nireplyan dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin. Masama ang loob ko at nagtatampo ako. Pagkatapos uminom ay naisipan kong daanan muna ang kwarto nina mommy para i check siya. Rinig ang bawat hakbang ko sa hagdanan at tangin mga maliliit na ilaw lamang sa gilid ng hagdan at mga pader ang ilaw. Pagkadating sa tapat ng kwarto nila ay bahagya akong kumatok ng dalawang beses bago unti-unting binuksan ang pinto. Patay ang mga ilaw sa buong kwarto nina mommy kaya naman pumasok ako at binuksan ang main light. Unang makikita ay ang tv at working table nila. Nakatago ang kama sa dingding na naghihiwalay sa kama at walk-in closet at banyo. "Mom?" Bulong ko. Pagdating sa dulo ng pader ay bumaling ako pakaliwa at halos humiwalay ang kaluluwa ko sa nakita. Nanlamig ang katawan ko at ramdam anh biglaang pagbilis ng t***k ng puso ko kasabay ng pagtulo ng mga luhang hindi ko alam kung saan galing. There I saw mommy lying on their bed while blood is dripping from her stomach all the way to the bed's linen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD