Madilim ang buong kabahayan at nag iisang nakaupo si Ginger sa sala habang umiinom ng red wine. Nakabukas ang telebisyon pero hindi dito nakatuon ang kanyang pansin kundi sa bango ng sabon na dala ng hangin na nagmumula sa banyo kung nasaan si Reese. Kahit na sobrang sabik ni Ginger na mapasakanya si Reese ay mas pinili nya maging mapagpasensya at doblehin ang paghihintay sa babaeng kanyang pinakamamahal. Ninanamnam ni Ginger ang napakasarap na red wine sa kanyang bibig. Alam nyang nakapangako na sya kay Reese na hindi na muling iinom pero makakatulong ito para makalma ni Ginger ang sarili. Bumilis ang t***k ng puso ni Ginger ng marinig nyang ang marahang pagbukas ng pintuan ng banyo. Meron man kaba ay hindi mapigilang mapangiti ni Reese ng magtama ang paningin nila ni Ginger. Banay

