Isinilid ni Destiny ang huling gamit niya sa travel bag. Ito ang kanyang mga gagamitin sa pag-alis nila kinabukasan patungo sa Batangas, kapagkadaka'y tinignan niya ang nakadisplay na orasan sa gilid ng malawak na bintana ng kwarto ni Xavier.
Mag-aalas kwatro na ngunit hindi parin siya dinadalaw ng antok magmula nang may mangyari sa kanila ng binata hanggang sa opisina at condo nito.
Bahagya siyang lumingat sa gilid ng kama kung saan naroon ang mahimbing na binata. Napaka-amo ng muka nito na tila isang anghel na bumaba sa langit upang ipatikim sa kanya ang lasa ng paraiso... pero ang isiping iyon ay taliwas dahil alam niya ang realidad sa katotohanang nangyayari lamang ito dahil may usapan sila na ito ang magiging kabayaran sa lahat ng kanyang nagawa. Naputol ang kanyang iniisip ng kumibot ang labi ng binata at bahagyang dumilat ang mata. Iniwas niya ang tingin dahil sa pagkapahiya dahil nahuli siya nitong pinagmamasdan ang lalaki sa patulog.
"Hey woman, why you're still awake?" he said using a bedroom voice
"H-huh inayos ko lang yung mga gagamitin ko mamaya"
Hindi ko maiwasang kabahan kahit ilang beses na kaming nagtalik ng binata, tila ba sa twing' kasama si Xavier ay palaging bago sakin ang lahat ng nararamdaman. .
"Aw c'mon you should sleep baby, you could do that later when the sun is up." Xavier said.
He softly caressed my belly and slowly tucked me down underneath his arms. I was a bit disoriented when he kissed my nape after I lay down beside him in bed.
KINAUMAGAHAN ay nagising ako at nakaramdam ng kahungkagan ng hindi maabutan ang binata sa kama. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto hanggang sa makita ko si Xavier sa mini bar kasalukuyang may hawak na mug. He was topless and seems very relaxed. He made me stunned for a while seeing his perfect torso and for me it is like a ray of sunshine.
Bahagyang tumikhim ang binata, nahalata yata nito ang pagtitig ko sa kanyang mala-adonis na katawan.
"Did I pass your taste, lady?" malokong saad ng binata bago nilapag ang mug at tumungo sa kinatatayuan ko.
Medyo naalarma ako ng maramdaman ang init ng kanyang topless na katawan. He leaned closer to me and I was really shocked when he made a nitty-gritty smack on my lip. Ilang sandali akong napatigil dahil sa kakaibang pakiramdam na lumukob sa kabuuan. I've felt like I'm on the top of cloud ninety-nine.
"X-xavier, a-anong ginawa mo?"
Tumawa lamang ang lalaki at umiling bago muling tumungo sa kitchen na sadyang katabi lamang ng mini bar. Sinundan ko lamang siya nang tingin.
"Ano pang tinatayo mo diyan? Come, I already cooked your breakfast." anito na parang normal lamang ang lahat.
Nagpatinaod ako at umupo narin kasabay ng binata na sadyang hindi mawala-wala ang nakakalokong ngiti.
He seems fine with this set-up although we haven't talk about the issue about our son but I must honestly say that this is better than nothing.
Having a small talk and breakfast together with Xavier is a perfect start for a day.
---
TANGHALI nang matapos namin ang pagsasaayos ng mga dadalhin. Binuhat ni Xavier ang mga bag at nilagay sa likod ng kanyang kotse saka ako pinauna sa driver's seat. His phone kept on ringing but he didn't give any s**t of taking the call.
"Urgent call yata yan Xav' ba't hindi mo sagutin?"
Hindi nito pinansin ang sinabi ko imbis ay kinabit ang seatbelt niya at lumingon sakin saka tumunghay ng bahagya ngunit sa ginawa nang binata'y napasinghap ako ng bahagya dahil gapulgada na lamang ang aming distansiya sa isa't isa.
I smelled his musk scent cologne that really made my system gone wild.
"You're more important than that." bulong nito na mas nakapagpanginig ng buong kalamnan ko.
Kukunin lamang pala nito ang seatbelt ko upang ikabit.
"Don't forget to wear your seatbelt baby, it's the basic rule when travelling." anito pagkatapos bumalik sa ayos.
Kinuha ng binata ang phone saka ini-off dahil hindi na tumigil kaka-ring.
Who's the caller by the way? Well, Destiny it's not your fudging business.
Napaiktad ako ng abutin ni Xavier ang clutch dahil bahagya niyang nasagi ang hita ko na sadyang nagdala ng kakaibang kuryente sa simpleng pagdikit lamang ng likod nang kamay nito.
"Oops, sorry baby." ngumisi lamang ang binata.
He wore his shades and started the engine.
BATANGAS
Sa buong biyahe'y di ko namalayang nakatulog ako, naalimpungatan lamang ng maramdamang nakahinto ang kotse.
Pagdilat ko'y tumambad sakin ang mukha ni Xavier na nakatunghay kaya siguro bahagyang nagulat ang binata di niya aakalaing magigising ako. He easily brought back his composure and tried to act normal as if I didn't notice that he was a bit disconcerted earlier.
Pinipilit itago ang ngiti dahil sa isiping pinagmamasdan niyang matulog ngunit biglang nahinto nang maisip na nakakahiya pala dahil ni hindi ko alam kung anong itsura ko habang tulog.
"Ahm, kanina pa kita gustong gisingin kaso ang h-himbing ng tulog mo."
He seemed figuratively defensive because I caught him watching me sleeping.
"Sorry, I didn't mean to wait you up until I awake. Kaya siguro tinititigan mo lang ako." I teasingly said unto him
He became disheveled and raked his hair using his fingers then quietly unbuckled the seatbelt maybe he just might want to pretend that it wasn't a big deal.
He came outside the car and went through the shore; I followed him and seen a private yacht lurking over the port. May lumapit na isang babaeng naka-uniform, she looks so charming and has a welcoming expression.
"Good morning Sir, Ma'am. Mr. Alcantara asked me to assist you. He and the other guests were waiting at the island."
Bahagya lamang tumango si Xavier at naunang sumampa sa yacht. Samantala, nginitian ko ang babae saka sumunod rito. Kasalukuyang umaandar ang yate, maya-maya'y napansin kong tahimik ang binata habang nakatingin sa malayo matapos nitong magpaalam na pupunta sa palikuran.
He was standing near the deck and just watching how the ocean made some silver reflection that comes from the source of light.
Nilapitan ko siya at tumayo sa gilid ng binata. Pinanood ko rin ang lawak ng dagat, ang mga iilang isdang nakikipaglaro sa saliw ng alon.
"They're beautiful." anas ko upang basagin ang katahimikan.
"So as you." anito sa seryosong tono.
Lumingon ako sa binata at nakita ko ang kanyang blangkong ekspresiyon.
He even put his both hands on his pocket and sighed deeply.
"Destiny, what happened that...day?" anito habang nakatingin sa malayo.
Nahinto ako sa kanyang tanong hindi dahil ayaw kong sagutin kundi dahil hindi ko alam kung paano sasagutin. Hindi ako handang magkwento sa ngayon. I knew for a fact that he deserves to know the truth why I left him in the middle of chaos but I just don't think the idea of telling him those crap in this kind of place or rather situation.
I don't want to ruin his day and spoil out his momentum with his best of friends.
"X-xav h-hindi ito ang tamang panahon para---"
"Damn! kailan ang tamang panahon huh?" anito sa galit na tono.
"Sorry Xav maniwala ka man o hindi, naipit lamang ako ng sitwasyon dahil-dahil.."
"Kinailangan mo nang malaking pera ganun ba? Kaya pinaniwala mo kong anak ko yung dinadala mo?" he looked so frustrated.
"H-hindi sa ganon'" hindi ko maisatinig ang gustong sabihin sa binata kaya nanatili na lamang akong parang estatwa sa gilid nito habang nakayuko.
"Don't you ever act like a pathetic woman Des, dahil hindi ikaw ang biktima rito. I'm just being nice with you not because I already forgotten what you did. I'm doing it because I want how slut yet innocent you were in bed." umiigting ang panga ni Xavier at halatag pinipigilang kumawala ang galit
Tinalikuran ako nang binata ngunit huminto saglit ng walang lingong likod.
"By the way, just tell me how much will I pay your services."
Tuluyan itong umalis habang ako hindi makagalaw sa kinatatayuan at pinapanood lamang ang binata papalayo.
---
Dumaong ang yate sa gilid ng dalampasigan, tanaw na tanaw ang makulay na palamuti at bagong pinturang arko na may nakasulat na "Alcantara del Hombre" sa pinakagitna ng patio na kung saan unang makikita papasok sa loob ng magarang resort. Akmang bubuhatin ko ang mga gamit ng biglang may kumuhang mga lalaking nakaputing uniform. Ito na ang nagdala ng mga iyon habang sumusunod lamang ako sa likod ng binata. Matapos kasi ang tagpo kanina'y tila ba nabalik kami sa dati, hindi ko alam kung anong nangyari bakit bigla ang pagbabago ng kanyang mood.
Pagdating namin sa loob ay medyo nahiya ako sa mga taong naroroon dahil mahahalatang kasiyahan iyon ng mga taong kilala sa lipunan.
Lipunan na dating kabilang siya... Habang pinagmamasdan ang mga taong naroroon ay sumagi sa isip ang unang beses na napahiya ng dahil sa binata. Parang hindi siya makahinga sa twing' maiisip ang tagpong iyon sa pool, sa harap ng maraming tao.
Duon nagsimula ang lahat ng kalbaryo niya, lahat ng di magagandang naranasan sa loob ng maraming taon.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng lumapit si Richmond kasunod ng ilang kaibigan ng binata.
"Bud, natagalan ata kayo?" saad ni Richmond.
"Heavy traffic sa dagat bro.'" he sarcastically said.
"f**k you Villaforte, buti hindi ko inutos na ilaglag ka na lang sa dagat at ipakain sa pating." anang kaibigan nito.
Nanatili akong nakatungo dahil parang lulubog sa kahihiyan. Yung feeling na akala mo niririkisa ka ng maraming tao?
"Hi Des, how's being with this pervert guy? Huh?" inakbayan pa nito si Xavier ngunit kahit jolly ang kaibigan nito'y nanatiling seryoso ang mukha ng binata. Pinaparating lamang ng lalaking nagsisisi siyang sinama niya ko.
"It's fine K-kuya Rich." kumunot-noo ang binata.
"You know what, I knew someone who's very familiar to me who always addressed me with that." anas ni Richmond.
Malalaman kaya ni Kuya Richmond na ako yung nerdy na kaibigan ng kapatid niya noong highschool? Si Xavier lamang ang nakakaalam ng lahat dahil sa sulat na binigay ni Kurt.
"Well, that's impossible. I heard their family was suffered from bankruptcy that's why they need to hid from those furious investors. Did you hear that too bud?" dagdag ni Richmond
"No I haven't heard any of those" anito sa mas seryosong tono.
"Anyway, it was a long time ago." muling saad ng kaibigan ng binata saka umiba ng topic.
Mas nagkasiyahan ang mga ito nang sumunod ang ilang miyembro ng HOMIGEN. They invited us on their table, it was a long table covered with exuberant mantle. The setting was blatantly bellowing a mere elegance. Nakita ko ring kasalo sa mahabang mesa ang pamilyar na mukha, kung hindi ako nagkakamali, siya yung babaeng nagalit dahil nakita niyang kasayaw ko si Lyndon.
I look at her with an apologetic expression and I was really amused when she shyly smiled at me. Bahagya akong tumango upang ipaalam sa kanyang wala akong intensiyong masama.
Meanwhile, the dinner was served and the HOMIGEN were talking about some things which I don't really know how to butt in.
"Bud mukhang seryoso ka yata huh?" susog ni Lyndon.
"Oo nga Bud, kanina ka pa parang natataeng aso." sabad ni Michael.
"Where's the manner gentleman." ani Leah, bahagya nitong hinampas ang asawa na sadyang ikinangiti ko.
They're really cute couple to watch.
"Destiny anong problema niyang kasama mo? Outside de kulambo ba kagabi?" saad ni Derreck.
"Ahm, p-pagod lamang siguro."
"Pagod o pinagod?" seryosong pahayag ni Alex na tila nagpausok ata sa pisngi ko.
"OMG! She's blushing." natutuwang saad ni Jana.
Kinurot lamang ni Troy sa pisngi ang childish nitong asawa, nagtawanan ang lahat maliban kay Xavier na walang kibo habang kumakain ng caviar.
Natapos ang hapuna'y walang imik ang lalaki, maging ang mga kaibigan nito'y nirerespeto ang pananahimik ni Xavier dahil hindi na muling biniro ng mga ito ang binata matapos ang salu-salo.
Maya-maya'y kanya-kanyang circle ang nangyari habang ako nanatili sa gilid, hindi ako inaya ni Xavier na maki-mingle sa mga kausap niya kaya't nagkasya na lamang sa panonood sa mga ito. Inaya din ako ng HOMIGEN GALS maging ni Samantha, she was the woman at the bar last time but I sadly refused their invitation. I chose to be alone not because I want to isolate myself from them but the thinking that I really don't belong here. Destiny Dela Fuente the only daughter of a business magnate was already gone; it is just me Destiny without any title of being heiress.
Sa pagkakataong iyon ay biglang may tumabing kung sinong lalaki. He's kinda handsome but not as handsome as Xavier.
Aw c'mon Destiny why you always have to compare every men you've met, saw or whatever to that arrogant man? Don't you have some self-respect huh?
"Uhm, Why there's such a lovely lady here isolating herself from the crowd?"
"Maybe the crowd wasn't my thing right now or even any companion " pasupla kong sagot.
"Aww that hurts. Magpapakilala palang sana ako. By the way I'm Bart Samaniego and you are?
"Not interesting to know." muli kong sagot.
"Woah, hold your horses lady, what's with being a snobber" he said with an amusing tone.
Imbis umalis ang lalaki sa pinapakita kong pagsusuplada'y umupo pa ito sa tabi ko saka umorder ng isang scotch at mojito sa bartender.
"Hey Ms. Stranger don't spoil the night, you're too young for being a spinster." biro nito.
Bahagya akong natawa sa tinuran ng binata kaya't hindi nakatakas rito ang reaksiyon ko habang patuloy naman nitong sinisimsim ang scotch.
Maya-maya'y sumasagot narin ako sa napakadaming tanong ng binata at ni hindi namalayang nag-eenjoy na sa company ng lalaki ngunit naputol ito ng biglang may lumapit na hindi inaasahan.
"Well, well, well seems that my friend are enjoying the night huh?" anang babaeng pamilyar ang mukha.
Lumapit ito at nakipagbeso habang tumugon naman ang lalaki.
"Hey Tanya, I didn't expect to see you here? Oh well I am, with this beautiful lady beside me." Bart proudly said.
"Well, no doubt. Ms. Dela Fuente will surely make you happy tonight. Right Ms. Dela Fuente?" anito na sadyang may ibang ibig sabihin sa mga tinutukoy niya.
"Excuse me, Do I know you miss?" tanong ko rito.
Lumapit ang babae at hinawi ng mas maarte ang kanyang wavy hair bago muling ngumiti na parang may ibig sabihin.
"Oh! Ang bilis mo namang makalimot. I've already introduced my name last time it was in Xavier's private office?" she arched her one eye brow and tasted a bit of her wine.
"Ah yes, I remember! Pasensya ka na ha? Di kasi ako matandain lalo na kung di naman remarkable event." I replied and took a little sip on my mojito.
She smiled fakely then out of nowhere someone snaked around an arm with the tactless woman.
Tumaas ang tingin ko sa nagmamay-ari ng brasong nakalingkis sa bewang ng babae at ganun na lamang ang mumunting kirot sa puso nang makitang si Xavier ito.
"Hey, I've been looking for you." anas ni Xavier sa babaeng haliparot at tila hindi niya napapansing naroon ako.
"Just mingling dear and look what I've found." mas lumapit ang mukha ng babae sa tenga ng binata.
Bumaling ang tingin ni Xavier particularly sakin, kagyat kong nasilayan ang dumaang galit sa mga mata niya ngunit napalitan ito ng blangkong ekspresyon.
"My friend here is basically hitting your friend on. They look so good together what do you think dear?" susog ni Tanya.
"Aw c'mon Tan! There's nothing wrong for having some good conversation with this lovely lady." sabad ni Bart kasabay nito'y inakbayan ako ng binata na mas naging dahilan ng pag-igting ng panga ni Xavier.
Nagpaalam si Bart sa dalawa ngunit nagulat ako nang hilahin din ng binata at niyayayang sumama sa kanya sa kung saan. Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko na lamang ang madiin na hawak ng kung sino sa isang braso. It was no other than but Xavier himself.
"Pare hindi sasama sayo si Destiny." may diin ang bawat salita ng binata.
I even saw his jaw clenched while he tightened the grip on my arm.
"Hey, mind your own gal. She's already into me dude." maangas na saad ni Bart.
Hinila ako ni Bart ngunit hindi nagpatinag ang binata imbis ay mas hinigpitan niya ang hawak sa isang braso ko. Nagtagisan sila ng tingin at pagkatapos ay binalya ng lalaki sa dibdib si Xavier kaya't mas naging malala ang kumosyon at sadyang nakakuha sa atensiyon ng ilang mga bisita.
They were on the edge of brawling when I thwarted them both.
"Tama na!Wag kayong mag-eskandalo rito. Ahm... sorry Bart, I'm not going anywhere."saad ko sa bagong kakilala.
"But...oh hell fine! And you di pa tayo tapos!" dumaan ito sa gilid ni Xavier saka binangga ang binata, siya namang lapit ng malanding babae para sana tignan kung nasaktan ang mokong.
Dumistansiya na lamang ako sa nakitang pag-aasiste ng haliparot sa binata ngunit hindi ko inaasahan na sa pagtalikod ay may hahablot na kung sino at hahaltakin ako palayo sa karamihan.
We kept on walking along the shore while he was holding my arm too tight.
"A-ano ba Xavier bitawan mo ko nasasaktan ako!"
Pumapalag na ako dahil sa uri ng pagkakahawak niya sa braso ko ngunit tila bingi ang binata at patuloy siyang naglalakad patungo sa madilim na bahagi ng resort.
"Xavier l-let me go!" sigaw ko sa binata at tila duon pa lamang natauhan ang lalaki saka pabalibag na binitiwan ang kamay ko.
"M-masakit.." sapo ko ang brasong magkakapasa ata dahil sa ginawa ng binata.
Sa madilim na bahaging iyon nakatayo lamang si Xavier at tinatamaan ng papalubog na sinag ng araw ang kanyang madilim na mukha.
I'm not aware why he was angry but one thing is for sure and the real issue was on me.
"What the f**k are you thinking? Do you totally know that guy huh?" maangas na saad ng binata habang tagusan ang titig.
"Look, I'm just being friendly and, and he came to me so-"
"So, you think he likes you that much that's why he was hitting on you?" patuyang anas ni Xavier.
" Hindi yun ang nasa isip ko, at wag' mo kong itulad sa mga babaeng nakakasalamuha mo na yun ang habol sa mga lalaking kakakilala lamang nila."
Ngumisi lamang ito at tila mas nakitaan ng galit sa mga mata.
"Really? Oo nga pala mas masahol ka pa sa ganung klaseng babae dahil bukod sa pakikipaglandian huhuthutan mo rin ng pera tulad ng ginawa mo sakin five years ago."
Tila parang gripo ang mga luha ko sa pagtulo at animo tinulos sa kinatatayuan dahil sa lason ng mga salitang nanggagaling mismo sa binatang tinatangi noon pa man.
Marahas kong pinunasan ang mga luhang naglalandas sa pisngi kapagkadaka'y kinalma ang sarili ago mahinahong nagsalita.
"T-tapos ka na mang-insulto? Oo sige! yun ang paniwalaan mo tungkol sakin na madumi akong babae, na ginawa ko yun dahil sa pera... pero hanggang dun lang ang nalalaman mo kaya wag na wag mong sasabihing ginawa ko yun dahil ginusto ko."
halos sumakit ang lalamunan ko sa kakapigil humulagpos ang mas maraming luha.
"Now I know, Is he your new victim?"
I slapped him hard then I've seen a huge frustration towards Xavier's expression surely because he was blinded by his anger.
"Wala akong alam sa sinasabi mo ."sigaw ko at akmang tatalikod ngunit marahas nitong hinila palapit dahilan upang masubsob sa dibdib ng binata.
"Don't you ever flirt with other men. Lalo na yung hayop na yun kung ayaw mong makita kung paano ako magalit."
Pinipilit kong kumawala sa mahigpit na hawak ni Xavier ngunit mas naging mapusok ang binata nang isandal niya sa puno ng niyog kasabay nito'y itinaas niya ang aking hita upang idantay sa bewang niya.
"X-xavier ano bang ginagawa mo?" nanlalambot ang tuhod ko sa sensasyong pinararanas ng binata sa mga oras na iyon.
"Keep it on your head... that whatever is mine..." he cupped my face and kisses me torridly as if we were trying to quench the thirst of lust in our senses.
"Is only mine..." mas idiniin ni Xavier ang kanyang labi saka pinilit ipasok ang dila nito na siyang tuluyang naglaro sa loob ng aking bibig.
I couldn't describe how it feels to be in the arms of Xavier and I admit that he was the only man who could literally shut down all my defenses.
Matapos ang mapusok na tagpo'y mabilis na lumayo ang binata na tila napapaso, ilang sandali'y kagyat tumalikod ng walang pasabi at tuluyang nawala sa paningin ko.
What did he mean by that?
Is he jealous? Oh Des! nag-iimbento ka na naman.