Charissa's Point of View Tahimik lang na nagmamaneho si Adrian papuntang unibersidad. Ang dilim pa rin ng mukha niya hanggang ngayon ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin. Unang araw ko kaya kinakabahan ako. Dapat ay sa kotse ni Dom kami sasakay. Iyon ang nakagawian nila. Hatid-sundo ni Dominique si Adrian. Masyadong pa-senyorito si Adrian at ayaw magmaneho. But this time, hindi nangyari iyon. Nagdala si Adrian ng kotse kaya ngayon ay nakasunod na lamang si Dom sa amin. Dom is weird para hayaan si Adrian na gawing siyang personal driver but Adrian is much weirder. Hindi naman maipagkakaila iyon. Sumandal ako sa gilid ng bintana at pinagmasdan ang kotse ni Dom sa side mirror. "Where are you looking at?" kunot-noong tanong niya. Tumingin lang ako sa kaniya ngunit hindi ako nagsal

