Charissa's Point of View Wala sa sarili akong nakatingin sa kawalan. Nasa isang coffee shop kami ngayon pagkatapos ng mga nangyari kanina. Kung hindi lang pinigilan ni Erika si Roro sa pagsakal niya kay Kate ay hindi na sana matatapos ang gulo. Hinawakan ni Erika ang kamay ko at walang sabi-sabing hinila hanggang makalabas na kami ng campus. Tahimik naman na sumunod sa amin si Roro. Dito kami nagpunta sa isang coffee shop na malapit sa campus. Matapos kong linisin ang sarili ko ay binigyan ako ni Erika ng damit na ipapalit ko. Uniform ng staff nila sa coffee shop ang ibinigay sa akin na pamalit. Tinanggap ko na naman iyon. Mas mabuti nang meron kaysa sa wala. "Oh." Napatingin ako kay Roro ng i-offer niya sa akin ang isang coffee float. "S-Salamat." Pilit akong ngumiti sa kanya at t

