Charissa's Point of View Habang papunta ako sa first sub ko, natigilan ako sa paglalakad ng biglaang lumabas ang mga students sa isang silid. Kita sa mukha nilang hindi sila masaya. "Malapit na ang contest pero hindi pa rin natin magawang i-perfect." "Bakit ba kasi ngayon pa nag-quit si Bright?" "Who knows?" May guitar na dala ang dalawa sa kanila at ang isa ay hawak ang dalawang drum stick. Mukhang banda sila. Taka akong pinanood sila hanggang mawala sa paningin ko. Napatingin naman ako sa silid na pinanggalingan nila nang makaalis na sila. Hindi kasi nila ito isinara. Napalunok ako ng makita ang loob. I guess this is the music room. Puno siya ng mga instrumento. Medyo malawak ang silid dahil kinumpleto na ata ang mga intrument dito. Sa hindi malamang dahilan ay pumasok ako sa s

