Charissa's Point of View Pagdating namin sa table namin ay napaawang na lang ang labi ko nang makitang ang daming tao nang tao sa table namin. Nag-iinuman kasama sina Kris, Song at Dom. Mukha pa silang nag-aasaran. "Charissa, nandito na kayo. Come here!" saad ni Kris nang makuha namin ni Pat ang attention niya. Napatingin naman sa amin ang iba pa. Mukhang mga kaibigan sila nina Dom. Pamilyar sa akin ang iba. Hinila ako ni Kris sa tabi niya. May kasama din silang mga babae kaya't medyo nawala ang kaba ko. Umupo naman si Pat sa tabi ko. Pilit akong ngumiti sa kanila nang magsipag-batian sila isa-isa sa amin. "Hi!" "Ayon! Buti may kasama pa kayong chix!" "Pakilala mo naman kami sa kanya." "Hey, hey. Stay your ass away from her," natatawang sabi ni Song na animo'y ginagaya ang boses

