Chapter 8

2904 Words
“Nope, I’m Aliyah’s best friend. Chineck ko lang kung nakarating na ba siya rito,” matamang saad ng babae. Sa itsura ng uniform nito ay malamang na kaparehong strand ko lamang siya dahil sa patch na nakadikit sa necktie niya. Ipinagkibit-balikat ko naman agad ang ideyang iyon. “Oh I see. Akala ko ikaw na,” malambing na tono ni Ivy sa kausap. Hindi ko na alam ang mga susunod na napag-usapan nila. Ang alam ko na lang ay nakaupo na sa sala ‘yong babae kanina. Dumiretso ako sa kusina at saka pinagpatuloy ang naiwang gawain kanina. It won’t take long and I’ll be done cleaning the area. Maya-maya pa, narinig ko si Ivy na nagsalita sa likod ko. Aniya, “Nauna pa yung best friend sa mismong tutuloy. Ang tight naman ng friendship nila.” May mahinang tawa sa dulo ng pangungusap niya na naging dahilan naman ng pangingilid ng ngiti ko. I didn’t give her a look because I didn’t feel the need to. Sa halip, binalingan ko ito ng tugon. “Baka kabado siya para sa kaibigan niya,” siil ko sabay ang mahinang tawa. Noon ko na nilingon ang kasama at napansin ko naman ang paglalabas niya ng makakain mula sa fridge. Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita habang patuloy ang pagsiyasat sa mga pagkain. “Kabado? I don’t know pero nakakakuha ako ng hint na baka mahiyain yung bagong board mate natin. Ano sa tingin mo?” wika niya. Agad akong sumagot, “Hindi ko alam pero kung ganon nga, humanda siya kasi magiging wild siya rito lalo na kung may Cleo pa sa loob. Hindi ba?” Sabay kaming nagtawanan sa ideyang iyon. Knowing Cleo, kahit gaano pa katahimik ang tao, kayang-kaya niya itong mapadaldal. Masiyadong maimpluwensiya ang babaeng iyon. Although hindi naman na dapat ipagtaka dahil nga Hummanities Student siya. Mas napapaisip tuloy ako kung papano ang mangyayari kung sakaling mahiyain nga ‘yong bagong makakasama namin. Naputol lamang ang pagde-daydream ko ng marinig ang pagkaluskos ng mga plastic na dala-dala ni Ivy palabas ng kusina. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makarating sa mesa sa sala. Nilapag niya agad yung chips pati na rin yung bag ng tinapay. Nasagi naman ng paningin ko ang naiwang pitsel at baso sa tabing mesa ko kaya naman nagpresinta na rin akong iabot ito sa direksyon nila. Ilalapag ko na sana ang mga hawak ko ng matigilan ako sa intrigang tanong ng bisita namin. “W-wait, nagkita na ba tayo?” aniya sa akin. Umiling naman ako ng marahan dahil sa kawalan ng malay sa sinsasabi niya. I get this question a lot ngunit madalang kung makatanda ako ng mga mukha. “Nag ba-bar ka ba?” muling tanong niya at tinanguan ko naman iyon. Muli siyang nagsalita, “Wait ikaw ba yung sa kabilang STEM? Yung magaling na dancer? C-Christienne? Am I right?” “A-uhmm... Yes, I’m Christienne, magaling? I don’t think so,” tugon ko at mahiya-hiya pang tumawa. Maya-maya pa’y napa-snap siya sa kamay at saka malapad na ngumiti. “Pwede pa-picture? Okay lang sayo?” excited na paalam niya. “A-ahh, b-bakit?” ilang kong tugon at ilang sandali lang ay nakahawak na siya sa braso ko habang itinataas ang kamay at cellphone. It’s just a matter of time until she took a photo of us. Hindi man lang ako nakangiti roon sa picture. Magrereklamo pa sana ako kaso muli na naman siyang nagsalita. “Sorry, ang kulit ko ba? Pasensya na. Marami kasing nagkaka-crush sayo sa mga kaklase ko. Gusto ko lang ipang-asar sa kanila na nakapag pa-picture ako sayo,” aniya sabay halinhin ng ipit na tawa. I don’t know but I’m starting to feel irritated towards her. I usually don’t feel uncomfortable towards other people, but with this girl? Ewan ko lang talaga. For the record, she broke my personal space and took it with her as if it’s a normal move. Iisipin ko na lang na masiyado nga talaga siyang makulit tulad na rin ng sinabi niya. “Mabuti na lang kahit hindi prepared, photogenic si Chen sa kahit anong anggulo,” wika ni Ivy na pansamantala kong nakalimutan ang presensiya. “I agree with that! I kinda’ envy your facial features though. I’m starting to hate you na!” banat ng babae at saka tumawa sa hindi ko maipaliwanag na intensyon. Ilang sandali pa ay sinundan niya iyon. Aniya, “Just kidding, baka akalain niyo bitchy ako.” Aren’t you? Oh god, how I wanted to say that. Bago pa ako maubusan ng kabaitan ay kalmado akong nagpaalam paalis ng sala. At least, proud pa rin ako sa sarili ko dahil babae ako na may natural na talento sa pakikipag plastikan. They won’t notice unless katulad ko siyang malakas ang pang-amoy sa plastikang sitwasyon. Lumipas ang mga oras at sa wakas, umalis na ‘yong babae kanina. At the same time, nasa baba na rin si Ate para kunin ‘yong mga gamit na ipapauwi ko. Hindi nako nag-abalang mag ayos ng sarili dahil maya-maya’y maghahanda na rin ako para sa pagpasok ng hapon. As soon as I received a text, I went straight outside our room. Bago makababa ay madadaanan muna ang mahabang pathway na magli-lead pababa sa access ng hagdan nitong second floor. The walls are perfectly accentuated with the combination of orange and white colors. Naka tiles din ang sahig kahit sa labas ng main envelope ng structure which is dismaying for me. I don’t know but I just don’t find it right when everything around me is made of stones, synthetic tiles, concrete or anything hard and boring. Somehow, I find it amusing kapag talaga green spaces ang nilalatag na view sa mata ko. Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan ay nakasalubong ko na si Ate. Sa magkabilang kamay niya ay may bitbit siyang paper bag ng kilalang fast food chain. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagsalubong niya ng yakap sa akin. I tried to reciprocate the action. Matapos noon ay tinulungan ko siya sa dala-dalang bags at saka namin tinungo ang kwarto namin. “Uyy Ate Franchette! Hello po, long time no see,” bati ni Ivy. Hindi ko lang sure kung mataas na energy na ba yun for her pero para sa akin great effort na since kilala ko naman siya bilang mahinhin talaga. “Hi, long time no see. Mabuti inabutan kita ngayon? Hindi ka ata umuwi?” tugon ni Ate na napalakas pa ang tawa sa dulo. Naiintindihan ko naman kung bakit natawa si Ate roon. Sa sobrang dalang kasi ni Ivy sa boarding, pakiramdam ko ay nagbabayad lang talaga siya ng boarding at hindi nasusulit ang stay sa loob. Cleo and I knows kung paano mabilis na ma-homesick si Ivy kaya panay ang uwi. Mas madalas pa siya sa bahay nila kaysa rito sa amin. “Baka bukas po ako uuwi ulit sa amin. May naiwan po kasi akong laundry dito,” ani muli ni Ivy. “Oh? Bakit hindi mo na lang dito labhan?” “Sa bahay na lang po Ate,” malambing na tono ng ka-boardmate ko. “Kumain na kayo Chen? May dala ako halina kayo para sabay-sabay na tayo.” Noon din ay dumiretso kami sa kusina at saka inilabas ‘yong pinamili ni Ate. Nasundan pa ng maraming kwentuhan ang pagsasalu-salo namin. Nakuha pang hanapin ni Ate si Cleo ngunit pinagbigay alam namin sa kanya na noong umaga pa lang ay nakapasok na ito. It took more than two hours bago kami nakalabas ng boarding. Nauna na rin si Ate na lulan ng sasakyan niya. Papasok na rin siya sa trabaho habang kami naman ni Ivy ay sa mga kanya-kanyang klase namin. As soon as we entered the Senior High Building, Ivy and I bid our goodbyes. Magkaiba kasi ng direksiyon ang mga kwarto namin. Pagkarating ko sa room, naroon na ang karamihan sa mga kaklase namin. Kabilang na roon ang dalawa kong kaibigan na si Jeneselle at Britney. Hindi pa man ako nakakaupo ay binati na ako ng dalawa. Sinagot ko naman sila ng tipid na ngiti. “Ang cold naman ng ngiti na yan?” pangunguna ni Britney. “Wala eh, mukha niyo agad nakita ko,” seryosong saad ko. Nakatanggap naman ako ng mahinang hampas sa dalawa. “Pangit talaga ng ugali mo. Tinitiis ka na lang namin eh,” ani Britney na umismid pa. Nawala naman sa isip ko ang pag-upo dahil napangunahan na ng daldal nitong dalawa. Tinungo ko agad yung upuan sa gitna nila at saka agresibong binaba ang gamit ko. “Hinahanap ka pala ni Keith, pinapasabi kita raw kayo sa auditorium mamaya,” pag iimporma ni Jeneselle. Doon na natapos ang pagkukwentuhan namin dahil sa pagdating Si Sir Kelvin. Kilala siya bilang strikto at magaling na teacher sa Senior High Department. Hindi ko masasabing terror pero papunta na siya sa classification na iyon. Mabilis kaming nag-ayos ng upo at sabay ko na ring kinuha ‘yong notebook ko sa loob ng bag. Intro to the World Religions ang subject kaya kinakailangan ko mag-jot down dahil maraming mga terminologies sa subject na kailangang tandaan. Kung magpatest pa naman itong teacher namin akala mo wala ng bukas sa hirap. Tulad ng inaasahan, marami akong naisulat sa naging discussion ni Sir. May mga pagkakataon din na humihingi siya ng saloobin namin tungkol sa pinag aaralan at willing namin kaming nakipag cooperate sa discussion. I find the subject interesting. Dahil dito ay mas nagiging open kami sa differences ng bawat religion, liban lang sa ibang turo ng guro namin dahil paminsan-minsan ay sobra niyang binibida at kinukumpara ang relihiyon niya, to the point that it sounds offensive to others. Idagdag mo pa na halos makumpleto ng section namin ang lahat ng mga relihiyong nabanggit ni Sir. However, I think we managed to appreciate the objectives of the subject. I’m glad that everyone has open mindset about the lecture and I’m pretty sure we learned so much in this session. Matapos ang klase ni Sir Kelvin ay agad naman pumasok ang susunod naming teacher. Salungat ng buhay na buhay na klase ng naunang guro ang teacher namin ngayon. Minsan, pinipili ko na lang tulugan siya dahil totoo namang nakakaantok ang boses niya. Good thing, hindi ganoon katagal ang oras niya kaya’t hindi rin ganon katagal ang pagkainip namin. Mabilis na natapos ang panghapon’g klase ko kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon ay dumiretso ako sa auditorium. Habang tinutungo ang lugar, nagawa kong pagsabayin ang pagatitipa ng mensahe at pag ilag sa iba pang mga estudyante’ng bumababa ng hagdan. Nang mahanap ko ang pangalan ni Keith ay agad ko siyang pinaraanan ng mensahe upang sabihin na papunta na ako at hihintayin ko na lamang siya kung hindi pa tapos ang kanyang klase. Sa labas ng gym, inabutan ko pa yung iba naming kagrupo. Wala akong ideya kung nasabihan din ba sila o talagang tambayan na nila itong lugar na to. Maya-maya pa, may kumalabit sa akin at sakto naman na si Keith na iyon nang lingunin ko. “Sup? Meron na?” “Uhm.. yep, ano practice na?” tugon ko. “Tara! Para makarami tayo,” huling wika ng kasama ko bago tuluyang pumasok sa pasilidad. Sa sandaling marating namin ang stage, kinuha ko agad ‘yong pamalit sa bag ko at saka dumiretso sa banyo para magbihis. Nang makabalik ako’y damang-dama ko agad ang dagundong ng musika sa paligid. Naayos na pala ni Keith ang lahat at ako na lamang ang hinihintay. Paminsan-minsan, naiinggit ako sa mga lalaki dahil hindi hassle sa kanila ang mga damit nila. Parang dinisenyo lahat ng bagay na maging madali para sa kanila. Just imagine the minimal efforts in preparing lalo na sa mga damit? How I wish things aren’t as complicated as it is to girls compared to guys. Natigil naman ako sa what if’s ko nang marinig ko ang tawag ni Keith. May iilang miyembro sa direksiyon niya ang ganadong sumasayaw sa saliw ng musika. Noon din ay agad akong lumapit at nagsimula na rin kami sa pagpa-practice. “Pano nga kasi ulit iyon? Ulitin mo nga panoorin ko muna,” naguguluhang wika ni Keith. “What if dagdag natin yung Bust Down bago yung naunang step?” suwestiyon naman noong isang lalaki na hindi ko maalala ang pangalan. “Nice idea! Alright guys, mula umpisa tayo. One! Two! Three!” otoritadong tono ng leader namin. Dalawang oras din ang inabot namin bago natapos sa pag eensayo. Tinungo ko agad ‘yong banyo para magpalit ng damit dahil ayaw ko naman na maglakad pa-boarding na basang-basa ng pawis. Nang mayari, nagpaalam na ako sa mga kasama at saka nagsimulang tahakin ang daan pabalik sa apartment. Sa kalagitnaan ng hakbang ay muli ko namang naalala ang bagong makakasama namin sa boarding. Ala-sais na ng gabi at iilang estudyante na lang sa building ang makikita. Iyon yung mga nasa ABM. Napaisip tuloy ako kung ganon din kaya ang sched ni Ivy ngayon lalo na’t kabilang siya sa Strand na iyon. Hindi ko naman na napansin ang haba ng nalakad ko. Naabutan ko na lang ang sarili ko na nasa tapat ng ng gate ng apartelle ni Tita Tess. Paghakbang ko pa lang sa unang baitang ng hagdan ay madiin kong pinindot ang doorbell. Kung meron man akong hinahangaan sa Apartelle ni Tita ay itong automatic door niya. Meron kasi’ng button sa loob ng bahay niya na kapag pinindot ay kusang magbubukas ang gate kahit ikaw lang ang tao sa labas. It looks cool not until abutan ka ng Curfew sa labas dahil i-snob-bin ka talaga ni Tita kahit abutin ka ng madaling araw kakahintay. Inabot din ng ilang minuto bago tumunog ‘yong lock ng gate. Marahil may ginagawa si Tita sa loob kaya natagalan bago ako nasagot. Nang makapasok ay isinara ko rin ulit ang gate sa likod ko bago umakyat papunta sa apartment namin. “Chennn! Nakita ko may Jabee sa trash bin. Nag Jabee kayo?!” histerikal na bati ni Cleo. “Kumain oo, pero hindi namin binili ‘yon. Dala ni Ate Franchette kaninang tanghali. Hinahanap ka nga niya eh,” saad ko. Hindi naman naalis ang pag nguso nito na siya namang ikinatuwa ko. Akala mo bata siya’ng hindi tinirhan ng pagkain, which is totoo naman. Pero yung itsura niya mukha talagang nakakaawa kaya nakakatawa. “Wala sa Ref? Di niyo ko tinirhan? Ihh! Sayang naman di ko nakita si Ate Chette,” aniya na naka-emphasize talaga ‘yong palayaw na ibinigay niya sa kapatid ko. Umiling lang ako bilang tugon at sinuklian niya iyon ng mahabang ungol. Sumaglit naman ako sa kwarto ko at saka ibinaba ang gamit ko. Noon na lang din sumagi ulit sa isip ko yung bagong boarder. Wala pa ba siya? Iginala ko ang tingin ko sa kwarto at napansin ko naman na mayroong iilan gamit na nadagdag sa lugar. Kabilang na doon ang bagong study table na nasa kabilang direksyon ng mesa ko. Nandito na siya. “Na-meet mo na yung bagong boarder?” wika ko nang maramdaman ang presensya ni Cleo sa gilid ng pintuan. “Yep! Ang pretty niya, gusto ko siyang jowain kung lalaki ako,” tugon niya na walang bahid ng pagbibiro sa tono nito. Napataas na lang ako ng kilay sa sinabi niya ngunit napaisip naman ako sa choice of words niya. Knowing Cleo, sinasabi niya talaga agad kung ano ang impression niya sa tao at pihikan din siya sa pagpili ng kung alin at sino ang gwapo’t maganda sa paningin niya. Kaya kung ganoon ang impression niya, sa tingin ko ay ganon na lang talaga siguro kaganda ‘yong sinasabi niya. “Kaso... nakalimutan ko yung pangalan. No! Hindi ko narinig yung pangalan,” ani muli ng tinig ng Humanista’ng babae. “Ehh? Panong hindi narinig?” sambit ko habang nakataas ang kilay. “Bingi na yata ako o mahina lang talaga ang boses niya. Bumubulong kasi eh?” Natawa na lang ako sa sinabi niya bago sumagot muli. Wika ko, “Baka nahihiya lang? Baka natakot mo agad. Alam kita eh, nakakatameme kaya ang pagiging madaldal mo.” Inabot ko ‘yong towel na nakahanger sa gilid ng higaan ko. Balak kong maligo na dahil hindi na ako natutuwa sa lagkit ng pakiramdam ko. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng palikuran ay muli kong narinig si Cleo. Aniya, “Pero ano, may kasama siya. Ayun talaga Sis may mas idadaldal pa yun sa akin.” “Huh? Sino?” “Faye daw ang pangalan tapos na-meet niya na raw kayo kaninang umaga. True ba?” May kung ano naman sa tunog ng pangalan na iyon na hindi ko nagustuhan. Iilang detalye pa lamang ang binigay ni Cleo ay parang alam ko na kung sino ang tinutukoy niyang babae. Wala naman’g ibang bumisita bukod kay Ate hindi ba? Natagalan bago ako nakasagot. “Ah, oo. Yung bwisit,” saad ko bago pumasok sa palikuran at padabog na sinara ang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD