Chapter 18- Night Owls

1849 Words

Lanie's Pov: Pakiramdam ko ay nanlamig ang buo kong katawan sa narinig. Nanlalambot ang mga tuhod na napaupo ako sa kama. Muntik pa ngang sa sahig ako malugmok dahil sa nalaman. Isa-isang rumehistro sa isip ko ang ilang alaalang sangkot si Lyndon. Minsan ko na din silang nakasama sa Vienna kasama nina Primo at ng dalawa pa nilang kaibigan. Ni kahit minsan ay hindi ko man lang naisip na kaya umalis ng Prime Crime si Lyndon ay para sumapi sa Incubus. Buo ang paniniwala kong nagtungo s'ya sa Mixico para mag-espiya. Ni hindi ko naisip na naging isa s'ya sa kanila. Ginawa n'ya iyon para makakuha ng mga impormasyong magpapabagsak sa Incubus. Ginawa n'ya iyon para kay Primo. "Mi Amor, are you still there?" Ilang beses ko munang kinalma ang sarili ko bago sumagot. "Yes. Andito pa ako. Ano

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD