Chapter 55- Lost Chances

2221 Words

Lanie's Pov: Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang taong kahuli-hulihang taong inaasahan kong makikita ko sa lugar na ito. Sino ba namang mag-aakalang dito pa talaga kaming dalawa magkikita? "Anong ginagawa mo dito?" Isinaboses ko ang kanina ko pa gustong-gustong itanong. Hirap man ay pinilit n'ya akong tingnan. Halos mabali na din ang leeg n'ya sa ginawa n'yang paglingon sa akin. "Can you..." Napaingit pa s'ya. "Pwede bang umalis ka sa likuran ko? Gusto mo ba akong balian?" "Oh! I'm sorry!" Saka ko lang naalalang nakadagan pa ang mga tuhod ko sa likod n'ya at pinilipit ko ang braso n'ya. Nahahapo s'yang kumilos at naupo sa sahig. Bahagya pa s'yang inubo dahil sa alikabok na nalanghap n'ya. Namumula din ang braso n'yang halos pilipitin ko na kanina. Nang subukan n'yang tumayo ay nari

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD