Chapter 7- The Perfect Alibi

2962 Words
Lanie's Pov: Kakatapos ko lang magbihis nang may marinig akong kumakatok. Inayos ko ang buhok kong tuyo na ngayon dahil sa hair dryer. Tiningnan ko ang wall clock, alas singko na ng hapon. Umaga na ako nakatulog kaya halos kagigising ko din lang. Hindi ako pinatulog ng isiping maaaring haven na ng Incubus ang El Trinidad kaya puyat na puyat ako. Muli kong narinig ang pagkatok. Tinungo ko ang pinto at binuksan iyon. "Greyson?" Kahit ako ay nagulat sa lalaking nasa may pintuan ko. Pitong taon na ang nakalipas at ngayon ang unang pagkakataong nakita ko muli ang lalaki. Mas tumangkad s'ya at gumandang lalaki. Kulay blonde na din ang dati ay kulay itim n'yang buhok. He's wearing a casual clothes pero hindi pa din maitatanggi ang karismang taglay ng lalaki. Wala na din ang supladong aura n'yang naging trademark na n'ya noon. "Hi." His mouth was smiling. "Long time no see, akala ko ay nanti-trip lang si Kalvin nang tawagan n'ya ako kahapon at ibinalitang nakabalik ka na." Kiming ngumiti ako at inilahad ang silid."Gusto mong pumasok?" Itinaas n'ya ang dalawang kamay n'ya. "No, no, thank you. Ayoko ng gulo." I looked at him confusedly. "Hindi man halata pero binabakuran ka ng Kuya mo." He chuckled. "Sage is like a Great Wall of China. Alam mo na halos lahat ng nandito ay puro lalaki..." Nagkibit na lang ako ng balikat. "Ano nga palang sadya mo sa akin, Greyson?" Nakita ko pa ang pagguhit ng amusement sa mga mata n'ya. "Well?" "Nothing," sabi ni Greyson at tiningnan ako. "Mukhang late ka na din for today's meal. Gusto mo bang sumabay sa amin? Nasa may veranda kami." Tumango na lang ako. "Sure, susunod na lang ako." Mabilis na inayos ko ang sarili ko pagkaalis ni Greyson. Ayoko mang makisalong kumain sa kanila dahil nasisiguro kong kasama n'ya ang mga kaibigan n'ya ay wala naman akong choice. Kailangan kong makisalamuha sa kanila para makakuha ng impormasyon kung kailan ang talagang balik dito ni General Levi. "Si General Levi po ba, Miss Lanie? Hindi po s'ya matutuloy na makabalik ngayon dito. May emergency ang main branch ng Prime Crime sa lungsod kaya nagdesisyon s'yang manatili pa doon ng ilang araw para asikasuhin ang naging problema doon." Iyon ang balitang bumungad agad sa akin kanina pagkagising ko. Ayaw pa nga sanang magsalita ni Royce nang tanungin ko s'ya kanina. Mabuti na lang talaga at nasindak ko s'ya kahit paano. Nasisiguro ko nga lang din na ire-report n'ya iyon kay Kuya pero wala na akong pakialam. Alam naman ni Kuya na gusto ko talagang makausap si General Levi. Hindi ko nga lang alam kung haharangin n'ya ba iyon o pagbibigyan ako. Katulad ng sinabi ko kay Greyson ay agad na sumunod ako sa veranda. Nandoon na ang lalaki at si Kalvin. Maging sina File at Kurt ay kasalo din ng dalawa. "Lanie! Here you are!" Masayang sinalubong ako ni Kalvin agad nga lang s'yang natigil sa muntik na pagyakap sa akin. "Oh, my bad. I'm sorry." Tinanguan ko na lang s'ya at naupo sa hinilang upuan ni Greyson. "Oh, Marco, don't tell me tapos ka na?" Kahit ako ay napatingin sa may-ari ng malamyos na tinig. Saka ko lang napansin na nandito din si Yshmael at ang babaeng kasama n'ya kagabi. Hindi sumagot ang lalaki. Uminom lang s'ya ng tubig at tumayo na. "Pasensya na but I need to go." Ni hindi na s'ya nagpapigil pa at agad na naglakad paalis. "Marco!" The woman called her. Agad ding sumunod sa kanya ang babae. Hindi ko na lang pinansin ang maagang drama ng dalawa. Pinagtuunan ko ng pansin ang pagkaing nasa harapan ko. "So, Ms. Accident Prone..." Nakataas ang kilay na tiningnan ko si Kalvin. Napakamot lang s'ya sa ulo at nag-peace sign. "I mean, Lanie..." Tumikhim pa s'ya. "Nagkausap na ba kayo ni Yshmael?" Lahat yata ay natigilan sa pagkain. Kahit sina File ay tumutok sa akin ang atensyon. Ako lang ang hindi nag-react sa tanong ni Kalvin. Umiling lang ako at iniikot ang tinidor sa pasta. "Talaga?" Kahit si Greyson ay isinantabi ang kinakain. "Hindi pa kayo nagka-usap kahit minsan?" Nginuya ko muna ang kinakain ko bago sumagot. "Wala naman akong naaalalang dahilan para mag-usap kami. Hindi din naman ako bumalik dito para doon." "But back then... Hindi ba at okay naman kayong dalawa? As in okay na okay?" Pinagdikit ni Kalvin ang dalawang hintuturo n'ya. "That's old news," agad na sabi ko at uminom ng tubig. "Oh?" Kalvin gasped. Tinakpan pa n'ya ang bibig n'ya. "Pasensya na, natuwa lang talaga akong kumustahin ka Lanie. Kahapon pa nga dapat kita kukulitin pero may trabaho ako." Ilang bagay pa ang napag-usapan nila. Nakikinig lang ako dahil wala naman akong alam na pwede kong ikwento. Isa pa ay naghihintay ako na madulas sa kanila ang kahit isa tungkol kay General Levi pero naging maingat sila. Ang mga nangyari noon ang pinag-uusapan nila. Ang mga kalokohan nila at ang mga panahong magkakalaban sila sa drag racing. Kung paano sila unang nagkakilala, unang pagkatalo at nang minsan ay mag-away ang mga team nila dahil sa pikunan. Pansin ko ding iniiwasan nilang banggitin ang tungkol sa kay Primo. Tila pa nga nagkasundo sila na purong masasayang alaala lang ang babalikan nila. Katulad ko ay iniwan din nila ang mapait na alaala sa nakaraan. Ni kahit ang deep web ay hindi nila pinag-usapan. Walang bumanggit sa Aronzaga's Dark Society o sa mga bagay na may kinalaman doon. "Wait... Wait." Nagpa-panic na tiningnan ako ni Greyson nang tumayo na ako. "Tapos ka na bang kumain, Lanie?" Tiningnan ko ang apat na lalaki. They aged like fine wine. Hindi naging hadlang ang pitong taon para hindi ko sila makilala sa kabila ng mga pisikal na pagbabago nila. But just by looking at them, mas naaalala ko lang ang tanging bagay na naghahatid ng takot sa akin. Wala silang kasalanan pero buhay na alaala sila ng masakit na nakaraan. Wala sa loob na napatingin ako sa ilang upuang nasa tabi nina File. "May problema ba, Lanie?" Kurt asked. Umiling lang ako. Paano ko sasabihin sa kanilang hanggang nakikita ko sila ay hindi nawawala ang kakulangang nararamdaman ko? Na dapat ay pito sila ngayon. Wala na ang isa sa kanila at ang isa ay mukhang hindi na din nakakasama ng mga kaibigan n'ya. "Wala." Pasimpleng huminga ako ng malalim. "Salamat sa pagkain." "Pero Lanie..." Tinapik ko na lang sa balikat si File. Dinala ko ang plato ko sa isang tray na nasa malapit bago naglakad paalis doon. I know what they're trying to do. Gusto nilang kahit paano ay ibalik ang dati. Gusto nilang iparamdam sa akin na ni kahit minsan ay hindi nagbago ang tingin nila sa akin. Gusto nilang ipakita sa akin na kailangan naming magpatuloy sa mga buhay namin. But I don't deserve that. Paano nila ako napatawad sa nangyari kay Primo? How can they forgive me that easily? Dahil ako mismo ay hindi ko maibigay iyon sa sarili ko. Malapit na ako sa silid ko nang mabangga ako ni Royce. "Naku! Sorry po!" Tarantang-taranta ang itsura n'ya. "May problema ba?" "Naku pasensya na talaga Ms. Lanie at hindi kita mababantayan ngayon. May nakapasok sa system ng Prime Crime." Iyon lang at tumatakbong umalis na s'ya. Ilan pang agent ang nagmamadaling nilampasan ako. Hindi ko na kailangang hulaan kung bakit ganoon ang reaksyon nila. Lahat sila, kasama si Royce ay parte ng Intelligence Department ng Prime Crime at nasisiguro kong abalang-abala din sa mga oras na ito ang kapatid ko. Tiningnan ko pa sila. Pababa sila sa unang palapag. Agad na dumiretso ako sa silid ko. Kinuha ko ang burner phone at kinontak ang tanging taong pinagkakatiwalaan ko ngayon. "Mi Amor," kaagad na bati n'ya sa akin. "Kakagising ko lang, I'm sorry." "May nakita ka ba?" I asked. Kinuha ko kaagad ang kaptop ko at binuksan iyon. "Kaka-send ko lang ng ilang impormasyong nakuha ko," sabi n'ya bago naghikab. "Are you safe? Nagkakagulo dito, may nakapasok sa system ng Prime Crime." Alam kong s'ya iyon pero gusto ko pa ding makasigurado. "Bullshit, Mi Amor! Your brother is a monster!" Ilan pang mura ang pinakawalan n'ya. Inilayo ko ang telepono sa tenga ko at hinayaan lang s'yang magmura nang magmura hanggang sa kumalma. "He almost caught me!" Puno ng pagkainis ang boses n'ya. "But you're Anonymous," banggit ko sa pagkakakilanlan n'ya sa dark net. "Don't tell me, mas magaling sa'yo ang kuya ko?" Napalitan ng halakhak ang kanila lang ay pagmumura n'ya. "Hindi ko alam kung malaki ba talaga ang tiwala mo sa akin o minamaliit mo lang talaga ang kakayahan ng kapatid mo as a hacker." May pagkaaliw sa boses n'ya. Malaki ang mundo ng hacking. At halos lahat ng magagaling na hacker sa buong mundo ay sangkot sa dark net. Noong diver pa ako at nasa DWD's pa, hindi man ako hacker ay kilala ko kahit sa pangalan lang ang mga hacker na pinakakilala at kinatatakutan sa mundong iyon. Invader, Maser, Anonymous, Cardinal and Euclidean. Hindi lang sila kilala bilang pinakamagagaling na hacker. Monster. Halimaw sila sa larangang iyon at kahit hindi ako hacker ay alam na alam ko kung gaano sila nakakatakot sa mundong iyon. Unang nakilala ko sina Invader and Maser pitong taon na ang nakakaraan. And then I met Anonymous years later. Ngayong wala na si Invader, ang apat na pangalan na lang ang nasa ituktok ng hacking world. Ang apat na natira ang nagpapalit-palit sa posisyon ng pinakamagaling. At ang tatlo ang pilit iniiwasan ni Anonymous pero sa tatlong iyon, ang kapatid ko ang pinakaayaw n'yang makaharap. He has so much respect for Maser, for Invader also, noong hindi pa n'ya nalalamang wala na ito. Kahit pa nga kilala bilang black hat hacker si Euclidean ay walang pakialam sa kanya si Anonymous, as long it's not Maser. "You're still there, Mi Amor?" "Uh, yeah." I cleared my thoughts. "Ano nga ulit ang sinasabi mo?" "Sabi ko, muntik na ako sa kapatid mo. I managed to get a copy of Lyndon's file but wala akong nakita." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "See it for yourself," sabi n'ya.. Tiningnan ko ang ipinadala n'ya. Wala akong ibang makita doon kundi normal na file ni Lyndon. Walang ibang naka-indicate doon katulad ng inaasahan namin. "Iyan lang ang nakita ko. Hindi ko alam kung trap ba 'yan ng Prime Crime o talagang wala silang impormasyon ng agent nila." Kahit s'ya ay naiintriga. Mabilis na nag-isip ako. Posible ba iyon? Pero... "Ang mga kaibigan ni Lyndon..." sabi ko nang may maalala. "Hm? "They told me na sinubukan nilang pigilan si Lyndon pero hindi s'ya nagpapigil. And years later, nakabalik s'ya pero wala na s'yang buhay..." I spoke slowly. "And he died at Mexico," dugtong n'ya. "Namatay s'ya sa balwarte ng Incubus. Maaaring he went there as a spy or kung ano man. At kung wala akong makita sa file ni Lyndon kundi karaniwang detalye, nasisiguro kong pinoprotektahan iyon ng Prime Crime..." S'ya na ang nagtapos ng posibleng kwentong naiisip namin. Pareho kaming natahimik. Hindi ko alam kung ano ang iniisip n'ya pero nasisiguro kong iisa lang ang naiisip namin. "Nasisiguro kong may malaking alas na hawak ang Prime Crime. Kasama iyon sa file ni Lyndon na hindi ko mahanap sa database nila." "Pinoprotektahan nila iyon." I sighed. "How about General Levi? Nakausap mo na ba s'ya? Mukhang wala na tayong pagpipilian kundi makumbinsi s'yang isali tayo sa imbestigasyon para magkaroon din tayo ng access sa mga impormasyong alam nila," he said. I felt the urgency in his voice. "Hindi s'ya nakabalik ngayong araw. One of the agent told me na may inaasikaso si General sa lungsod at hindi ko alam kung kailan s'ya makakabalik." Ilang buntong-hininga ang pinakawalan n'ya. "What is this?" Nakakunot ang noong pinalaki ko ang nag-iisang larawang ipinasa n'ya. "Huh?" "Ang larawan ng Candelarya," sagot ko at agad na sinearch ang tungkol doon. "Anong kinalaman ng bayang ito?" I asked while reading Candelarya's informations. "Natatandaan mo ba ang sinabi ko sa'yo tungkol sa mga bayang nahahawakan na ng Incubus? Candelarya is one of them, nakita ko iyan sa database ng Prime Crime at 'yan lang ang tanging nakuha ko na maaari nating magamit para makapagsimula na." Muli akong tumingin sa larawan. Maya-maya pa ay ilan pang larawan ang natanggap ko mula kay Anonymous. Larawan iyon ng isang may kalakihang club sa Candelarya. Ilan pang larawan na naglalaman ng iba't-ibang anggulo ng club ang ipinadala n'ya. Maging ang mga establishments na nasa paligid niyon ay nandoon din. "Limang taon nating plinano ito, Mi Amor." Dinig kong sabi n'ya sa kabilang linya. "Pero hindi tayo kikilos ngayon. Hindi ako papayag na kumilos ka ng walang proteksyon ng Prime Crime." "Huwag kang mag-alala," sabi ko at tiningnan ang pagtatakip-silip ng paligid. "Magsisimula tayo sa Candelarya." "Huwag mong gagawin iyan, Maelanie!" Nakarinig ako ng kalabog sa kabilang linya. "Wala tayong choice. Hindi ko na mahihintay pa si General Levi. Huwag kang mag-alala, mag-iingat ako. Hindi ko lang kayang palampasin ang pagkakataong ito. Kumikilos na ang Incubus maging ang Prime Crime kaya kailangan na din nating kumilos." "Maelanie!" "Mag-iingat ako. Wala din akong gagawing iba kundi mangalap ng impormasyon at tulungan ang Prime Crime na sirain ang lahat ng bagay na may kinalaman sa Incubus," matatag na sabi ko. Anonymous heaved a sigh. "Alam kong hindi ka mapipigilan kaya balewala kahit hanggang gabi kitang sermunan." "Thanks." "Delikado ang gagawin mo so be careful," pagpapa-alala pa n'ya sa akin. "Hindi ako mapapahamak, kilala mo ako. Isa pa, magagamit natin ito para mapapayag si General Levi. Kailangang kong gumawa ng paraan para magtiwala s'ya sa kakayahan ko. Hindi pwedeng ikaw lang ang ibibigay kong kapalit. Kailangang patunayan ko ding kaya ko ang papasukin ko," mahabang paliwanag ko. "Sisiguraduhin kong makakasunod ako sa'yo sa lalong madaling panahon." Matatag ang boses n'ya. "Paano ka nga pala tatakas papuntang Candelarya? Paano ang kapatid mo?" Tumayo ako at sinilip ang tanawin sa labas ng teresa. Madilim na ang paligid. "Komportable ako sa dilim, I can use that for my advantage. Ako na ang bahala kay Kuya, hindi n'ya malalaman na umalis ako sa silid ko." Dumiretso ako sa ref at tiningnan ang laman niyon. "Alam mo na ba kung kailan ka kikilos?" "Narinig ko kanina sa ibang agents, may misyon sila ngayong gabi. Sigurado akong sa Candelarya iyon." Inilabas ko ang red wine at binuksan iyon. Inilagay ko ang wine sa lamesang katabi ng kama ko. Nagsalin ako ng kaunti sa wine glass at sinadya kong lagyan ang kobrekama at maging ang sahig ay nilagyan ko ng ilang patak ng wine. "What are you doing?" Nagtaka yata s'ya sa pananahimik ko. "I'm setting an alibi to my brother," sabi ko habang inilalabas ang ilang beer in can. May sampu ding beer ang inilapag ko sa lamesa. "So, you're going all out tonight?" Excitement was evident on his voice. "Sayang, dapat ay nandyan na din ako." "Yeah. I'll call you later, alright?" "Uh-oh." Ibinaba ko ang telepono at agad na tinungo ang sliding door. Isinara ko iyon at binuksan ng todo ang aircon. Dalawang lata ng beer ang binuksan ko at marahang winisikan ang pader, maging ang sahig ay nilagyan ko. Apat na lata pa ng beer ang kinuha ko at dinala sa banyo. Ibinuhos ko ang laman ng mga iyon sa bowl at flinush. Inilagay ko sa lamesa ang mga latang walang laman, dalawa ang hinayaan kong nasa sahig at ang isa ay nasa kama. Muli akong lumapit sa ref at kinuha ang ilang sitsirya. Binuksan ko ang mga iyon at binawasan. Sunod na inayos ko ay ang laptop ko. I checked my emails, malinis na ang mga iyon na nasisiguro kong si Anonymous ang may gawa. Isang movie na hindi ko alam kung tungkol saan ang hinayaan kong mag-play. Nilakasan ko pa ang volume niyon. I went to my closet. Nagpalit ako ng damit para sa lakad ko mamaya. Nagsuot ako ng pantulog at ipinailalim iyon sa robang nakita ko. Inayos ko din ang dagger na gagamitin ko. I looked at the clock. Ganoon ba talaga kabilis ang oras? Kanina ay hapon pa lang pero ngayon ay mag-aalas dyes na ng gabi. Uminom ako ng wine at muli ko iyong nilagyan ng kaunting laman. I gargled the beer para mag-amoy alcohol ako. Nagwisik pa ako ng beer sa robang suot ko. Ibinuhos ko din ang halos kalahating laman ng bote ng red wine sa bowl. I turned the lights off at tanging ang dim light lang ang iniwan kong nakabukas. Pinahinaan ko na ang aircon at napangiti pa ako nang maiwan ang amoy ng alcohol. Nang makitang maayos na naka-set up ang alibi ko ay nahiga na ako sa kama ko. Ikinalat ko pa sa sahig ang ilang chips. Nanood ako nang may kalahating oras kahit na hindi ko naiintindihan iyon. I heard the doorknob clicked. Mabilis na umayos ako to perfectly act my plan. Nagtulog-tulugan ako habang patagilid na nakaharap sa laptop ko habang nasa isang kamay ang wine glass na may kaunti lang laman. Bumukas ang pinto, dalawang pares ng mga paa ang narinig kong kumilos. "I don't want you near my sister." I heard my brother. Nakatalikod nga lang ako kaya hindi ko makita kung sino ang kausap n'ya. Maya-maya pa ay umalis na ang kasama ni Kuya. Lumapit sa akin si Kuya at kinuha ang wine glass. Ramdam ko ang pagkilos n'ya habang nililinis ang mga kalat sa sahig at maging sa lamesa. Nang matapos s'ya sa ginagawa ay kinuha n'ya ang laptop ko at pinatay iyon. Kinumutan n'ya pa ako ng ayos kaya kunwari ay kumilos ako ng kaunti. He caressed my hair bago ako hinalikan sa noo. He turned off the dim lights at ang lamp shade ang binuksan. Iyon lang at lumabas na s'ya ng silid. Nanatili muna akong nakahiga at nagtutulog-tulugan. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD