Lanie's Pov: The helmet hit the back of my head. Sinira niyon ang instinct ko na lumayo para makatakas. Naging tila mabagal ang lahat. Ang tila slow-motion na paggalaw ng katawan ko. Ang mabagal na pagbaliktad ng paligid ko habang unti-unti akong bumabagsak. Maging ang ilang butil ng pawis na tumalsik mula sa akin ay nakita ko nang malinaw. The scenes from the past came. Tila kidlat na nag-flash sila sa isip ko na mas lalo kong ikinabingi. Iba't-ibang senaryo at naghalo-halo na ang nagmula sa nakaraan at kasalukuyan. Sobrang pamilyar ako sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. Ilang beses nang nalagay sa alanganin at panganib ang buhay ko kaya mabilis ko nang nakasanayan ang ganitong pakiramdam. Pero sa mga pagkakataong iyon ay lagi akong nakakaligtas. Hindi na nga lang ako sigurado kung

