Chapter 24 Inalis ni Rian sa kanyang isipan na posibleng anak ni Logan ang batang nasa harapan niya ngayon. Imposible, walang nabanggit ang nobyo sa kanya na may anak na ito sa iba, aside from Katarina na nabuntis nito. Mata lang naman ang magkatulad sa kanila. Pero, posible rin kaya? Tinignan niya muli ito. Napakagandang bata nito. Hindi siya makapaniwala nang sabihin nito na lumaki ito sa isang bahay ampunan. Nakakaawa, dahil isa lamang ito sa mga batang inambanduna ng ibang mga magulang matapos magpakasarap. Bakit nga ba may mga magulang na kayang abandunahin ang kanilang mga anak? Hindi ba nakaramdam ng awa ang mga ito? Hindi ba minahal ng mga ito ang naging bunga ng pagmamahalan nito? Bakit ganun na lamang kadali gawin nito 'yun? " Mommy ko." Nagsimula na namang umiyak ito. "Keian

