Chapter 25 Kinaumagahan, pababa ng hagdan si Rian nang marinig niya ang boses ng kanyang ama. "I know, I understand, Mr. Leung. I apologize for what happened yesterday." Nasa malaking living room nila ito, palakad-lakad habang may kinakausap sa phone nito. Lumapit siya nang matapos na ito sa pakikipag-usap. "Good morning, dad!" Humalik siya sa pisngi nito. "Bakit hindi ikaw ang pumunta sa site kahapon, Rian?" Tanong agad nito sa kanya. Seryusong mga tingin ang ibinigay ng ama sa kanya habang nakapamaywang ang isang kamay nito. Napayuko siya dahil aminado niyang may mali siya. "I-I'm sorry, dad. Nasa ospital po ako ng mga oras na 'yun nang mangyari ang pagguho. Dinala ko po kasi ang batang muntikan ko ng mabangga nang himatayin ito." Nahihiya siya sa ama. Pinagkatiwalaan siya habang

