Chapter 16 Nagulat si Rian sa taong nasa harapan niya ngayon. Hindi niya inakala na magkikita pa sila nito muli. Ilang taon na ba ang nakalipas? It's been eight years ng huli niya itong makita. Pero kahit kailan hindi niya nakalimutan ito. Ito kasi ang naging una niya. Una niyang naging kaibigang lalaki aside sa mga pinsan niya, unang nagpatibok ng mabilis sa kanyang batang puso at higit sa lahat unang naging crush. As in crush talaga na sa t'wing nakikita niya ito parang may nagkakarerahan sa kanyang puso na hindi niya mawari dahil sa abnormal na pagtibok nito. Nasa t'wing nakakasama niya ito, halos hindi s'ya makatingin ng deritso rito sa takot baka malaman nito ang kanyang nararamdaman. "H--Hadrian." Tanging nasambit niya. "Ako nga Rian." May pagka-slang pa na sagot nito habang naka

