Chapter 17 Nangingitim ang ilalim ng mga mata at malaking eyebags na Logan ang bumungad kay Rian. Sa tingin niya mukhang wala pang tulog ito. Ni hindi man lang nagbihis. Kung anong suot nito kagabi ay siya pa ring suot nito ngayon. "Baby," malamyos nitong tawag sa kanya. Gusto niyang sugurin ito ng yakap pero kailangan niyang magpigil. Kailangan magkausap muna sila ng maayos nang sa ganun magkaintindihan sila sa isa't-isa. "Ikaw pala ang boyfriend ng pinsan ko! Tarantado ka, Montefalcon!" Saka sinugod ito ng pinsan niya ng suntok. "Craye! Ano ba!" Sabay hila ni Rian sa pinsan. "Sabi ng tama na!" Susugod na naman sana ito muli. Hindi inasahan ni Logan ang pagsugod ng nasabing pinsan nito, kaya hindi agad siya nakaiwas rito. Hawak-hawak ang kanyang panga na natamaan nito ng dalawang

