Chapter 9
Mag-aala una na ng umaga nang dumating si Logan sa bahay nila Abrianna. Pagkalapag ng private plane niya sa airport ng kaibigan na si Maverick, dumeritso na agad siya dito. Wala siyang paki-alam kung makaisturbo siya. Ang importante makita niya ang dalaga.
"Naku, bata ka! Anong ginagawa mo dito? Madaling araw na, uh?" Bungad kay Logan ni Manang Lourdes, pagkabukas nito ng pintuan.
"Pasensiya na, Manang. Kailangan ko lang talaga makita si Abrianna."
"Kayo mga bata kayo, oh-uh. Sige pasok. Kung meron kayong pinag-awayan, pag-usapan ninyo. Hindi 'yung tatalikuran niyo na lang. Kaya pala umuwi 'yun dito kanina, e galit na galit."
Nagtataka siya sa narinig, ngunit hindi na lamang niya pinahalata 'yun sa kaharap. "Pasensiya na talaga, Manang, kung naistorbo ko kayo." Hindi naman talaga sila nag-away ni Abrianna Ayaw na niyang magpaliwanag rito at para wala ng mahabang deskusyon, 'yon na lamang ang kanyang sinabi.
"Oh siya, sige. Akyatin muna doon."
"Salamat, Manang."
Pagkabukas ni Logan sa kwarto ni Abrianna, sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng silid nito. How she missed her so much. Kung gising lang ito, kanina pa niya sinugod ito ng yakap. Lumapit siya sa kama. Nasilayan niya na mahimbing na ito natutulog. Hindi niya namalayan na kusa na palang gumalaw ang kanyang kamay, humahaplos sa makinis at mamula-mula nitong mukha. Bumaba 'yon sa maliit at matangos nitong ilong hanggang sa mapupula nitong labi. How can he resist her, if every time he sees it immediately soften his heart. 'Yung galit na naramdaman niya dito kanina dahil sa pakikipag-usap sa lalaki'y parang bula na biglang naglaho. Hindi siya na kontento at hinalikan niya ang labi nito.
Naalimpungatan si Rian. Pakiramdam nito ay may humahaplos sa mukha at lumapat sa labi nito. Gumalaw ito kasabay ng pagdaing, "hmmm." Iminulat nito ang mga mata.
Sa pagmulat ni Rian, nakita niya ang mukha ng isang taong sobra niyang na miss. "Logan?" Bigla siyang napa upo. Nanaginip ba siya?
"Hi, baby." Nakangiti nitong bati sa kanya.
"What are you doing here? Wait, what time is it now?"
"It's 1:00 am now. Kakauwi ko lang, kaya dumeritso na ako dito para makita lang kita."
Nakita ni Rian na parang pagod na pagod ito. Basi sa mga mata nito, mababakasan ng pangingitim at parang kulang na kulang sa tulog. Nakadama tuloy siya ng awa rito. Alam niya kung gaano ka busy ito sa pagpapatakbo ng maraming negosyo, kaya hindi na siya magtataka kung ganito ito.
"May bukas pa naman, uh? Sana dumeritso kana lang ng uwi." Kahit siya mismo, naririnig niya ang pag-aalala sa kanyang boses.
"Mas gusto kita makita kaysa umuwi sa bahay ko." Giit nitong sagot.
"Oh, ngayon nakita muna ako, puwede kanang umuwi at matutulog na rin ako ulit." Humiga siya muli.
"I want to sleep here,"
Napabangon uli siya dahil sa sinabi nito. Nahihibang na ba ito? Hindi puwede. "What! No way!"
"Please, baby. I'm really tired to drive my self home."
"Alam mo naman pala na pagod kana. Ba't kapa pumunta dito?"
"Paulit-ulit lang ba tayo, baby. Please, talk to me later, I want to sleep now." Pagod na sabi nito.
"Hep!" Pagpipigil niya rito. "Sa'n mo balak matulog, uh? Doon ka sa sofa, bilis!" Iisahan mo p talaga siya.
"Baby, naman. Hindi ka ba naaawa sa akin? Sa laki kung 'to, sa tingin mo kakasya ako sa sofa mo?" Nakanguso na sabi nito. Tsss! 'Di bagay.
"E, di pagkasyahin mo sarili mo! Problema ko ba 'yun!" Nakangiwi, aniya.
"Mamaya dumakdak ka ng dumakdak, baby, at pakikinggan kita. Pero sa ngayon, patulugin mo muna ako." Pumunta na ito sa kabilang gilid ng kama niya.
"Kung gusto mo talaga matulog dito sa kama ko, please lang maligo ka. Ayaw na ayaw ko sa lahat, mangamoy alikabok or kahit anong baho itong kama ko." Inis na sabi niya dito.
"Okay. Pero wala akong damit."
Urgh! Buwesit ka talaga!" Sabay tayo ni Rian sa kama. Hindi alintana kung ano'ng suot niya.
Tumambad kay Logan ang suot nitong nighties. Kung ano ang suot nito noong una niya itong puntahan dito sa loob ng kwarto ay ganun din ngayon. Sa kulay lang nagkaiba. Ang kanina niyang mainit na katawan dahil sa mahabang biyahe ay mas lalo pang uminit ngayon. Napalunok siya dahil sa nanunuyong lalamunan. Kung ibang babae lamang itong kaharap niya ngayon, kanina niya pa sana ito sinugod at pinagsawaan ang katawan. Kaya lang si Abrianna ito, hindi ito tulad ng mga ibang babae na mga naikama na niya. He wants to get her trust first. Kahit magtitiis siya na walang s*x ng ilang buwan gagawin niya para pagkatiwalaan lamang siya nito. Huwag lang talaga paabutin ng taon dahil ibang usapan na 'yun.
"Puwede ba sa susunod, huwag 'yan ang suotin mo?"
Natauhan naman si Rian pagkarinig sa sinabi ni Logan.
"s**t!" Hiyaw niya at dali-daling naghanap ng pantakip sa katawan. Nakita niya ang ibang nakatuping mga tuwalya sa parte ng walk-in-closet, kaya agad niya itong kinuha't ginamit pang takip sa katawan.
"Buwesit ka na nga sa buhay ko! Ang bastos mo pa!" Sigaw niya dito.
Tumayo si Logan at nilapitan si Rian. Naalarma naman si Rian sa paglapit nito. Aatras na sana siya, nang mabilis nitong hinapit ang kanyang baywang, kaya ang nangyari nagkalapit ang mga katawan nila. Napalunok si Rian dahil sa kakaibang naramdaman. Biglang uminit ang katawan niya, kahit pa malamig ang silid dahil sa ibinubuga ng AC.
Unti-unting bumababa ang mukha ni Logan patungo sa mukha ng dalaga. Napapikit si Rian dahil para na siyang maduduling sa pagkakalapit ng kanilang mga mukha. Lumapat ang mga labi nila sa isa't-isa. He kissed her slowly, tinatantiya niya kung magagalit nga ba 'to. Nang maramdaman niya na walang reaction ito. Ipinagpatuloy niya ang paghalik rito. He kissed her passionately. He wants more. He wants to make love with her, but he knows that this is not the right time. He crawled his kiss into Abrianna's ear. Kailangang pigilan ni Logan ang sarili dahil kung hindi, baka magahasa pa niya ito ngayon.
"Change your nighties, baby. Habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko na hindi ka angkinin ngayon." Namamaos niyang saa rito.
Para naman binuhusan ng malamig na tubig si Rian sa hiya ng nararamdaman. Dali-dali siyang tumalikod dito at kumuha ng pajamas niya.
"Oh, ayan suotin mo!" Tapon niya rito sa isang pares ng t-shirt at pajama.
"Why you have this one? Who own this?" Tukoy ni Logan sa ibinigay niyang susuotin nito. Magkasing katawan lang kasi ito..
"Sa kaibigan ko!"
"Who!?" Inis na sabi nito. Ang dami nitong tanong! Lahat na lang.
"Ba't ba ang dami mong tanong? Suotin mo na lang 'yan at ng makapagpahinga na tayo pareho, dahil sa totoo lang nakakaabala kana!" Nainis din niyang sagot rito. Ba't ba kasi lahat na lang pinapansin nito?
"Answer my question, Abrianna?" Pagdiin nito sa galit na boses.
"Lintik ka talaga hudas ka! Kay Quinn 'yan, masaya kana!" Pati siya napapamura na dito.
"At bakit meron siyang damit dito? Natulog naba ang gagong 'yun dito?!"
"Wow huh? Kung makagago ka parang hindi mo kaibigan, uh? E, ikaw nga itong nakakagago!" Ganitong oras nagsisigawan sila. "Oo nakatulog na siya dati dito, pero hindi gaya mo. Sa guest room siya natulog. Nangyari lamang iyon noong kaarawan nila Mommy at Daddy. "
"Iba din ang gagong 'yun, uh!"
"Can you stop calling him gago? Kung tutuusin, mas gago kapa't hudas sa kanya."
"Pinagtatanggol mo ba siya?!"
"Iwan ko sa'yo. Titirikan tayo ng araw kung papatulan ko pa yang kakitiran ng utak mo." Sabay alis ni Rian sa harapan nito. Humiga na lamang siya.
Pagkatapos maligo ni Logan at tinuyo ang buhok, tinungo na niya ang puwesto kung saan siya mahihiga. Humiga na din siya. Nakatalikod sila pareho ni Rian. Pinapakiramdaman niya ang katabi. Hindi niya alam kung tulog na ba talaga 'to o nagtutulog-tulogan lang. Humihina na din kasi ang paghinga nito.
"Baby," tawag niya pero wala siyang nakuhang sagot. Inulit niya muli. "Baby, I'm sorry. Please talk to me."
Naririnig ni Rian ang sinasabi nito. Hindi pa naman kasi siya tulog. Dahil sa inis na naramdaman niya, wala siyang balak kausapin ito.
"Please baby, I'm really sorry. Nagseselos lang ako kaya nasabi ko 'yun. Nagalit ako dahil iniisip ko pa lang na mas malapit siya sa mga magulang mo at kilalang-kilala siya ng mga 'to, nakakalalaki lang," paliwanag nito pero hindi pa rin siya nagsalita.
Akala pa naman niya nagseselos 'to dahil nasasaktan, dahil mahal na s'ya n'to. Hindi rin pala. Waley!
"Okay." Napabuntong hininga na lamang si Logan. "Mukhang ayaw mo talaga akong kausapin. Good night, baby!" Sabay halik nito sa pisngi ng dalaga.
Naramdaman ni Rian na umayos na ito sa pagkakahiga sa tabi niya. Manigas ka hudas! Hinding-hindi kita kakausapin. Sobrang inis ang naramdaman ni Rian dito sa katabi. Ang sarap sipa-sipain lang nito. Napahiya pa siya kanina. Tapos ngayon, akala niya nagseselos ito dahil may nararamdaman na sa kanya, wala din pala. Nasasaktan siya sa kaalamang, sa kabila ng pag-angkin nito sa kanya na pagmamay-ari nito'y hindi siya makuhang mahalin. Umasa din kasi siya't naniwala sa sinabi ng mga kaibigan na mahal din siya nito. Hindi namalayan ni Rian na nakatulogan na niya ang pag-iisip sa nararamdaman ng katabi.
Nagising si Rian dahil sa sikat ng araw na tumama sa balat niya. Naiinis na iminulat niya ang kanyang mga mata. "Urghh!" Sino ba ang pumasok dito at nag bukas ng bintana niya? Tiningnan niya ang orasan na nasa gilid ng lamp table niya. "s**t!" Agad siyang napabangon. Mag-teten na pala ng umaga. Kaya pala ganun na lang ka sakit ang sikat ng araw sa balat niya. Tumayo na siya para maligo. Buti na lang sabado at walang pasok. Nang biglang may naalala si Rian. Tss! Hindi man lang siya ginising nito para magpaalam na aalis na. Gwapo nga't mayaman wala namang mudo. Bakit pa kasi sa lalakeng iyon siya nagkagusto. Urgh! Puso naman, e. Ba't siya pa? Ba't hindi na lang si Quinn?
Pagpasok ni Logan sa kwarto ng dalaga, wala na 'to sa kama nito. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo, nasisiguro niyang naliligo na 'to. Inilalagay niya sa table nito ang pinabiling bulaklak. Sumunod na pumasok si Manang Lourdes sa kwarto ni Rian. Dala ang pagkain nito na inihanda ni Logan para rito. Pagkalapag ni Manang Lourdes sa pagkain, agad na inayos nito ang higaan ng dalaga.
"Oh siya, maiwan na kita diyan, hijo. Kung may kailangan ka pa sabihin mo lang."
"Okay, salamat po, Manang."
Nang makalabas si Manang Lourdes, inayos naman ni Logan ang mesa na nilagyan ng pagkain. Pati ang punpon na mga bulaklak inayos din niya sa kama ng dalaga.
Lumabas na si Rian pagkatapos maligo. Nakatakip lamang siya ng puting tuwalya. Nakita niya na may mga bulaklak sa higaan niya, kaya naman nilapitan niya 'to.
"What's this?" Nagtatakang sabi niya sa sarili. Kinuha niya ang isang card na nakapatong sa isang bouquet ng red tulips at binuksan. Nang makita niya ang nakasulat doon na 'l'm sorry, baby ko', napangiti siya. Piwede na ba siyang kiligin? Akala niya baliwala lang siya rito. Ngayon, puwede na naman siyang umasa na mamahalin din siya nito. Ang babaw niya, pero anong magagawa niya, 'yun ang naramdaman niya e.
"Good morning, baby!" Nabigla si Rian dahil sa biglang pagyakap nito mula sa kanyanglikuran.
Amoy na amoy naman ni Logan ang bango ng body wash na ginamit ng dalaga. Ang sarap sa ilong at parang ang tamis nito. Gustong-gusto niya ang amoy nito, strawberry vanilla.
"Ano ba! Lumayo ka nga sa akin," kunwari na iinis na sabi niya rito para itago ang kilig na nararamdaman.
"I'm sorry na, baby, please!" Pagmamakaawa ni Logan at pinaharap niya ito sa kanya. "I know, I'm such an ashole and a jerk. But, please give me a chance to show you how important you are to me," nakita naman ni Rian sa mga mata nito ang sinsiridad sa sinabi.
Tama ba na bigyan niya ito ng chance? What if sasaktan lamang siya nito? Alam niya kung gaano ka layo ang agwat ng edad nila. Bata pa siya't walang ka alam-alam sa pakikipagrelasyon. Marami na itong mga karanasan pero siya magsisimula pa lamang. Kung sa kasabihan pa, papunta pa lamang siya, ito pabalik na. Bahala na. Bakit hindi niya subukan at maranasan din naman niya kung paano magmahal? Kahit na wala siyang ka siguraduhin na mamahalin din siya nito.
"Fine. But, in one condition?"
"Anything baby," nakangiting saad nito.
"Huwag na huwag kang mananakit ng kahit na sino sa tuwing may makikita ka na lumalapit or nakikipag-usap sa akin na mga lalake. Dahil kung hindi, lalayuan talaga kita at hinding-hindi kita patatawarin kahit kailan. Kasi Logan, hindi mo naman kailangan gawin 'yan, e. Hindi sa lahat ng bagay puwede mong idaan sa init ng ulo at kamao. Minsan matuto ka ring makinig at umitindi nang sa ganun hindi ka nagkakaganyan agad," pagpapaintindi niya rito.
"Okay, susubukan ko."
"Don't try it, Logan. Just do it!."
"Hindi ko maipapangako sayo 'yan, baby. Please, susubukan ko naman, e."
"Bahala ka na nga! Huwag ko lang talaga malaman, sinasabi ko sa'yo," sabay duro niya rito. "Alis diyan! Mapupulmonya ako sa'yo!" hawi niya.
"Huwag na. Kakainin pa kita e." Nakakalokong ngumisi ito.
"Shut up! Pervert!" Inirapan ng dalaga ito.
Nakangiti naman na naghihintay si Logan kay Rian habang nagbibihis. Mukha na siyang tanga, pero wala siyang paki-alam. Masyado siyang masaya para pigilan ang nararamdaman. Ngayon na binigyan na siya ni Abrianna ng chance, gagawin niya ang lahat para mahalin siya nito.
Pagbaba ni Logan sa kotse nito, nakita ni Rian na nakatingin lahat ng mga empleyado nito na nandito sa labas. Agad naman siya pinagbuksan ni Logan ng pintuan at inalalayan makababa.
"Thank you!" Nakangiti sabi ni Rian.
"Welcome, baby. Let's go!" Inalagay nito ang kamay sa kanyang baywang habang iginiya siya papasok ng building nito.
Mas lalong na ilang si Rian sa klase ng tingin ng mga empleyado nito pagkapasok nila sa lobby.
"Who is she?"
"Another woman again, duh!"
"God! She look so young!"
"Yeah. But, she's really beautiful no doubt."
Mga naririnig ni Rian na mga bulongan sa kanya ng mga tao. Nakaramdam siya ng hiya sa sarili.
"Good morning, Sir!"
"Good morning, Sir Logan!" Pagbibigay galang ng mga empleyadong nakakasalubong nila.
Nagulat at natakot si Rian nang bigla na lamang galit na galit ito.
"Punyeta! Talagang magbulong-bulungan pa kayo sa harapan ko at ng girlfriend ko! You are all fired!" Sabay turo nito doon sa mga nagbulungan. "Oh! Kayo diyan? Ano pa ang tinatanga-tanga niyo? Kung ayaw niyong mawalan din ng trabaho, magsikilos na kayo!" Galit na galit ito.
Hindi nakapag-react si Rian dahil sa takot. Mas lalo pa siyang hinapit nito sa baywang.
Agad na dinala ni Logan ang dalaga sa private elevator nito. Diniinan niya ang pagpindot sa button number ng floor niya. Nagagalit siya sa mga klase ng tingin ng mga lalaking empleyado kay Abrianna. Lalung-lalo na nang marinig niya ang pang-iinsulto ng iba para rito. Ayaw na ayaw niya sa lahat na masaktan 'to at may marinig na hindi maganda para rito. Kaya ganoon na lamang ang ang kanyang inasta dahil hindi niya nakaya ang nakitang pagkapahiya sa dalaga. Buti nga 'yun lang ang ginawa niya sa mga taong iyon dahil kung hindi, sisiguraduhin niya talaga na gagapang sa hirap ang mga 'yon.
"Hey! Are you okay?" Tanong ni Rian sa katabi. Hinarap at hinawakan niya ang kamay nito. Napansin niya kasi na parang lumalalim ang paghinga nito.
"Yes. I'm sorry for that, baby," Agad na sagot ni Logan sabay halik sa noo nito. Ngumiti naman sa kanya ang kaharap kaya mas lalong lamang tuloy siya nabibighani sa ganda nito. "You're my beautiful possession, baby." Hinawakan niya ang baba nito at hinalikan sa labi.
Kahit kailan napaka traidor ng puso't katawan niya. Mas lalo lamang siyang pinagkalolo ng mga 'to. Hindi namalayan ni Rian na gumaganti na pala siya ng halik kay Logan. They're kissing each other as if they haven't meet for so long. Nasa ganun silang ginagawa nang tumunog ang elevator, hudyat na nasa floor na sila ng opisina nito. Agad humiwalay si Abrianna kay Logan at inayos ang sarili.
Habang nagtatrabaho si Logan, nakaupo naman si Abrianna sa sofa na nandito sa loob ng opisina nito. Tatlong fashion magazine na ang natapos niyang basahin, pero hindi pa rin ito tapos. Paminsan-minsan naman siya tinatanong nito kung okay lang ba siya or may gusto ba siya kainin. Laging 'I'm okay' lang ang sinasagot niya at saka busog pa naman siya. Nabobored nga lang siya. Kailan pa kaya ito matatapos?
"Hey bro!" Biglang pasok ni Gavin at Walter sa opisina ni Logan.
Nagulat si Rian sa biglaang pagsigaw ng dalawang lalaking pagkapasok. Napatingin siya bigla sa may pintuan. Nakita na niya mga 'to noong unang punta niya dito sa kompanya ni Logan.
"Tsss! Where are your manners, bro?" Nakakunot noo na saad ni Logan sa mga kaibigan.
"We left in our house, bro." Nakatawang saad naman ni Gavin sa kanya.
Nakatulala lamang si Rian sa mga lalake na nasa kanyang harapan. Sa kanyang nakikita, talagang hahanga ang sinumang babae sa angking taglay na mga 'to. May iba't iba katangian ng kagwapuhan. Pero sa katawan, halos magkapareho lamang ang mga 'to. Mas mataas lamang ng kaunti si Logan. I think he's 6'2 ft and the two are 6'1 ft. Makikita rin na hindi basta-bastang mga tao sa lipunan ang mga 'to. Kung nandito pa yung mga kaibigan niya, paniguradong tulo laway na ang mga 'yun.
"Oh!. Nandito pala si Miss. Beautiful," magiliw na sambit sa kanya ni Walter. Tumingin din sa kanya si Gavin. Ngumiti din siya sa mga ito. Naglakad papunta sa kanya si Walter.
"Go near her and I'll kick your ass, Walter?" May diin na sabi ni Logan sa kaibigan.
"Tss! Lalayo na." Nakataas kamay na sabi nito na animoy sumusko. "Babatiin ko lang naman. Napakadamot mo."
"Puwede mo siyang batiin kahit hindi ka lumalapit sa kanya."
"Tsk! Tsk! Tsk! Ang hirap talaga pag tinamaan ka ni kupido. Sapol na sapol, e. Pakkk!" Umaaksiyon si Gavin na pinapana nito si Logan.
Napapailing na lang si Rian kay Logan. Kahit kaibigan nito, ayaw palapitin sa kanya. Susuko na talaga siya sa pagka possissive nito.
"By the way, bro. Quinn called me earlier, he said that we need to go there beacuse it's almost done and we need also to prepare for the incoming anniversary." Gavin.
"When?"
"Next week. So clear all your schedule because we stay for a week there." Walter.
"Are you free next week, baby?" Baling ni Logan kay Rian.
"No. I have a lot to do. I have some reports and designs that I need to finish before the semester end. Why?" Sagot niya dito.
"Okay. I'll help you to fix that all. You need to go with me."
Nagkatinginan naman sina Walter at Gavin. Alam nila na nanliligaw din ang kaibigan nilang si Quinn sa dalaga.
"You can go even without me, Logan. I really need to do all those things by myself."
"I told you I'll help you. I want you to be there and accompany me ." Seryusong saad nito sa kanya.
Wala ng nagawa si Rian kundi ang pumayag na lang sa gusto nito. Ano pa nga ba? Ito na naman ang masusunod. Kahit ayaw niyang pumayag, gagawa't gagawa 'to ng paraan para mapapayag lamang siya. And that is Logan Montefalcon. The one who possess her.