Chapter 1

2328 Words
Chapter 1 "Sissy Rian, patulong naman nito, oh?" sabi ng isa sa mga kaibigan ni Abrianna or Rian kung tawagin ng mga ito at ng pamilya. Nasa library sila ngayon at nag-reresearch. "Ano na naman ba yan Isabella? Mag-aral ka nga. Huwag mong guluhin 'yan si Rian." Mika. "Nagpapatulong lang, eh," nakanguso na sagot nito. "Nag-dudrawing na naman 'yan ng mga design niya. Bakit kasi hindi ka nalang mag-shift ng Fashion Designing kaysa naman ipagpapatuloy mo itong Architecture, wala ka naman sa hulog lagi," pagsingit ni Naveen. "Kung pwede lang, sissy, matagal ko na sanang ginawa 'yan. Alam niyo naman si daddy, 'di ba? Pinagpipilitan kung ano ang gusto niya. May choice pa ba ako? Kung hindi ko 'yun susundin, i-cucut niya lahat ng credit cards ko," malungkot nitong sagot. Hindi lingid sa kanila ang relasyon nito sa nga magulang. Laging wala ang mga 'yun, na siyang dahilan ng paglayo ng loob ni Isabella sa mga ito. Bata pa lamang, tanging yaya na nito ang nag-alaga, nagpalaki at tinurin nitong ina. "Later, sissy. I'll help you," pagpayag ni Rian sa kaibigan. Manghihingi lang naman kasi iyan sa kanya ng ideas at suggestions sa mga desinyo nito. "Narinig niyo ba ang sabi ni prof kanina? Bukas daw ipakikilala ng may-ari ng school ang anak nito na siyang bagong mamamahala dito." "Ehhhh! I'm so excited girls. Kasi ang pagkakaalam ko ubod daw ng gwapo at hot ng anak ng may-ari." "Iyon nga din ang dinig ko at ang sabi-sabi pa, sa edad niya raw na dalawamput tatlo noon ay nakapagpatayo na raw ito ng sariling kompanya." "Ang galing naman! Grabe, napakayaman na siguro nito ngayon." "Mas lalo ata akong na excite na makita siya. Gush! "Ehhhhhhhh! Naveen rolled her eyes as she heard the irritating voice of the b***h girls. "f**k this girls. Dito pa talaga sa loob ng library nag-chichismisan. Pumasok pa sila," naiinis na saad nito. "Hmm? I wonder who's that guy they're talking about." sabat naman agad ni Isabella na tumigil pa sa pag.iisketch. Akala ni Rian abala ito sa ginagawa at hindi narinig ang pinag-uusapan ng mga kapwa estudyante sa kanilang paligid. "Isa ka pa chismosa. Sumali ka kaya sa kanila para malaman mo kung sino 'yon," magtaray na saad ni Mika rito. "Ayaw ko nga!" Ngiwi ni Isabella. Baka mahawa pa ako sa kaartihan ng mga 'yan, noh." "Ay hindi ka pala maarte sa lagay na 'yan, sissy?" natatawang hirit niya rito. "Nakakainis talaga kayo! Ako na lang lagi ang pinagtutulungan ninyo," nakanguso at nagtatampong sagot nito. "Pero, mahal na mahal ka naman namin," pambabawi niya. Apat silang magkakaibigan. Nagkakilala noong unang taon pa lang nila dito sa Montefalcon University. Parehong Architecture student, magkaklase sa lahat ng subjects. Kilala bilang beauty with brain sa unibersidad nila. She's one of a kind sabi nga ng mga kaklase at schoolmates niya. But, despite of her kindness, she's also mataray at palaban kapag nakikita niyang nasasaktan o inaapakan ang mga taong mahalaga sa kanya. With her friends, Mika Aragon, Isabella Hernandez and Naveen Castillo, magkaiba man sila ng mga ugali at personalidad ay hindi naging hadlang 'yon upang maging matalik na magkaibigan. Nagmamadali na si Rian papasok ng gymnasium dahil late na siya. Ngayon pa naman ipapakilala ang bagong mamamahala ng unibersidad nila. Ang anak ng may-ari. Nakakahiya, dahil sa araw pa na ito siya na huli. Kung mamalasin ka nga naman. "Excuse me! Paraan muna, uh! Excuse me!" nakikipagsiksikan na siya sa ibang mga estudyante na nakatayo dito sa loob ng gym para lamang mapuntahan ang pwesto ng kanyang mga kaibigan. Nang makita niya ang mga ito'y agad siyang lumapit at umupo sa katabing upuan ng kaibigan niyang si Naveen. "Why are you late, sissy?" tanong nito na inilapit pa ang mukha sa kanya habang nanatiling nakatanaw sa harapan. "Nasiraan ako, e. Kanina pa ba nagsimula?" "Oo, pero hanggang ngayon hindi pa dumarating 'yung Logan Montefalcon na sinasabi nila," sagot ng kaibigan na si Isabella. Tumango na lamang siya bilang sagot at nakinig sa nagsasalita sa harapan ng entablado na si Mr. Arthur Montefalcon, ang may-ari nitong pinapasukan nila na ama nung sinasabing nilang Logan Montefalcon. Maya-maya lamang ay may narinig silang mga hiyawan ng mga estudyanteng kababaihan mula sa likuran. "Kyahhhhhhh!" "Oh my God! Ang gwapo niya, sobraaa!" "Are they inviting an artist?" bulong na tanong niya sa mga kaibigan. "I dunno," Mika replies. Nagpatuloy sa pagsasalita ang matandang may-ari. "Students and Teachers, please welcome my son and the CEO of Montefalcon Empire.....Mr. Logan Montefalcon!" pag-wewelcome nito sa anak. Clap! Clap! Clap! Lumingon si Rian kung saan nakatingin ang lahat ng mga estudyante sa entrada nitong gymnasium. Pagkakita niya sa bagong pasok, hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya or tamang sabihin na bumilis ang pag-t***k ng kanyang puso. Dumungo siya at napahawak sa kanyang dibdib. What is happening to me? Piping sabi niya sa kanyang isipan. Alam niyang gwapo ang Logan Montefalcon na ito. No. Scratch the word 'gwapo' dahil higit pa sa salitang gwapo ito. Pero, ang kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib? Na para bang tumakbo siya ng ilang milya.....ang hindi niya maintindihan. Wala naman siguro akong sakit sa puso di ba? Tanong niya pa rin sa isipan. Tiningnan niya muli ito na naglalakad papalapit sa kanila. Walang itulak kabigin ang hitsura nito. Bumaba ang paningin niya sa katawan ng binata. Napakagat labi na lamang siya. Sa tindig, taas at lapad ng katawan na bumagay sa pigura nito. Alam niyang isang napakagandang katawan ang nagtatago sa mamahaling kasuotan. Biglang iniwas niya ang paningin sa ibang deriksyon nang maramdaman niya na titingin ito sa kanila. Pagbaling naman ng kanyang paningin sa iba, nakita niya kung paano ito titigan ng mga kababaihan na kapwa estudyante. Sa mga klase ng tingin nito ay para na nilang hinuhubaran ito. "Oh my gosh! Bakit siya nakatingin dito sa 'tin?" sabay siko sa kanya ni Naveen habang kinikilig na animoy uod na binudburan ng asin. Tumingin siya sa tinutukoy nito. Ganun na lamang ang kaba at panlalamig ng kanyang kamay sa klase ng tingin nito na ibinigay sa......kanya? Hindi siya puwede magkamali at lalong hindi siya nag-iilusyon dahil ang mga mata nito ay derikta na nakatingin sa kanya. Kung ang kaibigan niya ay sobrang kinilig. Siya, pagkailang, sobrang kaba at takot ang kanyang nararamdaman. Gustuhin man niyang umiwas sa mga titig nito, hindi niya magawa. Para bang may kung anong sinasabi ang mga mata nito na hindi niya malaman. Alam niya may kakaiba. The way he looked at her. She felt something weird. Naputol ang pagtitigan nila nang i-assist ito ng isa sa mga bodyguard nito paakyat ng stage. Nakahinga siya ng maluwag. Humawak muli siya sa kanyang dibdib na parang nirerelax ang sarili. Bakit ganito ang kanyang nararamdaman? Alam niyang napakagwapo nito, sa taas at tikas ng tindig, makikipag-agawan ang lahat ng mga babae para rito. Erase! Erase! Erase, Rian! Habang nagsasalita ito sa harapan nila. Siya naman, naging busy sa kakapindot sa kanyang cellphon. Ang mga gaga niyang kaibigan, dito dinaan ang mga panunukso sa kanya. Nawala na rin ang kakaibang presensiya ni Logan Montefalcon sa kanya nang mailipat ang atensiyon niya sa hawak na cellphone. "Ehem! For those students who are busy in their cellphones doing nonsense thing. Don't wait me to get that f*****g things!" Logan hissed while looking at the group of Rian. Nakakatakot ang mukha nito kung galit. Nagulat at natakot sina Rian sa galit na boses nito. Tumingin siya sa paligid, naninigurado kung sila nga ba ang tinutukoy nito. Nang may makita siya na ibang mga grupo ng mga kalalakihan na busy rin kakadutdot sa mga cellphone nito'y nakahinga siya ng maluwag. At least, hindi lang pala sila. Kung makatitig kasi ang lalaking ito para na silang gustong kainin ng buhay. Tsss! Pagkatapos ni Logan magsalita'y agad umalis sina Rian.. Mahirap na, baka mapagsabihan sila sa harap ng maraming estudyante. Nakakahiya. "Sumakit ang ulo ko do'n sa Aboriginal Architecture natin, uh," reklamo ni Mika habang naglalakad sila sa hallway. Katatapos lang ng huling klase nila sa araw na 'yon. "Tss! Ikaw lang ba." Naveen "Sissy Rian, hatid na kita," anyaya sa kanya ni Isabella. "Thanks, sissy. Magtataxi na lang ako. Pupuntahan ko din sa talyer 'yung kotse ko. Sigurado ako naayos na 'yon," sagot niya rito. "Okay, sige. Paano? Mauna na kami, uh! Ingat," saka siya hinalikan nito sa magkabilang pisngi. "Bye, sissy,"magkasabay na paalam rin ng dalawa pa na sina Naveen at Mika. "Bye!" sagot niya. Naglalakad papuntang waiting area si Rian para mag-abang ng taxi. Makalipas ang isang oras na pag-aantay, wala pa rin siyang nakuha. Lahat ng mga dumadaan ay may mga nakasakay na. Nakakainis naman kasi kung bakit na flat pa 'yong kotse niya. Pati si Manong Oscar, wala din sa bahay, may inutos raw ang daddy niya rito. Kung minamalas ka nga naman oh-uh. Tiis ganda ang peg niya ngayon. s**t! "Urgggh! Asan na ba kayo mga taxi kayo!" hiyaw na lamang niya dahil sa inis at pagod sa paghihintay. Beep! Beep! Beep! "Oh s**t!" napamura siya dahil sa gulat. Pati mga aklat niyang hawak ay nahulog tuloy. Naiinis niyang pinulot ang mga 'yun. Sino bang bastos na 'yon? "Hey! I'll help you." Ang boses nito. Tumingala siya bigla, naninigurado. Oh God! Hindi nga siya nagkamali. It's him, Logan Montefalcon. Nakatitig na din ito sa kanya ngayon. God! Here he is again. 'Yung mga titig nito na nakakalusaw. May kung ano na nagrarambulan sa tiyan ni Rian na hindi niya maipaliwanag. Oh! stop it hormones! "U-uh e, sige po, Sir. Salamat na lang po. Kaya ko na po ito," nauutal niyang sabi. Kailangan niyang makalayo agad rito. Dyusmeho! mapapahiya siya rito. Dali-dali siyang tumayo't umalis. "Wait!" pigil nito at napatigil siya. Nanatiling nakatalikod lamang siya, hinihintay ang paglapit nito. "You are Abrianna Del Fuego, right?" When she heard her name coming out from his mouth, she immidately face him. "Yes, Sir," kunot noo niyang sagot na may pagtataka. Agad din niya iniwas ang paningin rito nang hindi niya kayang makipagtitigan. Kinakabahan talaga siya. So what, if he knows her name. Urghh! This is not her. Brace yourself, Rian. "Look at me, baby, while I'm talking to you," malambing na boses nito. Wait. What? What the f**k! She heard it, right? S-Siya? Tinawag nitong b-baby? s**t! She looked like an i***t woman sa kakatanong niya sa sarili. Sinunod niya ang sinabi nito at tumingin rito. Kailangan na niya talaga maka uwi. Kailangan niyang makalayo sa lalake na nasa kanyang harapan ngayon. Nangangamba siya sa kakaibang hatid nito sa kanyang sarili. "Sige po, Sir. I need to go now." "Please, stop calling me Sir. Pinapamukha mo lang sa akin na mas matanda ako sa'yo. Call me, Logan." "I'm sorry si---Logan." Umayos ka Abrianna. Sita niya sa sarili. "Ihahatid na kita, Abrianna. Mukhang mahihirapan kang makakuha ng taxi dito ngayon dahil rush hour na." "Naku, huwag na po. Baka mapalayo pa po kayo kung ihahatid niyo pa po ako," patuloy sa pagtanggi niya rito. "Grabe ang sakit ng tuhod ko sa mga sinasabi mo. Ang dami mong PO," sabay hawak sa tuhod nito na alam naman niyang biro lamang nito. "Sorry po ay este Logan." Ang dali lang naman bigkasin ng pangalan nito, pero bakit parang nahihirapan siya. "That's it!. Mas masarap pakinggan pag ikaw ang bumabangit ng pangalan ko," nakangiti nitong sabi. Mas lalo lamang itong gumwapo. f**k s**t Abrianna! Halatang binobola ka na nga nung tao. "Eh?" tanging nasabi na lamang niya . "Shall we?" anyaya nito sabay lahad ng kamay. Nagdadalawang isip pa siya na abutin ang kamay nito. Pero dahil ayaw niyang maging bastos, tinangap na lamang niya 'yon. Napaigtad si Rian nang may maramdamang tila kuryenteng dumaloy sa pagkakasalikop ng kanilang mga palad. Tumingin siya rito. Nakatingin din pala ito sa kanya at nakangiti. So weird! Pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan. Inalalayang makasakay at ang akala niyang aalis na ito sa kanyang tabi ay hindi pa pala. Nagulat na lamang siya ng yumuko ito. Kasabay nu'n ang pagkadismaya niya nang kuhanin nito ang seatbelt sa gilid niya't ikinabit. "Put your seatbelt, baby. Ayaw kong may mangyari sa'yo." Hindi na ata siya humihinga dahil sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha. Para na siyang maduduling. Pwede na rin siya hindi maghapunan dahil busog na busog na siya sa mabangong amoy nito. Nalanghap na ata niya lahat. Unti-unting bumaba ang mukha nito. Alam niya na hahalikan na talaga siya, kaya gumawa agad siya ng paraan. Iniwas niya agad ang mukha rito. "H-hindi pa ba tayo aalis, Logan?" nasabi na lamang niya. "Sure. Sorry for that." Umalis ito mula sa pagkakayuko saka isinara ang pinto. Umikot ito papunta sa driver seat at sumakay. Inistart agad nito ang makina at nagsimula ng magmaneho. Maya-maya lang ay binabaybay na nila ang kahabaan ng Pasay. Tahimik lamang sila. Nagpapakiramdaman sa isa't iisa. Nakatingin siya sa labas ng bintana. Iniisip niya 'yong mga nangyari kanina. Naguguluhan siya, nalilito, dahil parang ang bilis lang. She's not an easy to get woman. Hindi naman sa pagmamayabang. Pero sa dami ng mga nanliligaw sa kanya, ni isa wala siyang sinagot. Hindi naman sa mapili siya or ano. Sadyang wala lang talaga sa mga ito ang hinahanap ng puso niya. Ni wala siyang maramdaman na kakaiba. No sparks. No magic. There's no excitement and kilig na una mong mararamdaman kahit na sa isang crush mo lamang. Sa katunayan, mga mayayaman at gwapo din naman ang nanliligaw sa kanya. Pero, hindi niya lang talaga gusto. Kaya hanggang ngayon wala pa siyang naging boyfriend. NBSB nga sabi ng mga kaibigan niya. Marami mga ito niririto sa kanya, ngunit wala talaga, e. Ngunit, bakit ngayon? Sa Logan na ito? Bakit gano'n na lamang kadali tanggapin ng sistema niya ang mga sinasabi nito? Bakit kakaiba ang nararamdaman niya sa tuwing nagkakatitigan lamang sila sa isa't isa? At higit sa lahat, bakit parang gustong-gusto niya na tawagin siya nito sa ginagamit nitong endearment sa kanya? Urghh! Baliw ka na Rian. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD