Chapter 2
"Good morning po, Sir Logan. May bisita po kayo," bungad ng isa sa mga kasambahay niya.
"Sabihin mong bababa na ako," sagot niya na hindi man lang ito tinapunan ng tingin. Nandito siya sa loob ng kanyang opisina dito sa kanyang bahay.
"Okay po, sir."
Lumabas siya at pumanaog. Pagkababa niya palang, nakita agad niya ang kaibigan na si Gavin. Isa ito sa mga matalik niyang kaibigan, isang Agent at bussiness partner niya sa ibang mga negosyo. May pinagawa lamang siya rito.
"Hey, good morning, bro!" agad na bati nito.
"Morning. May nakuha ka ba?" deritso niyang tanong.
"Here," sabay abot nito ng isang brown envelop. Kinuha niya ito at agad na tiningnan.
"Mukhang bata pa 'yan, bro. Hindi na ako magtataka kung bakit nagkagusto kana agad sa kanya. Tsk!" napapailing ito habang pabagsak na inupo ang sarili sa kanyang sofa.
Hindi niya ito sinagot. Nakatitig lamang siya ng maigi sa mga larawan na nasa kanyang harapan. Ang mga bilogang mata nito na kay sarap titigan. Hindi nakakasawa kahit magtitigan lang kayo buong magdamag. Ang natural na mapupula nitong hugis pusong labi na parang nag-anyayang halikan. Ang maliit at matangos nitong ilong na bagay na bagay sa maliit nitong mukha. f**k! Alam niyang bago ito para sa kanya. Itong kakaibang nararamdaman niya. Naiisip niya pa lang ang magandang mukha nito ay napapapikit na lamang siya.
Pagkahatid niya kay Abrianna kagabi, agad niyang tinawagan itong si Gavin para kumuha ng mga impormasyon tungkol sa dalaga. Pagkakita niya pa lang rito kahapon, hindi na maalis-alis ang mga titig niya rito. f*****g that face and body!
At nang masulyapan niya ito na busy sa kakapindot sa cellphone nito, hindi niya na pigilan ang sarili at nagalit agad. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay ang binabaliwala siya. Kung ang ibang mga kababaihan nga halos gawin na ang lahat para mapansin niya lang. Pero, ito? Tangina lang! Para lamang siyang hangin na dumaan rito. Naramdaman nga pero parang wala namang nakikita.
Nakakaloko lang dahil sa dami ng mga babaeng magaganda't sexy na naghahabol sa kanya at pwede niyang ikama kahit kailan niya gusto ay dito pa sa mas bata sa kanya ng walong taon siya nagka interest. In his twenty eight years of existence, hindi niya ipagkakaila na marami ng babae ang dumaan sa kanya.
"Stop drooling her, bro. Picture pa nga lang 'yan, pero kung makatitig ka laway na laway kana. What happened to Logan Montefalcon? One of the wealthiest bachelor in the world, a chic magnate/womanizer and most of all the s*x gamer ay naging interesado sa isang bata pa sa kanya?" nakangisii na saad ng kaharap.
Hindi niya alam kung lalaki ba talaga ang gagong ito. Dinaig pa ang babae kung makapaglitanya. "f**k you bro! And shut your f*****g mouth!" naiinis niyang saad.
"Tsk! Tsk! Iba 'yan, bro! Nakikinita ko na ang kahahantungan mo," patuloy pa rin nito sa pang-iinis.
"Get out now or else sisipain kita palabas dito," pagdidiin niya sa sinabi.
Tumawa ito. "As always ang hindi mabiro naming kaibigan."
Naiirita siya sa boses ng pagtawa nito. Nakakaloko. "One!" banta niya. Ngunit, hindi man lang ito nagpatinag.'"Two!" galit na talaga siya at alam na nito ang susunod niyang gagawin. "Thr---,"
"Tss! Oo na aalis na. Pikon mo, bro! Hahaha," nagmamadaling lumabas ito.
Tsss!Pagkaalis ng kaibigan. Kinuha niya ang cellphone at may tinawagan agad. Nakarinig pa siya ng ilang ring bago nito sinagot.
"Boss."
Walang paligoy-ligoy sinabi niya ang pinag-uutos rito. "May i.sesend akong larawan sa'yo. Kailangan kong sundan mo siya kahit saan siya magpunta, araw-araw. Sabihin mo rin sa akin kung ano ang ginagawa niya't kung sino ang mga kasama niya. At ang pinaka importante sa lahat. Huwag na huwag mong hahayaan na may makalapit sa kanya na mga lalaki. Maliwanag ba?"
"Yes boss!"
"Good!" ikinansel niya agad ang tawag rito.
You will be mine soon, baby.
"Akala ko ba flat lang ang gulong ng sasakyan mo, Sissy Rian? Pero bakit hindi mo gamit ngayon?" tanong sa kanya ni Isabella pagkababa pa lamang niya sa kanyang sasakyan. Nagpahatid lamang siya sa driver nila ngayon.
"Hindi ko kasi napuntahan kahapon, eh." sagot niya.
"Why? Hindi ka na nga sumabay sa akin kahapon." Isabella, may himig pagtatampo sa boses nito.
"Ahm K-kasi ang tagal kung nakauwi, gabi na. Dahil halos may sakay lahat ang mga taxi na dumadaan. Kaya, ayon inabot na ako ng seven ng gabi. Minabuti ko na lang na umuwi na ng deritso kaysa abutin pa ako ng matinding traffic," pagsisinungaling niya. Though half of it is true but the rest, she's lying to them. Alam niyang mali. At ngayon lang din niya nagawa na magsinungaling sa mga kaibigan. Nang dahil sa lalaking 'yon, nakakapagsinungaling siya. Ayaw niya rin muna kasing sabihin sa mga ito na si Logan ang naghatid sa kanya. Mahirap na. Baka pag-tsismisan pa siya dito pag may nakaalam.
"Mamaya dadaanan mo ba?" Naveen
"Hindi na. Si Manong Oscar na ang inutusan ko na kumuha at ihahatid niya dito sa akin."
"Good! Tara pasok na tayo." Mika.
Naglakad na sila papunta sa department nila. Napansin ni Rian ang inaantok na mga kaibigan habang nakikinig sa pag-didiscuss ng kanilang professor. Napapailing siya. Sinipa niya ang katabi na si Isabella na napamura pa sa sobrang gulat, "f*****g s**t!"
Napaayos ng umupo si Rian nang lumingon sa gawi nila ang nakakunot noo at mukhang galit nilang professor.
"What did you just say, Ms. Hernandez? Are you cursing me?" Ibinaba nito ang aklat na hawak at lumapit sa kaibigan.
Mukhang mapapasubo pa tuloy ang kaibigan niya nang dahil sa ginawa niya rito. Nilingon siya nito na may pagbabanta. Oh-oh! Galit na.
"No, Prof! I-I was just surprised. Yeah! I was just surprised because at last, my parents will go home," sagot ni Isabella.
"You have a foul mouth, Ms. Hernandez, and I'm warning you. The next time I hear your cursing, I'll call you to the Guidance Office," paalala ng kanilang prof.
Nakayuko lamang si Rian habang naririnig ang pangaral ng professor nila sa kaibigan. Na-guiguilty siya. Iyong gagawin niya lang sana na pagsaway rito ay nauwi pa sa masama.
"What was that, Rian?!" Naiinis na utas ni Isabella sa kanya nang makalabas na ang kanilang professor.
Napatingin sa kanila ang ibang mga kaklase dahil sa lakas ng boses nito. May pagtataka sa mukha ng mga ito. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi nasaksihan ng mga ito ang galit na mukha ni Isabella sa kanya.
"I admit that it was my fault. I'm sorry, sissy. I just want to stop you from your sleepiness. I do not know that it will happen," aniyang, humihingi ng tawad.
"It's okay, sissy," panglubag loob ni Naveen sa kanya. Ito naman ang binalingan ni Isabella na naiinis. "What?" Nakataas kilay nitong utas kay Isabella.
"That's enough the two of you," singit ni Mika na sinaway ang dalawa.
Katatapos lang ng klase nila Rian sa araw na ito. Naayos rin ang hindi pagkakaintindihan nila magkakaibigan. Iyon naman sila. Sa tuwing may problema at tampuhan sa isa't isa, hindi puwede na 'di nila pag-usapan agad. Binabagtas nila kung saan nakapark ang kanilang mga sasakyan.
"See you at Fab Bar, sissies!" sigaw sa kanila ni Naveen.
"Yeah. See you!" ganting sagot nila rito.
Nagkanya-kanya na silang pasok sa kanilang mga sasakyan.
Kinagabihan, nagkita-kita ang mga magkakaibigan sa nasabing bar. May pananabik at nagtatawanan mga ito nang tinungo ang entrance ng bar.
"Excuse me, Ma'am, puwede ko ba malaman ang mga pangalan ninyo?" Pagharang sa kanila ng isang bouncer na nagbabantay.
"Bakit? Madalas naman kami dito, uh?" kunot noo na may pagtataka na sagot ni Mika.
Nagtataka rin sila Rian. Madalas na sila rito, pero bakit ngayon bigla na lang sila sisitahin at magtatanong sa mga pangalan nila?
"Sorry, Ma'am. Trabaho lang po at sumusunod lang po kami sa boss namin," sagot nu'ng isang bouncer na kasama nito.
"Naiintindihan po namin. I am Abrianna Del Fuego po," pagkasabi niya sa kanyang pangalan ay agad nagsitinginan ang dalawang bouncer. What's with them?
"Mika Aragon po." Isa-isang pakilala ng mga kaibigan niya.
"Isabella Hernandez, Chief."
"Naveen Castillo naman po."
Tumango-tango ang mga ito habang nagpapakilala ang kanyang mga kaibigan. "Salamat po. Pero kayo lang po tatlo ang pwede makapasok, Ma'am," sabay turo nu'ng unang bouncer na humarang sa kanila kina Isabella. "Sorry po, Ma'am Abrianna, hindi po kayo pwede pumasok."
"What! Bakit sila pwede at ako hindi?" bulalas niyang tanong.
Dati naman siya nakakapasok dito kasama nitong mga kaibigan niya. Pero bakit ata ngayon hindi na?
"Oo nga! Bakit hindi siya pwede? Same age lang naman po kami at nasa tamang edad na rin," pagpoprotesta din ni Naveen.
"Utos lang po kasi sa itaas, Ma'am. Wala po kaming magagawa. Kung susuway kami, mawawalan naman kami ng trabaho."
Hindi umimik si Rian, ngunit ang mga kaibigan niya ay patuloy pa rin sa pag-protesta sa sinabi ng mga bouncer.
"Tell your boss that he is a f*****g bastard! Letse!" galit na hiyaw ni Isabella sa pagmumukha ng mga ito.
Ano pa nga ba ang magagawa niya? Alangan naman ipagpipilitan niya ang sarili para lang makapasok sa isang bar. "Okay lang po. Thank you! Let's go, sissy," hila niya sa galit na galit na si Isabella..
Tumalikod na sila at umalis. Nakatayo sila sa kanilang mga sasakyan at hindi pa rin maialis sa mga kaibigan ang pagmamaktol at pagrereklamo dahil sa nangyari.
"Nakakainis naman, oh! Sayang lang ang pag-aayos natin at pagpunta dito. Tapos wala rin pala mangyayari," hirit ni Isabella.
"Anong sayang? Hello mga, sissy! Fab lng ba ang meron dito sa Manila? Ang dami pa diyan, noh! Kaya halina kayo, huwag kayo magdrama diyan." Naveen at sumakay na sa sasakyan nito.
Tama nga naman. Kaliwat kanan ang mga bar dito sa Manila, kaya walang problema. Ang Fab lang kasi ang lagi nilang punupuntahan kapag gusto nila magsaya. May kamahalan ito, pero sulit naman ang lahat. Bukod kasi sa ganda ng ambiance nito kahit sabihin pang bar, makakasiguro ka rin na safe ka dahil walang gulo na mangyayari. Maraming bouncer ang nakatalaga at naglilibot sa loob.
"What the hell! Ano ba ang nangyari sa mga bar dito? Pang ilang bar na ang napuntahan natin. Lahat sila ayaw ka papasukin, sissy!" Isabella said frustratingly.
"Kanina pa rin ako nagtataka kung bakit lahat na lang ayaw akong papasukin," aniya. Nandito sila ngayon sa park malapit sa huling bar na pinuntahan nila.
"Hindi kaya ang daddy mo ang may gawa nito, sissy?" Mika.
"Kung si daddy sana noon pa. Pero, bakit ngayon lang? Tsaka wala naman problema sa kanya ito, eh. Nagpaalam din ako sa kanila ni mommy kanina ng maayos. Okay lang naman sa kanila," nakabusangot niyang paliwanag.
"Kung gayon naman pala, eh. Sino?"
Napaisip din siya. Sino nga ba? At bakit niya gagawin ito?