Chapter 19 Pagbaba ni Logan sa kanyang sasakyan, nagkikislapang mga camera ang bumungad sa kanya at isa-isang nagsilapitan ang mga reporter. Agad din naman lumapit ang mga bodyguard niya at hinarangan ang mga ito. Inalalayan niyang makababa ang nobya. Mas lalo lamang gustong makalapit ng mga reporter pagkakita kay Abrianna. "Mr. Montefalcon, totoo po bang ikaw ang ama ng pinagbubuntis ni Ms. Katarina Rodriguez?" "Ms. Del Fuego, what can you say about this issue?" "Is it true, Ms. Del Fuego, that you almost killed yourself when the time you knew it?" "Leave us alone!" Maawtoridad na sabi ni Logan. Payakap na inalalayan niya si Abrianna papasok ng hotel. Hindi malaman ni Rian kung saan napulot ng mga reporter ang ganoong tsismes. Nasaktan siya, inaamin niya 'yun. Pero ang magpakamat

