Chapter 45 Ilang gabi ng paulit-ulit na bumabalik kay Logan ang alaala ng kahapon. Ang buong akala niya'y naibaon na niya ito na kasing lalim ng bangkay nito. Na akala niya kapag bumalik siya dito ay handa na niyang harapin ang lahat. Na kahit mapag-usapan ito ay hindi na siya masasaktan. Ngunit, bakit? Bakit nang marinig niya kay Keianna, kung paano hindi pa rin nito malimutan ang dating tinatawag na mommy nito ay bumalik ang pangungulila niya rito. Bakit nang marinig niya mula kay Amity ang pagtawag sa kanya ng apelyedo niya? Ito agad ang naalala niya. At higit sa lahat, ang Dra. Calexa na iyon? Bakit kahit mata lang nito ang kanyang nakita ay si Abrianna na agad ang kanyang naisip. Pati ang pagtibok ng puso niya'y nakisabay rin ng tulad ng naramdaman niya sa dating kasintahan. "Umiino

