Chapter 43 Sa paglipas ng mga araw, linggo at buwan. Sa pagkawala ni Rian sa piling ng mga mahal sa buhay, nag-iwan ito ng malaking dagok, lalo na sa mga magulang nito. Ang dating masaya at masigla nilang tahanan, ngayon puno ng pighati at kalungkutan. "Hon, kailangan mong kumain ng marami. Tingnan mo nga iyang sarili mo? Nangangayayat kana," pag-pupumilit ng ama ni Rian sa asawa nito habang sinusubuan at nakatulala lamang. Nakailang subo pa lang ito pero umaayaw na. Iniwasan nito ang pagkain na isusubo sana muli ng asawa. "Cassy, please! Magtatatlong buwan kanang ganyan. Tama na! Maawa ka naman sa sarili mo!" naiinis na nitong saad. "Maawa ka din naman sa 'kin. Nahihirapan at nasasaktan din ako sa tuwing nakikita kang ganyan." Lumuhod siya sa harapan ng asawa saka niyakap ito ng mahig

