Chapter 50 "Logan. Babe, " dinig niyang tawag sa kanya. Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahan niyang iniangat ang paningin sa nagmamay-ari na boses na iyon. And there, he saw again the beautiful pair of eyes. Ang isang salitang namimiss niyang marinig mula sa mga labi nito. Alam niya. Alam niyang nagbalik na ang alaala nito. "Baby," pinipigilan niyang maiyak. Ngumiti siya rito. Malaki ang kanyang pasasalamat sa itaas, dahil sa wakas dininig nito ang kanilang mga dasal. Walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan ngayon. "W-water. W-water, please," mahina nitong sambit na mukhang pagod na pagod. "Okay-okay, wait, baby," natataranta, aniya. Mabilis siyang kumilos at kumuha ng isang basong tubig. Inalalayan niya itong makaupo upang makainom. Tahimik lamang nakatanaw ang mga magulang ni Abri

