Chapter 14 Nasa loob ng library sina Rian at mga kaibigan niya habang nag-aaral. Simula pa kahapon nakababad na sila sa mga libro nila. Kanina nagsimula ang final exam nila para sa semester na ito, kaya todo kayod sila sa pag-aaral. "Kailan mo tatanggapin ang proposal sa'yo ni Logan, sissy?" Baling sa kanya ni Naveen habang nakatutok pa rin sa aklat na binabasa nito. Napatingin naman siya rito. Bigla niyang naalala ang singsing na ibinigay ni Logan sa kanya. Kailan nga ba? Handa na nga ba siyang pumasok sa buhay pag-aasawa? Mahal niya ito at mahal din siya nito, per sapat na nga ba ang pagmamahalan nila sa isa't-isa? "Sa ngayon, hindi ko pa alam." Tanging nasabi na lamang niya. "What if you get pregnant?" Dugtong naman ni Mika. Doon na tuluyan natigilan si Rian sa sinabi ng kaibigan

