Chapter 28 Nagising si Rian dahil sa lamig na nararamdaman mula sa ibinubuga ng air conditioner. Naalala n'yang hubot hubad pa pala s'ya at tanging puting comforter lamang ang nakatabon sa kanyang kahubadan. Napatingin s'ya sa kanyang tabi, ngunit walang Logan s'yang nakita. Napansin din n'ya na medyo madilim na sa loob ng kwarto. "Where is he?" Tuluyan na s'yang bumangon para hanapin ang nobyo. Agad n'yang kinuha ang nakatuping damit sa paanan ng kama saka isunuot. Lumabas s'ya ng terrace. Sumalubong agad sa kanya ang malamig na simoy ng hangin at ingay sa paghampas ng tubig dagat sa dalampasigan. Kay sarap sa pakiramdam at nakakawala ng pagod ang ganitong magandang tanawin. May nakikita na rin s'yang mga tao na naglalakad sa dalampasigan. Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa pal

