It was you

1406 Words
Arabela's POV Nagdidilig ako ng halaman at hindi ko maiwasan mapangiti hindi dahil sa mga namumukadkad na mga bulaklak kundi dahil kay sir Matthew. Hindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi sapagkat hinihintay ko ang text message niya pero ni isa wala akong natanggap. Pero 'di bali alam kong magte-text siya sa sa'kin parehas ng sinabi niya sa restaurant. "Nice name," Sabi niya nang magpakilala ako at gano'n rin siya. "Bytheway, I'm Matthew, nice to meet you," Sabi niyang muli at nilahad pa nito ang kamay sa akin kaya naman ay kimi ko itong tinanggap. "Nice to meet you din po, sir," Tugon ko naman at napalunok pa ako nang bahagya niyang pinisil ang aking kamay. Binitawan niya lamang ang aking kamay dahil sa dumating na ang order naming pagkain. Nagpatuloy kami sa pag-uusap habang wala pa ang amo ko. "Ngayon lang kita nakita kailan ka pa nagtatrabaho as PA ni Cheska?" Tanong niyang muli. "Pitong buwan pa lang po," Sagot ko naman. Tumango tango ito at muling nagtanong. "May cellphone number ka ba?" Anya pa at nilabas ang kanyang touch screen na cellphone. Nang hindi ako makasagot ay nag-angat siya ng tingin. "Gusto ko sana makuha ang number mo since ikaw palagi ang kasama ni Cheska para malaman ko rin kung maayos ba siya dahil busy siya sa mga schedule niya kaya madalas hindi niya nasasagot ang mga tawag ko, okay lang ba kung sa pamamagitan mo ay makukumusta ko ang girlfriend ko?" Mahinahon niyang tanong kaya hindi ko maiwasan pagmasdan ang napaka-perpekto nitong mukha lalo pa ang makukulay abo nitong mga mata na nakatutuk sa akin at dinaig pa ako sa haba at makakapal na pilikmata nito. "Ahh, o-opo naman po sir, teka ito po ang numero ko," Sagot ko nang tinitigan niya ako kaya medyo nahiya ako dahil alam kong subrang pangit ko ngayon. "09--" Sabi ko nang mailabas ang aking cellphone at halos malaglag naman ang panga niya nang makita ang aking cellphone. Doon ko pa lang napansin na malapit nang sikatan ng liwanag itong cellphone ko na cherry mobile na keypod may tali pa sa gitna dahil wala itong takip sa likod kaya malalaglag ang battery. "Gumagana pa ba 'yan?" halos hindi niya makapaniwalang tanong sa akin kaya tumango tango ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at kalaunan ay sinave niya rin ang numero na ibinigay ko. "Ilang taon ka na?" hindi muna ako nakasagot dahil nabigla ako. Bakit niya kaya tinatanong ang edad ko. "22 ho sir--" "Gosh, sorry babe natagalan ako," ang boses ni Señorita ang umagaw sa masaya naming pag-uusap hanggang sa natuon na ang atensyon ni sir Matthew sa nobya nito. Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang eksenang iyon. Dalawang araw na ang nakaraan pero hindi ko pa rin mawaglit ang mga ngiti ni sir Matthew nakakadarang. Nakakalaglag panty! Nakagat ko ang ibabang labi dahil kung ano-anong kamanyakan ang pumapasok sa isip ko. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa hanggang sa natapos na ako sa gawain bahay. Kasalukuyan akong nagpupunas ng mga kagamitan dito sa kusina nang marinig ko ang sunod-sunod na pag doorbell at kaagad kong kinuha ang salamin at sinuot ko ito sa aking mata bago ako patakbong nagtungo sa gate at gano'n na lamang ang gulat ko nang tumambad si sir Matthew na may hawak hawak na bulaklak at inabot niya ito sa akin kaya napa-awang ang aking labi at kinuha ko rin ito. Parang mga bulaklak din na namumukadkad ang aking puso nang pinagkakatitigan ko ang kumikinang sa pula na bulaklak at si sir Matthew ay ginarahe ang sasakyan nito papasok sa gate at ako ay nanatiling nakatayo. Narinig ko ang boses ni Señorita sa aking likod at bago pa ako lumingon kay Señorita ay kinuha ni sir Matthew ang bulaklak mula sa akin at ibinigay ito kay Señorita. "Happy weekend, babe! For you," Narinig ko ang malambing na boses ni sir Matthew at nagpasalamat naman si Señorita. "Anong ginagawa mo diyan, nakapagluto ka na ba?" Puna sa akin ni Señorita kaya napapikit ako nang mariin. Ano nga ba ang ginagawa ko?" "Ah, pasensya na Señorita, magluluto na ho," Sabi ko at nakayuko akong naglakad papasok sa kusina. Uminom muna ako ng tubig dahil hindi ko maintindihan ano ba 'tong nangyayari sa'kin. Nang mahupa ako ay nagsimula na akong maghanda para sa tanghalian. Mula dito sa kusina ay narinig ko ang tawanan nila lalo pa ang hagikhik ni Señorita na bakas ang subrang pagkakilig. Bukod kasi sa flowers ay may mga chocolates din at ako pa ang naglagay nito sa ref kaya naman ay bigla na naman nabuhay ang inggit ko sa katawan. Wala eh, taga hanga na lang ako sa katulad ni Señorita Cheska na may perpektong boyfriend. Sabi nila wala daw perpektong tao sa mundo pero bakit napaka-perpekto ng buhay ni Señorita, bukod sa maganda na, makinis ang balat, matalino, mayaman at higit sa lahat may isang Matthew na nagmamahal. Bakit kaya mapagbiro ang tadhana sa dinami-rami ng tao sa sanlibutan bakit si sir Matthew pa ang nagustuhan ko. Pahamak kasi 'yong bata sa mall eh kung hindi niya natabing ang kendi na paninda ng ale 'ede sana hindi ko nakilala si sir Matthew o kung nakilala ko man sana hindi ganito kalala ang nararamdaman ko sa kaniya. Alam kong may pagtingin ako sa amo ng boss ko, hindi ko naman sinasadya eh, dahil nauna kong nakita si sir Matthew kaysa no'ng nakita ko na siya sa set. Hay, buhay sadyang mapaglaro! Napa-iling iling na lang ako sa mga walang kuwenta kong naiisip. Dahil kahit baliktarin man ang mundo malabong maging mundo ko ang mundo ni Señorita. Ipinagpatuloy ko ang paghihiwa ng bawang nang pumasok sa kusina si sir Matthew at tinupi nito ang long sleeve na suot hanggang siko. "Need help?" Nagumiti siya kaya halos magdeliryo na naman ang paro paro ko sa tiyan. Bakit ba kasi napakalakas ng dating ng lalaking ito lalo na kapag lumalabas ang dimpples niya sa magkabilaan. "Ah, sir kaya ko na ho ito, salamat ho," Pagtanggi ko dahil baka hindi ako makapukos sa ginagawa lalo pa kung narito siya. Pero tila walang narinig si sir Matthew at nagbukas ito ng ibang rekados sa ref at tumabi sa akin sa lababo para hugasan ang mga gulay kaya halos mapugto rin ang hininga ko dahil magkadikit ang aming mga braso at nararamdaman ko ang tila kuryenteng bultahing dumadaloy sa aking mga ugat kaya ako na lang din ang umiwas at tumalikod sa kaniya. "Marunong ho pala kayong magluto, sir," Paninimula ko para mawala rin ang kakaibang kaba na aking nararamdaman dito sa kusina. "Yeah, high school pa lang ako marunong na ako magluto. Kaya nga na in love sa akin si Cheska dahil masarap magluto," Sagot niya. "Sanaol," Naiusal ko. "What?" Tanong niya. "Ah, wala sabi ko sana lahat ng lalaki magaling magluto," Palusot ko. Hindi naman siya kumibo at naghiwa na rin ako ng sibuyas. "Pahiwa na rin nito, please," Anya at lumapit sa akin at nilagay ang patatas kaya tumango tango ako. "What are you doing?" Takang tanong niya marahil nakita niyang nakapikit ako habang hinihiwa ang sibuyas. "Naghihiwa po ng sibuyas sir," Sagot ko naman. "Bakit ka nakapikit baka masugatan ka ako na ang maghihiwa," Inagaw niya sa akin ang kutsilyo kaya kinurap kurap ko ang aking mata dahil talagang allergy ang mata ko sa sibuyas madali akong maluha kapag naghihiwa ng sibuyas. Nagulat na lamang ako nang kinabig niya ako patungo sa gilid at hinawakan niya ang aking mukha at tinanggal niya ang aking eye glass at pinunasan niya ng panyo ang aking namamasang mata. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ba ang lumipas at patuloy siyang nakahawak sa aking bewang na hindi ko na namalayan nakasandal na pala ako sa pader. Unti-unti kong minulat ang aking mata kasabay nang subrang lakas nang t***k ng aking puso nang hinawi niya ang bangs ko pataas sa ulo ko. Hindi ako nakakibo at nakipagtitigan lang din sa kanya. "It was you," pabulong niyang sambit marahil naalala niya ako, nakilala niya ako na ako iyong babaeng pinunasan niya din ng panyo pitong buwan na ang nakakaraan. Biglang siyang ngumiti at hinaplos pa ang aking mukha. "Why didn't you tell me you were the girl?" pati ang abo nitong mga mata ay nakangiti rin, masaya ba siya na muli kaming nagkita?" "Babe?" "Si Señorita!" sambit ko kay sir Matthew pero tila wala itong naririnig at pinakatitigan pa ako. "Anong ginagawa ninyo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD