Ace’s POV "Ace naman kasi! Bakit mo ginawa yun?" Erica. "Oo nga! Baka magalit na satin yung D.P. at hindi na tayo pansinin!" Gel. "Waaah! Paano na kami ni Sean?!" Ainie. Kagabi pa ako sinisermonan ng tatlong 'yan dahil sa paninira ko sa kotse nung ugok. At sa totoo lang, naiirita na ko. Hindi naman sila ganyan dati eh. Sinusuportahan nila ko sa lahat ng ginagawa ko. Tapos ngayon, may nakita lang na mga malalanding lalaki, sisermunan na nila ako? "Gusto niyong pansinin nila kayo?" Seryosong tanong ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang tumango. "Sige. Sumali na kayo sa grupo nila at umalis na sa grupong 'to." Sabi ko at naglakad na papasok ng school. "Pfft. Bye gals!" Sabi ni Aiza at tinapik si Gel sa balikat. "Ang lalandi niyo kasi eh." Sabi naman ni Marj at tinapik si Erica. "

