Ace’s POV Dinala ako ng mga lalaki sa isang lumang court. Kung tama ang pagkakatanda ko, dito rin nangyari yung nasaksihan naming gang fight. May posibilidad kayang sila rin yun? Mga nakacap at hood kasi sila that night kaya hindi namin nakita yung mukha nila. "Okay lang ba yung higpit?" Tanong ng lalaki na kanina pa may kinakalikot sa likod ko. Dito ako sa mini stage pinaupo ng mga lalaki habang hinihintay namin sila Demori. Pero asa pang pumunta yun dito. Pake naman nun sakin, diba? Pero syempre gusto kong dumating siya ng makakita naman ako ng bakbakan. "Huh?" Tanong ko dahil hindi ko naintindihan yung tanong niya. "Kung okay na ba yung higpit ng pagkakatali ko sa kamay mo? Baka kasi nasasaktan ka na sa sobrang higpit." Tali? Sinilip ko ang kamay ko sa likod at napansin ngang naka

