Ace's POV Nakita kong natigilan rin sandali si Gray ng mapansin niya si Chase. "May I go in?" Tanong ni Chase kay Gray. Tumingin sakin si Gray saka tumingin muli kay Chase. Hindi ito nagsalita at biglang lumakad na lang paalis. Tsk. Nagiguilty ako. Ayokong makita si Gray na nagkakaganun pero wala akong magawa. "Narinig ko ang ilan sa mga pinag-usapan niyo." Sabi ni Chase ng maupo sa tabi ko. "What are you doing here? Nasaan si Kanika?" Pag-iiba ko ng topic. Medyo umiwas siya ng tingin bago nagsalita. "She's resting in her unit." "Sana hindi mo siya iniwan. Ngayon na nga lang kayo nagkita tapos--" "I wanna check if you're okay." Pagputol nito sa sinasabi ko. "I'm okay. Pwede ka ng umalis." Malamig kong sabi sa kanya. "Why are you like this? Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-ala

