Ace's POV Clyde Zachary 99.9% MATCH Nanghina at napaupo ako nang mabasa ko ang nakasulat sa papel na nasa loob ng envelope. Sunod-sunod na ring tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Tinignan ko rin ang date, isang taon na ang nakakalipas. Hindi ako makapaniwala na nagawang itago sakin ni Gray ang bagay na 'to sa loob ng isang taon. Bakit? Alam niya na all this time, bakit hindi niya sinabi? Hinayaan niya lang ako kahit nakikita niya na sobrang nasasaktan pa rin ako sa pag-aakalang wala na si Clyde. Why did he keep this very important information from me? Why? "H, what are you doing-- Shit." Bumukas ang pinto ng kwarto at dumating ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng sobra pero nanggago sakin. Gray. Mabilis itong naglakad papunta sakin at sinubukang agawin ang papel pero bago pa man niy

