ANG ganda-ganda ng suot ko at nagpalagay pa ako ng make-up kay Malena pero hindi pala kami sa mall pupunta ni Thaddeus. Pinabili lang niya ako ng isang bungkos ng iba’t ibang klase ng bulaklak at matapos iyon ay pumunta kami sa isang sementeryo. Hindi pa naman ganoon kadilim dahil ahlos kumakagat pa lang ang ala-sais ng gabi. Ako pa talaga ang pinagdala niya ng bulaklak habang naglalakad kami sa sementeryo. “Hoy, Sir Thaddeus! Anong gagawin natin dito?” Mataas ang boses ko dahil naiirita talaga ako. Umasa kasi ako sa sinabi ni Malena na baka ide-date ako ni Thaddeus pero hindi pala. Date? Sa sementeryo? Mukhang hindi. Siguro may dadalawin lang siya dito at isinama lang niya ako para may taga-bitbit ng bulaklak niya. Nakakainis, `di ba? Wala man lang akong narinig na tugon mula sa kanya

