“TEKA… Ako ito noong bata-bata pa ako. Paanong napunta ito sa inyo?” Nagpapalit-palit ang tingin ni Manang Britney sa amin ni Malena. Doon na ako napangiti nang malaki. Sinasabi ko na nga ba! Si Manang Britney ang hinahanap ni Malena na nanay niya. Medyo tanga-- ah, tanga na nga si Malena dahil hindi man lang nito napansin na magkamukha ang picture ng nanay nito at si manang. “Picture iyan ng nanay ko… Iyan na lang ang natitirang alaala niya sa akin. Hinahanap ko siya. Bakit? Nakita mo ba siya, manang?” Iyon ang sinabi ni Malena. Napa-face palm na lang ako. Kung gaano siya kabagal magsalita ay ganoon din kabagal ang utak niya. Biglang nangilid ang luha sa mata ni Manang Britney. Humakbang ito palapit kay Malena. Medyo tumabi naman ako upang magkaharap sila ng maayos. “M-malena, i-iton

