Kabanata 19

2907 Words
Chapter 19 Hinatid ako ni CJ sa bahay namin. Pagod akong pumasok sa loob ng bahay at napapahawak pa ako sa batok dahil sa ngalay na nararamdaman ko dito. I had fun tonight. Dati pa naman ay masaya ng kasama si CJ. He is a funny guy. Hindi ko nga alam kung bakit wala pa din siyang girlfriend ngayon. Ang manly niya kayang tignan! Baka nga kaya lang din ako sumikat ay dahil lang din sakanya. Ang dami kayang nagpapantasya sakanya na mga kababaihan. I bet may mga babaeng may posters niya sa loob ng kwarto at tinitignan yon habang gumagawa ng sariling kababalaghan. Pahakbang pa lamang ako sa hagdan ay biglang nagbukas ang ilaw sa buong living room. Napalibot ako ng tingin at doon napansin si Jerome na naka cross ang mga braso at may nanlilisik na tingin sa akin. You forgot our dinner. Aniya habang papalapit sa akin. I swallowed hard as I realized the dinner he said to me before I went to the photo shoot. Patay ka Decery! I called you so many times but someone picked up the phone and said that you forgot to bring it with you. He said. Dahil sa sinabi ay napakapa ako sa aking sarili at madaling hinanap ang cellphone ko. Wala nga yung phone ko! Nasaan yon? Nakalimutan ko ba doon sa pinuntahan namin kanina bago kami kumain ni CJ? I once check again my bag but my phone is missing. Looking for this? Napatingin ako sakanya at nakita ang cellphone ko na hawak ngayon ng kamay niya. I went to that studio to get your phone. At alam mo ba kung anong sinabi sa akin ng nakapulot ng cellphone na yan? You were with CJ, having a dinner date because today is his birthday. Dagdag niya pa na nakapagpakilabot sa akin ng husto. I went to the other man’s invitation and forgot my husbands invitation for dinner. Ang bonak mo Decery! Sobra! Masyado kasi akong nagpadala doon sa napakinggan ko kanina kaya ayan, nakalimutan ko ang dinner sana naming mag-asawa. Kahit na kinakabahan ay inihakbang ko ang paa ko patungo sakanyang kinatatayuan. I hugged him tightly as soon as I arrived and kissed him in his lips before looking in his eyes. Go lang sa paglalandi Decery, bibigay din ang asawa mo at mapapatawad ka din niyan. Sorry… I pouted. Nawala kasi sa isip ko kanina yung about sa dinner natin. And about Cj, paano ko naman matatanggihan yung may birthday diba? Pagpapaawa kong sagot sakanya. One thing that I’ve learned since Jerome and I became this intimate to each other, madali lang siyang mahulog sa kalandian ko. Ganoon lang talaga siguro niya ako kamahal kaya naman kahit na ilang beses na siyang nagseselos ay in the end, nagkakaayos pa din kaming dalawa. Marupok! Sorry na hmmm? Hmmm? Saad ko pa ulit habang paulit-ulit kong hinahalikan ang buong muka niya. Did you eat dinner? Pwede kitang samahang kumain kahit busog pa ako. Jerome looked away as he saw me pouting my lips and making myself cute In front of him. Napatikhim pa siya ng ilang beses bago tuluyang tumingin sa akin. I am not hungry… baritonong saad niya. Talaga ba? I said while tracing his chin down to his chest and almost near to his crotch. Even if I offer myself for dinner? I sexily whispered to him Nakita ko ang ilang beses na paggalaw ng adams apple niya. Namumula na din ang kanyang tenga na animo ay nag-iinit. Ilang sandali pa ay siya na ang naglayo sa akin at walang sabing dumiretsong papasok sa loob ng kusina. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa at mapahawak sa tiyan dahil sa naging mabilisan niyang aksyon. Nilakad ko ang papasok ng kusina habang tumatawa at doon nakita ang nakabusangot na muka ni Jerome habang sumasandok ng kanin. I thought you’re not hungry? Hindi ko mapigilang saad habang natatawa. I am now. Nakanguso niyang saad na lalo kong ikinatawa. Binalak kong lumapit sakanya ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay pinigilan niya ako. Stop! Don’t come near me. Mauna ka na sa taas at matulog. Saad niya pa. Why? I want to watch you eating. I said. I’m still mad. So don’t flirt and go upstairs to sleep. Aniya habang itinuturo ang daan papunta sa hagdan. Taka ko siyang sinundan ng tingin ng dumaan siya sa gilid ko at pumunta sa dinning table namin. Anong problema niya? Is he still mad at me? Kanina naman mukang okay na kami ha? Anong trip niya? Wala na akong nagawa kung hindi umakyat na sa kwarto namin at nag-ayos na bago matulog. Hindi ko na siya inantay dahil mukang wala talaga siyang balak na makita pa akong gising kapag umakyat na siya. Ilang oras na kasi ang itinagal ko sa loob ng banyo tapos nag-ayos pa ako pero wala pa din siya. Pag gising ko kinaumagahan ay wala din si Jerome sa higaan. Agad akong bumaba sa living room namin para hanapin siya pero ang naabutan ko lang ay ang unan at isang kumot na nakatupi sa mahabang couch namin. Dahil wala naman siya sa living room ay hinanap ko naman siya sa kusina at doon siya naabutang nakasuot ng office attire at nagluluto ng breakfast. Go to the dinning table, malapit ng matapos ito. Aniya habang ang tingin ay nasa niluluto pa rin. Agad ko naman sinunod ang sinabi niya at kamot batok akong nilakad ang lamesa. Ilang sandali lang ay inilapag na ni Jerome ang baso ng gatas sa harapan ko at isang plato ng omelet na may kasamang tinapay. Anong meron? Bakit parang hindi niya ata ako pinagkakanin ngayon? Sorry. Medyo nagmamadali kasi ako kaya hindi na ako nakapagsaing. Aniya habang ang tingin ay nasa kinakain. There is something going on with him. Kagabi lang ay biglang nagbago ang mood niya. Tapos ngayong umaga ay hindi niya naman ako matignan sa muka? May dumi ba ako? Inamoy ko ang sarili ko at na amoy ang morning scent ko. Mabaho ba yon sa ilong niya? Hindi pa rin ako nakakapag toothbrush ngayon. Ten minutes after, Jerome stood up and carried his plate to the sink. Umakyat siya sa second floor ng bahay at mayamaya lang ay dala niya na ako bag na madalas niyang gamit papasok ng opisina. I’m leaving. Aniya habang diretsong naglalakad patungo sa pintuan. Nagmadali akong tumayo at patakbong tinakbo siya. Aalis ka na agad? Di mo ako aantayin? Saglit lang ako promise. Saad ko bago siya tinalikuran at nagsimulang tumakbo. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay sumigaw si Jerome. No! I mean, I can’t. Marami pa kasi akong aayusin sa kumpanya ni dad. Aniya. Napatulala na lamang ako ng sabihin niya iyon at tuluyang lumabas ng bahay. Lumo-lumo akong bumalik na lamang ako sa lamesa at umupo ulit. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ng itlog na hindi ko natapos kainin dahil sa paghabol sakanya. Ano ba ang problema niya talaga? Litong lito na ako sa kinikilos niya ngayon. Dahil pa rin ba ito sa hindi ko pagsipot ng dinner namin? Nagseselos ba siya kay CJ ulit? It is just a dinner. And I am sorry to him dahil sa hindi ko pagsipot sa dinner namin. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas at nag-ayos na para pagpasok sa trabaho. For todays agenda, may pictorial akong gagawin at isang runway show. Sa gabi naman ay may party ako na pupuntahan. Nang makapag-ayos ay umalis na ako sa bahay at pumunta sa unang lugar kung saan ang photoshoot ay gaganapin. Everyone was there. Mamita, CJ, the directors and CJ’s manager. Good morning. I plainly said to them. Everyone greeted me back. After that, my make up artist did my make up and my stylist pick a nice clothes for me. This pictorial is a shoot for a fast food chain na ginawa kaming ambassadors. Bukod kasi sa mga guestings ay iba’t ibang companies din ang nag-aalok sa amin na maging muka ng brand nila o di kaya ay ambassadors. Dahil dito, sobrang naging laki ng ipon ko dahil sa laki ng pera na pumapasok sa bank account ko. After thirty minutes, nagsimula na ang pagpicture sa amin. CJ and I did some random poses. Sunod-sunod lang ang oag flash ng camera kaya naman ay mabilisan din ang pag pose namin ni CJ. We’ve shown different angles of our face and position. Nang matapos ang shoot ay naghanda naman ako para sa susunod ko na gagawin ngayong araw, at iyon ay ang runway fashion show. It is not my first time in this kind of show. Sa totoo lang ay marami na akong nasalihang fashion shows. Yung iba pa nga ay ginagawa nila akong muse o yung pinaka main model ng show. Pagkarating ko sa backstage ng fashion show ay nakita ko kaagad ang mga modelo na makakasama ko sa runway. Different models with different type of beauties. I bet yung iba diyan ay ma-attitude. Sa dami ba naman ng babaeng modelo na nakasalamuha ko, mas marami pa ang mataray sa down to earth na babae. Habang naglalakad ako papasok ay nakikita ko ang paglingon ng ibang babaeng modelo. Ang iba kung tumingin ay may paghanga, ang iba naman ay tingin ng isang babae na insecure. Dukutin ko mata nila kapag nakita kong umirap sila sa akin. Nang marating ang upuan ay agad akong inayusan at binihisan ng crew stylist ng show. I wore a white mermaid gown paired with bangles and white heels. I like the style. Simple but elegant. Parang gusto ko na siyang isuot para sa party na pupuntahan ko mamayang gabi. When the show is about to start, pinapila na kami. Halos nasa pinakadulong bahagi na ako ng pila. Ilang sandali pa ay nagsimula ng tumugtog ang music at nagsimula ng umusad ang pila. You’re here also. Napalingon ako sa babaeng nagsalita. It was Pamela. She’s a part of the show base on her outfit. May mga panget pa lang nakakasali dito. Akala ko pag high end fashion ang show na to, may bisugo palang nakapasok dito. As you can see. Pagbabara ko sakanya. By the way, nice gown. It suits you. Pagpupuri niya. But, to tell you, mas bagay pa rin ang suot ko. I’m the muse of this show. Actually, all the dresses and gowns was inspired to me. Proudly, she said. Gusto kong masuka sa pagmamayabang niya. Ano naman ang pake ko kung inspired sakanya ang suot ko ngayon? Like what she said, this gown suit me well. Mas bagay pa nga sa akin at mukang sa akin pa inspired ang gown dahil ang ganda nitong tignan sa akin. Yeah right. Boring kong saad sakanya. Nakita ko naman ang pag-irap niya sa akin. Kalikutin ko yang mata niya! Feeling maganda eh manlalandi naman ng may asawa. Bago pa ako makalabas sa stage ay kinalabit ako ni Pamela at nakangising bumulong sa akin. You will be surprise when you go outside. Don’t be shock okay? I do not want you to ruin this amazing show. Aniya bago tinawag ang pangalan ko ng organizer para maghanda dahil ako na ang susunod. Ano ba yung sinasabi niya? Me? Masusurpresa? Dahil saan? Mahadera talaga yung babae na yon. Wala ng ibang alam na gawin kung hindi iangat ang sarili niya dahil hindi niya ako mapantayan. Nang magsimula na akong maglakad ay diretso lamang ang tingin ko. I am almost near at the end of the stage when I saw a familiar figure of a man. Sa likurang bahagi niya ay si CJ na kumakaway sa akin at may dalang bulaklak. What is he doing here? Akala ko ba busy siya sa problema ng kumpanya nila? Bakit makikita ko siya ngayon dito? With all places, dito ko pa talaga siya makikita unexpectedly. Habang naglalakad ay bigla akong napaisip, ito ba yung sinasabi ni Pamela sa akin bago ako lumabas? Because she knew that Jerome is here? Meaning, magkasama silang pumunta dito kanina at mukang sa hilatsa ng muka ni Pamela kanina, nandito si Jerome para isupport siya. Talaga namang nagsinungaling pa siya para makapambabae. Hindi niya alam, mahuhuli at mahuhili ko siya ng hindi sinasadya. Gusto ko siyang kutusan ngayon, sa totoo lang.  At talagang may bulaklak pa siya. Ano yon, bumili ba siya ng bulaklak kasi alam niyang makikita niya ako o dahil para talaga iyon kay Pamela? Tsk! Binabawian niya ba ako sa pang-ta-talkshit ko sakanya sa dinner namin? Natapos ko ang buong pagrampa ng hindi pinapakita ang emosyong kanina pa kumakain sa buong katawan ko. Mamaya lang talaga siya sa akin. Gagarotihin ko talaga siya kapag parehas na kaming nasa bahay. Pagkatapos ng show ay bumalik na kaming lahat sa backstage. Nagbihis na ako at ng makalabas ay doon ko naabutan ang pagbibigay ni Imaw ng bulaklak sa babaeng kinaseselosan ko. Sa likod ni Jerome ay si CJ na gwapong naglakad papunta sa akin habang hawak ang isang bouquet ng bulaklak. Congrats Jai. Aniya bago halikan ng biglaan ang pisnge ko. It is the first time I heard him say my nickname kaya naman nakakagulat. Also, iba yung paraan niya ng paghalik ngayon sa pisnge ko. Hindi ko marecognize pero alam ko na may iba. Nang magawi ang tingin ko sa likod ay doon ko nakita ang reaksyon ni Jerome. He is not shock nor scared because I saw him with Pamela. Ang reaksyon niya ngayon ay isang asawa na gustong manapak dahil sa nakita. Siya pa talaga ang may ganang magalit ngayon. Ano, nambabaliktad lang? dahil ayaw niyang masumbatan ibabaliktad niya na lang para ako ang masumbatan niya? Grabe! Thanks Jerome. Ani Pamela habang inaamoy amoy pa ang bulaklak na binigay sakanya ng asawa ko. Thank you also for supporting me here. Maaga ka pa talaga umalis sainyo para masamahan ako na magpa salon kanina. She said while looking at me. Napaiwas na lamang ako ng tingin at kinuha sa lamesa ang bulaklak na binigay ni CJ bago umalis. Anong tingin niya sa akin, hindi nasasaktan sa nakita ko kanina? At talaga namang kahit nilalandi na siya nung isa parang wala lang siyang pakealam na pinapanood ko sila. Magsama na sila! Tutal mukang yun din naman yung gusto ng daddy niya na demonyo. Nang makalabas na ako ng events place ay umuwi na ako sa bahay para mag-ayos para sa party na pupuntahan ko mamaya. It’s a party for all the artists of that station kaya naman ay kailangan na maging presentable ang muka ko mamaya. CJ is my partner in that ball. Sino pa ba ang magiging partner ko kung hindi ang love team ko lang din naman. I am actually excited mula noong malaman ko kay mamita noong kakaraang linggo ang tungkol sa party na ito. That’s why I ordered a dress that will best partnered to the motif of the party. Kaya lang, dahil sa nasaksihan ko kanina ay parang nawala yung excitement na yon. Bumabalik na naman yung pagkainis ko kay Jerome! After I took a bath, I wore now the gown that I’ve ordered. It is a black backless fitted gown with a gold lining on it. Mahaba din ang pagkakahiwa dito kaya naman kitang-kita ang maganda kong hita. My cleavage is showing also. I love this gown! It screams high fashion! Nang maging presentable na, kinuha ko na ang maliit na bag na dadalhin ko sa party bago tuluyang lumabas sa bahay at magmaneho papunta sa venue. When I got in to the venue, popular celebrities and other known personalities are there now. I am really amazed. It’s like a dream come true. It is my first time attending this party so I am very happy and nervous at the same time. Hindi pa ako nakakalabas ng sasakyan ko ngayon dahil inaabangan ko pa si CJ. Our manager’s plan is sasabay kaming lalabas ni CJ sa kotse para kunwari ay sabay kaming pumunta sa party. Kaya naman ay sa malayong bahagi ko muna ako nagpark ng sasakyan. After ten minutes, dumating na din si CJ at pinapasok niya ako sa sasakyan niya. Nang mahinto ang sasakyan ay pinagbuksan niya ko ng pinto at doon, humarap ako sa halos isang daan na paparazzi na nag-aabang sa amin. I smiled as the cameras flashes at us. Nang matapos sa kumpulan ng mga reporters ay pumasok na din kami sa loob at doon nakita ang iba pang artista. Both me and CJ are in awe. Dati sa TV lang namin sila nakikita, ngayon ay halos iilang dangkal na lang ang pagitan ko sakanila. Habang busy ang lahat sa pakikipag-usap, nakita ko na naman muli si Jerome kasama si Pamela. At talagang hanggang dito sinamahan niya pa talaga ang babaeng yon? Pamela is clinging her arms in Jerome’s arm and laughing at the other guests like she’s the wife or girlfriend of that man. You’re with the son of a business pioneer, mr. Manicio. Tanong ng isang ginang kay Pamela. Yeah. I am actually flattered. Animong kinikilig niyang saad. By the way, where is your wife, iho? Ang alam ko ay pupunta din siya dito. Saad ng ginang kay Jerome. Mukang nagulat ito sa sinabi ng babae kaya naman ay agad niyang nilibot ang paningin at hinanap ako. Mabilis akong nagtago at hindi pinakita ang muka. Anong akala niya, magpapakita ako sakanya? Kung sinabi niya sana na pupunta pala siya dito edi sana siya na ang sinama ko bilang date! Nagsinungaling pa talaga siya sa akin para lang masamahan ang kabit niya.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD